Simula

23 0 0
                                    

"Anak! Mariel! Alas syete na ng umaga, alas otso pasok mo. Bumangon kana d'yan." Hay, ayan na naman si mama sarap-sarap ng tulog ng tao eh. Hindi ba niya alam na dalawang oras palang tulog ko?!

Alas singko ng umaga na nga ako nakatulog, tinapos ko ang investigatory project ko. Yes! Investigatory project ko! Imbes na tatlo kaming gagawa, walang tumulong sakin. Lintik na. Ang hirap panaman. Kailangan ko talagang magsunog ng kilay, pati pilikmata para matapos ko 'to mag-isa.

Ah, bahala na mga groupmates ko. Pag magpapasa na pangalan ko lang ilalagay ko.

Nang mahimasmasan na, tumayo na ako at dumeretso sa banyo para gawin ang mga morning rituals ko.

After twenty minutes, natapos na rin ako. Chineck ko muna lahat ng dadalhin ko sa school para siguradong wala akong makakalimutan.

Bumaba na ako bitbit ang aking bag at dumeretso sa kusina para mag-almusal.

"Bilisan mong kumain! Jusko po! Mariela Angelina Agustin! Ma-le-late ka nanaman!" Ayan nanaman si mama. Hindi ko nalang siya pinansin.

Nagtimpla ako ng gatas at kumain ng tinapay.

Tinignan ko ang aming wall clock at 7:42 am palang. May 18 minutes pang natitira.

"Ma, alis napo ako." Bumeso ako kay mama bago lumabas ng bahay.

Habang nag-aabang ako ng masasakyan jeep, narinig kong tumunog ang aking cellpone. May isa akong natanggap na mensahe.

From: Eurene España

Mariel, paki-bilis naman. Parating na si Miss. Baka 'di niya tanggapin yung Investigatory project natin.

Natin?! Investigatory project natin? Aba, isa't kalahati ring palang makapal pagmumukha neto. Hindi ko na siya rineplayan at binulsa ko nalang ulit ang cellphone ko.

Ilang sandali pa ay may tumigil na jeep sa harap ko at sumakay na ako.

Halos mag aalas otso na ng dumating ako ng paaralan. Ang Becuran High School. Isang pampublikong paaralan dito sa Pampanga.

Asa second floor lang ang room ko, kaya hindi gaanong mahirap akyatin. Pagpasok ko ng room ay agad akong sinalubong ni Eureñe.

"Jesus! Kala ko late ka nanaman. Baka wala tayong maipasa." Napaface palm pa ang loko! Inirapan ko nalang siya at patagong ngumisi. Tignan natin. Hahaha

Ilang sandali pa, dumating na si Miss Dizon. Our Consumer Chemistry teacher.

Istrikta ito dahil dati siyang galing sa private school. Ewan ko lang ba't umalis doon at piniling mag-turo sa public school.

"Good Morning class, today is your submission of investigatory project. And next week is your reporting. So, may I see you works? As I call your name pumunta kayo dito sa harap." wika ni Miss Dizon.

Halos lahat kami ay nag access na ng laptop para mabilis nang maipakita kay Miss.

"Mariel Agustin and your groupmates come here." ayan na, una nga pala kami. Dahil alphabetical order pagtawag.

Kampanteng-kampante pa si Eurene at Kristina na pumunta sa harap. Aba't... hay.

Linapag ko ang laptop sa table ni Miss at iniscan niya ang mga pages nito.

"Hmmm, Good work. But, may I know bakit ikaw lang ang nakalagay na pangalan dito at wala si Eurene at Kristina?" taas kilay na tanong niya sakin.

"Huh? Ano po?" aligagang tinignan ni Eurene ang screen.

"Simple Miss, because ako lang ang nagpuyat para matapos 'yan, I did that paper all by myself." kalmadong sagot ko.

Ang sama ng tingin sakin nina Eurene at Kristina. Well, nag roll eyes nalang ako sa kanila. Nang bumaling ako kay Miss Dizon ay taas kilay na niyang tinitignan ang dalawa.

"Both of you! Go to library and finish your IP this day or else I'll give you 65!" sigaw ni Miss Dizon.

"Y-yes M-miss." natatarantang sagot ng dalawa.

Kinuha nila ang gamit nila at sabay na lumabas upang magtungo sa library.

Halos matapos na ni Miss i-check ang lahat ng aming mga IP nang pumasok si Eurene at Kristina.

Huh? Walang isang oras natapos nila IP? Hmmmm. Baka kumuha lang sila sa internet. Tsk. Doble pahiya.

"Miss, ito napo yung amin ni Kristina." kampanteng sagot ni Eurene.

Tumaas ang kilay ni Miss Dizon sa dalawa.

"Good Work," ngumiti ng ngiting tagumpay ang dalawa. "I remember this IP during my college day. Really? Magpapasa kayo ng IP sakin na ako ang may gawa?" seryosong baling ni Miss sa dalawa.

"But Miss, s-sa li-library po n-namin yan ginawa kanina." utal utal na sagot ni Kristina.

"Nice job! Kinuha niyo to sa internet. At tyempo pang ang gawa ko ang kinopya niyo. Go to disciplinary office! Noooooow!" sigaw ni Miss.

Tsk. Tsk. Tsk. Ngumisi nalang ako dahil baka humagalpak ako ng tawa dito.

Natapos ang subject na iyon. Wala ang susunod naming Lecturer. May sakit daw ata. Pumunta nalang ako ng canteen at tumambay don.

Naisipan kong itext si Eukarys kung wala rin ba siyang ginagawa para may kasama ako dito.

To: Eukarys Jairus

Hey! Vacant namin. Asa canteen ako.

Agad naman siyang nagreply.

From: Eukarys Jairus

Nice. Vacant din namin. On my way babe! :D

Hinintay ko siya ng ilang sandali. Biglang umingay, kaya napabaling ako sa may pintuan. Nagtilian na ang mga babae, maroong sumisigaw at bumubulong lang sa katabi dahil siguro nahihiya. Tsk. Parating na pala ang mokong.

Sikat si Eukarys at ang kanyang banda dito sa Santa Rita. Bayan ng Pampanga, dahil lagi siyang sumasali sa mga liga tuwing malapit na ang fiesta o kahit anong okasyon.

Dying WishWhere stories live. Discover now