Chapter 2: Collision

54 2 0
                                    

<Miguel's POV>

Haaay, ngayon na nga pala yung Entrance Exam namin sa JC University, lagot, di pa naman ako nag-aral :( Siguro madali naman. Wala pa naman akong kaibigan dito. Huhuhu T______T

(A/N: Diba ang tunay na lalaki di umiiyak?)

Hoy, expression ko lang yun!!! 

 (A/N: Sadyang isip bata ka, Miggy. Whahahaha)

T.T Meanieeee

(J/N: I know right!!)

<Aiana's POV>

Habang nagrereview ako sa loob ng kotse namin, bigla na lang akong napasubsob dahil sa biglang pagpreno ni Kuya Driver. 

"Aray," sabi ko. 

"Ano ba naman yan Kuya?" -ako. 

"Sorry mam, bigla kasing may sumulpot na tatlong kotse." - Kuya Driver. 

Paglabas ko, nakita ko ang tatlong estudyanteng lumabas sa kani-kanilang kotse. Yung isa naglalaro sa PSP niya. Yung isa naka-headphones na walang pakialam sa nangyari. Yung isa naman galit na galit sa nangyari... 

After nung soon to be accident kanina. Dumiretso na ako sa room kung saan ako magtetest. Umalis na din naman yung tatlong mga walang pake sa nangyayari...

<Justine's POV>

Tapos na ang exam. Kahit di ako magtest makakapasok lang naman ako dito kasi school to nina Mama. Pero dahil nga mabait ako nagtake pa din ako ng entrance exam... So easy. Ang boring naman -____- Papunta akong canteen kasi gutom na ako galing sa super boring na tests. Pagpasok ko madaming estudyanteng pakalat kalat. Tsk. Since mahaba yung pila sumingit ako sa harap ng isang matabang lalaki. Susunod na dapat siya kaya lang sumingit ako. 

"Miss, bawal po sumingit!!!" sabi ni Taba. Tumingin ako sakanya ng nakataas ang kilay. 

"And so? Hindi mo ba ako kilala?" sagot ko. 

"Hindi. Sino ka ba? Ikaw ba ang may-ari ng school na to? Ha?" sagot ulit ni Taba.

Napasmirk ako sa sinabi ng matabang to... Hahahaha you'll be totally humiliated. >=)

<LBM's POV> 

 Nakapila ako dito sa counter ng canteen kasi syempre bibili ng pagkain. Gutom na gutom na ako. Buti nalang ako na sunod... Kaya lang

MAY WALANG HIYaNG BABAENG SUMINGIT NALANG BIGLA!!!!!

BWISET HINDI NIYA ALAM KUNG ILANG ORAS AKO TUMAYO DITO SA PILANG TO. TAPOS SISINGITAN NIYA LANG AKO?!

(J/N: Actually, ilang minuto lang naman siya nakapila OA lang talaga si LBM... Hahaha)

"Miss, bawal po sumingit!!!" sabi ni ko. Tumingin naman siya sakin na nakataas ang kilay. 

"And so? Hindi mo ba ako kilala?" sagot naman niya. Ano siya artista para makilala ko?!

"Hindi. Sino ka ba? Ikaw ba ang may-ari ng school na to? Ha?" sagot ko. 

"Ate, pakisabi nga dito kay TABA kung sino ako!!!" sabi ni Ms. Taray kay ateng tindera sa canteen. 

"Sir, siya po si Justine Mae Castillo, ang anak ng may-ari ng school na ito!" sabi ni ate. 

Bigla akong natulala and at the same time sobrang napahiya. Di nalang ako bumili, lumabas na lang ako ng campus at sumakay sa kotse. Nakita kong humahagalpak ng tawa ung Ms. Taray bago ako makaalis...

Aaaarrrrgggghh. Pahiya ako dun ah!!! At sobrang gutom na din ako..... T.T

NOTEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon