Chapter 1

16 1 0
                                    

"Oh, Mariel? Kumusta?" paunang bati sakin ni Joseph. Joseph Asagi.

Anyway, mayaman sina Eukarys at Joseph. Mas gusto lang nilang mag-aral dito sa public school. Maganda naman ang turo dito sa Becuran HS. Ayaw daw nila sa private school, maganda nga ang school wala namang natututunan. Grade 11 na sila at ako naman ay grade 10.

"Okay na okay! Ikaw?" sagot ko kay Joseph. Si Eukarys naman ay tumabi na saking umupo. At kaharap namin si Joseph.

Kababata ko si Eukarys, magkasama dati si Papa at ang kanyang ama sa isang kumpanya. Sila Eukarys ang may ari nito. Pero ng namatay si Papa mas pinili ni mama na kunin nalang ang shares sa kumpanya at mag-umpisa ng maliit na bussiness na sapat lang para sa aming dalawa.

Nang balingan ko si Eukarys ay tumambad sa akin ang kanyang mapupungay na mata. Nailang akong tumitig sa kanyan dahil sobrang lapit na ng mukha namin. Mabuti nalang at hindi ito napansin ni Joseph dahil pumila na siya sa counter para mag order.

"Kumusta?" mababa ang tinig ni Eukarys habang linalaro ang kanyang mga daliri.

Sasagot na sana ako ng dinugtungan nanaman niya ang kanyan sibasabi. "Sana ay magkaayos na ang ating magulang upang maging malaya tayo..."

Napaawang naman ang bibig ko. Hindi ko gaanong maintindihan ang huli niyang sinabi na sana ay mag ka ayos na kami. Ngunit ang sinabi niyang una ay malabong mangyari. Magkalamat ang relasyon ng mga magulang namin bago mamatay si Papa. Iyan ang dahilan bat mas pinili ni mama na kunin ang mga shares sa kanilang kompanya.

Naaninag kong papalapit na si Joseph dala ang dalawang tray. Ang isa ay binigay niya kay Eukarys. Ngunit ang isa naman ay may lamang large fries at malaki ring Coke float.

"Share nalang tayo Mariel." sabay kindat pa sakin ng mokong.

Ayos lang naman sakin magshare kami dahil kapatid narin ang turing ko sakanya.

Sumimsim ako sa coke float. Napansin kong malungkot ang mga mata ni Eukarys ngunit pinipilit niyang ngumiti.

"Ahh." nabigla naman ako ng linapag ko ang coke float sa lamesa at may nakatutok ng fries sa bibig ko. Ngumanga ako ng kaunti kaya nasubo iyon ni Joseph.

"Ano ba Joseph, nakakahiya ang daming nakatingin." sabi ko pagkatapos ngumuya.

"Hayaan mo sila. Wala akong pakialam sa kung anong sabihib nila." ngisi ngisi niyang sagot sa akin.

Ilang sandali uminom din si Joseph sa coko float.

"Una nako.. Uh-mm mukhang nakakaabala ako sa inyo. Tsa tinatawag din ako ng team." saad ni Eukarys.

"Okay lang namang nandito ka tol. Pero kung pinapatawag ka ayos lang. Ingat." sagot ni Joseph.

Hindi na sumagot si Eukarys ay tinalikuran na niya kami. Pinagkibit balikat ko nalang iyon.

"Mariel..." napabaling ako kay Joseph na ngayon ay mababa ang tinig.

"Hmmm?" pinagmasdan ko siyang mabuti dahil mukhang seryoso ang mga sasabihin niya.

Nag-iwas siya ng tingin kaya lalo akong naging kuryoso.

"A-ahh. Wala. Wala. Tara hatid na kita sa room niyo baka dumating narin ang kasunod mong lecturer." alam ko, alam kong hindi ito ang sasabihin niya. Iba e, gusto niyang sabihin ngunit alam kong nahihiya siya.

Kunwari nalang ay di ko iyon napansin. Tumayo nalang ako ng nakita korin siyang tumayo. Ihahatid niya ko papuntang room!

Tahimik kaming naglakad. Ewan ko, bakit parang akward kami ngayon.

Nakarating kami sa tapat ng classroom ng di ko napapansin!

"Uh, Mariel sige pasok kana, papasok narin ako." medyo ilang niyang sabi.

"Okay." agaran kong sagot at pumasok na ng classroom. Diretso ako sa desk ko. Bumaling ako sakanya at kumaway.

Ng mawala na siya ay narining kong tumunog ang aking cellphone. May isang mensahe dito galing kay Joseph.

From: Joseph

Mariel?

Agad ko naman itong rineplayan.

To: Joseph

Yes?

From: Joseph

Uh, sabay na tayong maglunch mamaya. Ako taya. :)

To: Joseph

Sige ba! Basta ikaw taya!

Pagkatapos ng dalawang subject ngayong umaga ay tumunog na ang bell. Hudyat na lunch break na. Dumeretso nako ng canteen. At nakita ko si Joseph sa may dulong table.

Pumunta na ako don. Sakto namang paupo ako ay may waiter na dumating.

"Nag order na pala ako para pag dating mo makakain na tayo. Okay lang ba sayo yung naorder ko?" sabi ni Joseph

"Oo naman. Ano kaba, okay na to, basta libre mo!" sagot ko sakanya sabay kurot ng ilong niya.

Nakakainggit kasi ilong niya. Ang tangos tangos samantalang sakin flat.

"Nga pala, asan si Eukarys?" tanong ko sabay simsim sa juice.

"Di daw makakasabay kumain. umuwi ata." kibit balikat na sagot niya.

Itinuloy nalang namin ang pagkain. May ilang bagay din kaming pinag-uusapan. Ilang sandali pa pareho namin natapos ang aming tanghalian.

"Errr. Busog na busog ako. Pahinga muna tayo ng konti." sabi ko kay Joseph sabay haplos sa aking tyan.

"As you wish Princess." ngisi ngisi pang sagot nito.

Matapos ng ilang minutong pagpapahinga pa, nagpasya na kaming bumalik sa aming nga classroom. Hinatid niya muna ako bago bumalik sa kanyang classroom.

Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko at nakita kong ilang minuto nalang ay mag aala una na. Malapit na ang sunod naming Lecturer.

Umupo na ako sa aking arm chair at naglabas ng isang notebook. I love writing. I wrote whatever I think. It's kinda weird para sa iba ang sinusulat ko. Dahil hindi nila ito maintindihan at maski ako hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga sinusulat ko.

Minsan ding hinihiram ng mga kaklasi ko ang notebook nato para makakuha ng qoutes kuno para sa kanilang group message.

Nakatingin ako sa kawalan pagkatapos isulat ang isang palaisipan nanamang mga salita.

Napansin kong nagsipasukan na ang aking mga kaklasi. Even boys na pawis na pawis.

Mahilig silang maglaro ng kung ano ano sa labas ng classroom. Like badminton, volleyball and sepak takraw.

Dumating na ang aming Values teacher. Ewan ko pero parang napansin kong medyo galit siya. Hindi ko lang alam kung bakit. Mabait naman siya, at isa sa mga kaclose naming teacher dahil lagi niya kaming pinagbibigyan.

Dying WishWhere stories live. Discover now