Chapter 12

384 21 2
                                    

Unknown Feelings

( Alliana's POV )

Masaya kami nila Katrine at Romina dito sa mall sayang at hindi sumama si Sentinel. Alam mo naman yun mahilig mag shopping at pati masaya siyang kasama. Pero parang may kakaiba sa kanya ngayon parang nag mamadali basta hindi ko maipaliwanag.

Anyway baka guni-guni ko lang yon. Nandito kami nila Katrine sa ice cream parlor syempre kumakain ng ice cream. Pag katapos namin kumain parang nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya sinabi ko kala Katrine na hintayin na lang nila ako sa National Bookstore.

Pumunta na ako sa Mcdo para umihi wala kasing restroom dun sa ice cream parlor. Ng malapit na ako sa restroom parang pamilyar sa akin yung dalawang taong nagtatawanan sa dulo ng upuan. Kaya dun ako dumaan sa daanan nila. Ng malapit na ako sa cr nagulat ako sa nakita ko.

Yung nagtatawanan kanina ay sila Sentinel at Citronell.

" Are you guys dating?!?!?! " napasigaw ako sa sobrang gulat na parang ayaw pa rin mag process sa utak ko.

Hindi ko na nga alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Parang halo-halo na ang nararamdaman ko galit, inggit, lungkot, pagod, gulat at marami pang iba.

" Huh?! Hindi ah! Kaibigan ko yan si Citronell. " Sabi ni Sentinel at lumingon kay Citronell.

Tinignan ko naman si Citronell na nakatingin sa akin ng seryoso. Nagulat ako ng nakita kong hinawakan ni Citronell yung kamay ni Sentinel at tinaas.

" Oo. Tama nag dedate kami ni Sentinel. Nililigawan ko na siya kahit nung hindi pa ako kasali sa grupo nila Jamz. " sabi niya ng bahagyang nakangiti parang fake na ewan.

Si Sentinel naman nanlaki na lang ang mata. Siguro ayaw niya sabihin sa amin na nililigawan na pala siya ni Citronell kaya bahagya siyang nagulat katulad ng ibinigay niyang reaksyon kanina.

" Ahhhh... mag rerestroom lang ako ha. Kanina pa ako naiihi eh kaya nga ako pumunta dito eh. " sabi ko. Mag sasalita pa sana si Sentinel kaso lang umalis na ako kaagad kasi mamaya baka tumulo na ang luha ko sa pag pipigil.

Nang nakapasok na ako sa cubicle agad tumulo ang luha ko hindi lang siya patak kundi bumuhos. Sa totoo lang hindi na talaga ako nakaramdam ng tawag ng kalikasan simula ng nakita ko sila.

Hindi niya pa ba nalilimutan yung pag tataboy ko sa kanya dati? Mahal niya parin ba siya? Kala ko ba naka move on na siya?

Ang daming tanong sa sarili ko na hindi ko naman kayang masagot dahil wala naman talaga sa akin ang kasagutan.

Tuloy tuloy lang tumutulo ang luha ko. Ng nakaramdam ako ng sakit sa mata ko lumabas na ako tsaka ako nag hilamos. Nag retouch ako tsaka ako lumabas baka mag taka sila kung bakit ang tagal ko sa cr.

Palabas na ako ng nakita ko sila Citronell na naghihintay sa may tapat ng Mcdo.

" Oh? Nandyan na pala si Alliana tara na! " sabi ni Citronell at nakangiting nakatingin kay Sentinel. Nakakainggit.

" Tara na Alliana sama kana sa amin mag tatimezone kami. " sabi ni Sentinel na parang naiilang.

Umiling ako bilang sagot. " Hindi na. Pauwi na rin naman ako eh. Baka nga iniwan na ako nila Katrine. Pati baka nakakaabala ako sa inyong couple. Hahaha. " sabi ko at bahagyang tumawa. Sana hindi halatang pinepeke ko lang ang tawa ko.

" Sabi ko na nga ba!!! Couple kayo eh! Nakita ko kayong mag kayakap sa playground! "sabi ni Jamz. Nagulat kami sa biglaang pag sulpot niya.

Pero nawala ang gulat ko ng naalala ko yung sinabi niya na mag kayakap si Sentinel at Citronell sa playground. Napayuko na ang ako sa narinig ko sa kanila. Masyado na akong nasasaktan. Aalis na sana ako ng biglang hinawakan ni Jamz yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian lang niya ako.

" Diba mag tatime zone kayo?! Sama kami ha! Laban tayo kami ni Alliqna ang mag kapartner tutal crush ko naman si Alliana at couple kayo kaya magandang laban ang mangyayari! " sabi ni Jamz at biglang nag grin. Parang may binabalak na masama.

Sumulpot naman si Katrine at nag tatalon. Parang tuwa-tuwa pa siya sa nangyayari. Nahagip ko naman ng tingin si Klent na nakatitig kay Katrine na tuwang tuwa kumikislap pa ang mata. Bagay sila hahaha.

Nagsimula na silang mag lakad wala na rin naman akong magagawa dahil hinatak na ako nitong Monggoloid na ito kaya pinabayaan ko na lang.

Pag tapat namin sa timezone nag madali na kaagad si Katrine pumunta sa dance revo.

" Dito kayo unang mag laban. Tas yung mga susunod niyong lalaruin! Ang matalo mang lilibre sa tea ropical. Ha! " sabi niya at nag start siya ng music.

Wala na kaming nagawa kaya sumayaw nalang kami. Habang nag sasayaw kami napansin kong nakatingin sa akin si Citronell ay mali pala kay Sentinel ng natapos na kami ang resulta ay tie lang.

Nag tinginan si Citronell at Jamz ng masama saka nag punta sa coin dozer. Nag papagalingan silang makahulog ng barya.

* Fast forward *

Ito na kami sa last na laro namin. Basketball. Naalala ko nanaman kung paano ako natuto nito. Tinuruan niya ako kung pano mag laro nito. Ang saya pa namin nung araw na yon.

Nakabalik lang ako sa realidad ko ng biglang nag bell yung court hudyat na pwede ng mag simulang mag shoot ng bola. Kaya kumuha ako ng bola at shoot lang ng shoot.

Habang naglalaro ako nakaramdam ako ng may nakatingin sa akin pero hindi ko na lang pinansin dahil baka madistract lang ako.

Pag katapos ng laban nagulat kami sa resulta ng basketball. 40-20 lamang kami ng bente sakanila. Nilingon ko naman sila Sentinel dun at nakita kong nag uusap ang dalawa.

" Nasan na kiss ko? Diba sabi mo pag may na shoot ka hindi kita ikikiss pero pag wala ikikiss kita. " sabi ni Citronell. Hindi ko makita ying mukha niya dahil nakatalikod siya sa amin.

" Okay okay! Basta isa lang! " sabi ni Sentinel. Onti onting nilalapit ni Citronell yung mukha niya kay Sentinel.

Magkadikit na yung ilong nila ng may biglang nag ring yung phone ko kaya lumayo muna ako at saka sinagot yung tawag. Buti na lang may tumawag kundi kanina pa ako iyak ng iyak.

" Hello? " sagot ko.

" Hello Alliana. Umuwi ka na dito. Nandito na yung ate mo. Bilisan mo mag iingat ka. " sabi ni Daddy

" Opo. Sige po "

" Sige. Bye " at nag end call na yung tawag.

Bumalik na ako sa pwesto ko ng lumapit si Sentinel sa akin at niyakap agad naman niya akong hinarap sa kanya.

" Bakit ka umiiyak Alliana? Anong nangyari? " tanong niya. Umiling lang ako at saka nag salita.

" Wala. Kailangan ko ng umuwi dahil pinapauwi na ako at andyan si Ate. Sige ingat. " sabi ko at nag lakad na kaagad palabas.

Habamg nag lalakad ako ang dami kong iniisip ngayon. Kung mahal ko pa ba siya? Kung totoo ba to?

Pero sa lahat ng maiisasagot ko sa inyo.

Hindi ko naalam ang nararamdaman ko.

A/N: Sorry po kung mabagal akong mag up date pag pasensyahan na lang po kasi po busy sa school. Vote and comment po kayo :)))

- Katiiieeepot :"""">

The Dancers at the Hallway (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon