<Justine's POV>
Dumating na yung teacher namin. At ang pambungad ba naman maga-introduce daw ng sarili. Igo-group by 7. Bubunot ng number. Number 5 nabunot ko. Umupo na ako sa naka assign sakin.
May nakaupo na dun. Limang babae tapos dalawang lalaki. Isa dun si Louie Bien. Nagstart na kami.
"Ako si Aiana Maireen. I love singing :)" sabi ni Aiana. Sunod na ako.
"I'm Justine Mae Castillo." dull kong sagot tapos sunod sunod na sila.
"I'm Miguel Zamora. I like writing poems."
"I'm Louie Bien Monteclaro. I like playing badminton."
"I'm Nicole Valderama. And I like HOT boys." sabi ng isang mataray na babae. Halatang malandi!
"I'm Andrea Santiago and playing with boys is my game." sabi niya with matching taray effect. Siya yata yung leader nung tatlo -__________- Yung isa lumabas eh.
Ayan, natapos na ang pagpapakilala. Ayos lahat ng classmates namin except dun sa tatlo, este, dalawa, kina Andrea at Nicole. Ang landi!!!
~Hang landi landi... Maraming malandi. They can't stooop~
Ok ang korni... nasisira ang image ko. -.-
<Aiana's POV>
Hay salamat, recess na! Pumunta kaming apat sa canteen, pero di sinasadyang magkakasabay kami. Kaming apat. si Justine, Miguel, Louie at ako. Pero di kami nag papansinan.
Pumila ako doon sa pinakalikod tapos may mga 4th year student na nagpaparinig sa akin.
"Ano ba naman ang mga Freshmen ngayon, parang walang respeto." sabi ng 4th year student.
"Nakakainis talaga sila!"
"Kala mo kung sino!"
"Diba nila alam ang binabanga nila?"
Yan ang mga parinig na nakakabingi. Ano ba ang ginawa ko sakanila??? I need to ask...
"Ate, pasensiya na po sa pagputol ng pag-uusap niyo. Gusto ko lang namang malaman kung bakit kayo galit samin. Ano po ba ang ginawa ko?" tanong ko.
"Eh, sa trip namin at tsaka wag mo akong matawag tawag na ate kase di mo ako kapatid o ate." sabi ng isang 4th year.
"Sorry po, gumagalang lang po talaga ako." - ako.
"Hoy babae! Wag mo ako masagot-sagot ha! Ano akala mo sakin, walang galang?!" - 4th year student. Tapos tinulak niya ako kaya natumba ako at natamaan ko yung isang babae dun at natapon yung hawak niyang softdrinks.
"How dare you!!!" sabi sakin nung babae.
"Ah...eh...siya po kasi, tinulak ako." - ako. Tapos nakita kong natameme yung mga 4th year student.
"Hoy babae! Akala mo kung sino ka?! Eh estudyante ka lang dito ha!!!" sabi nung 4th year.
"Well, mali ka! Hindi mo ba talaga ako kilala?" - yung girl. Justine ata pangalan
"Bakit sino ka ba? Ha? Freshmen student ka lang!" - 4th year student. Tapos biglang dumating yung Dean sa canteen.
"Oh, Jin, what are you doing here? Ba't may mantsa ung damit mo?" - Dean
"Ah, Tita, wala po, bumili lang po akong snacks." - girl. Tapos nakita ako ni Dean, nakadapa.
"Oh, hija, what happened to you?" - Dean
"Wala po mam." - ako
Tapos tumayo na ako at pinagpagan ung damit ko.
Then yun, bumili na ako ng snacks tapos balik na sa room. Palagi nalang ako binubully. Tsk
Waaaaahhhh akala ko wala nang bu bully sakin eh. T3T
<LBM's POV>
Sobrang boring ang araw na to! Nung biglang may narinig akong nagsisigawan sa canteen. Tiningnan ko nasa canteen sina Justine na hinihila si Aiana. Pero pinipigilan ni Aiana. Binubully ba ni Justine ung babae? Parang oo na hindi? Palapit ako sakanila.
"Halika na pumunta tayo sa office." sabi ni Justine.
"Ayaw ko." sabi ni Aiana.
Pumunta ako kina Justine at bigla akong hinila ni Aiana.
"Ano ba ang nangyayari dito?" sabi ko.
"Eh, gusto ko lang naman pumunta sa office." sabi ni Justine.
"Bakit mo naman hinihila si Aiana?" sabi ko.
"Eh, siya lang naman ang naapi dito! Pwede, tumahimik ka na lang!!!" sabi ni Justine ng pasigaw. Nag walk out nalang si Justine dahil ayaw sumama ni Aiana
Wala na akong nagawa sadyang nag-aalala lang naman ako sa kanilang dalawa. Sana hindi galit saakin si Justine... Pagnagalit pa naman un. Ang boyish kasiii
"Hoy, Louie Bien Monteclaro! Okay ka lang?" sabi ni Aiana.
"Ano ba ang nangyari Aiana Maireen Alcantara?" sabi ko. HAHAHA.
"Talagang complete name ko pa talaga!"
"Eh, complete name din naman ang tawag mo sakin eh..." sabi ko.
"Okay...sige bye." sabi ni Aiana.
"Wait, ano ba yung nangyari?" sabi ko pero snob lang si Aiana. Tatanungin ko na lang si Justine.
(J/N: Justine me a reason. Just a little bit enough hahahaha XD. Napagtripan lang Lol) Ang corny mo Author parang si Justine lang. Hahaha xD V
<Miguel's POV>
Eto, nandito ako sa corridor, palaro-laro lang ng psp ko. Wla kasi akong magawa. Tsaka level 500 na ako eh. Tsk Nanalo ako sa laro at sigaw ako ng sigaw. With matching talon talon at wagayway ng kamay.
Bigla akong binangga ni Justine at napasigaw ako. Babaeng to. Ang boyish naman niya no? Kawawa naman!
HINDI PALA! DAHIL SAKANYA MUNTIK NG MAHULOG PSP KO.!! MASAMA SIYA!
"Hoy, babae wala kang hiya, mahuhulog ang PSP ko sayo, mahal pa naman ito! >____< " sabi ko.
"Shut up!!!" pasigaw na sabi niya. Nakakatakot siyang tunay. Bow.
<Justine's POV>
"Shut up!!!" sigaw ko tapos nagpatuloy ako sa paglalakad dahilan para mabangga siya. Tss. Stupid. College na naglalaro pa ng psp. Kung nasira un edi babayaran... BV naman oh!!!!! First day na first day.
Nakarating na ako sa Dean's Office. Pabalibag kong binuksan ang pinto. Nakita kong nagulat ang Dean. Sinabi ko na yung nangyari kanina. Pero naisip ko na wag na lang ituloy ang pagpaparusa kasi wala din namang kwenta un.
"Wag na lang. Sige bye!" sabi ko tapos tumakbo na papunta sa kung saan matripan.... Walang kwenta din no? Hahaha
Eto, suot headphones ulit... badtrip un kanina eh. Nakakakalma talaga ang music.... d=_=b Lalo na pag si Jessica Jung at Onew ang kumakanta
WHAT A FIRST DAY!!!!
BINABASA MO ANG
NOTEBOOK
RomanceThey met in an unexpected way but eventually became great friends. They will face problems, as friends and as individuals. Will they conquer it all or they will just be damage from series of problems? Let's join this four great people as they grow a...