This is A Prologue

7 2 0
                                    


Mahal mo, di ka mahal.

Mahal mo, may ibang mahal.

Mahal mo, manhid siya.

Mahal mo, di ka kilala.

Mahal mo, hanggang friends lang talaga.

Mahal mo, kailangang magparaya.



Mahal ka, di mo mahal.

Mahal ka, iba nagmamay-ari ng puso mo.

Mahal ka, di mo pansin.

Mahal ka, assuming ka lang pala.

Mahal ka, pinaasa ka lang pala.

Mahal ka, friendzoned siya.

Mahal ka, choosy ka pa.



Mahal mo't mahal ka...-yong dalawa.

Mahal mo't mahal ka, may ahas nga lang.

Mahal mo't mahal ka, tutol si Mom and Dad!

Mahal mo't mahal ka, pero mas mahal nya si ano.

Mahal mo't mahal ka, naagaw pa ng iba.

Mahal mo't mahal ka, pero set your priorities straight.

Mahal mo't mahal ka, pero di kayo itinadhana.

Mahal mo't mahal ka, pero kung kayo, kayo talaga.

Mahal mo't mahal ka, pero sobrang sakit na!

Mahal mo't mahal ka, namatay ka/ siya.

Mahal mo't mahal ka, ba't mo/ka iniwan?

Mahal mo't mahal ka, kapwa di na kayo malaya.

Mahal mo't mahal ka, pero ang layo niyo sa isa't isa.

Mahal mo't mahal ka, pero imposible talaga!




Hays... Ganyan naman talaga ang scenarios pagdating sa pagebeg di ba? It's either nauuwi sa hiwalayan o kasalan at hanggang di pa umaabot sa simbahan, hindi guaranteed ang walang hanggan. Oh wait, kahit nga kasal nauuwi pa rin sa divorce o pagpapa-anull. Kahit nga iyong mga taong dekada ang nilaan para sa pagmamahalan, nagkakahiwalay din ang mga daan. Kahit gaano nila kamahal ang isa't isa, may mga factors talaga sa paligid na dahilan upang mag-break sila.



Hays, in the end wala talagang poreber. At oyy, di ako bitter! Just stating the facts yoww. Rarely lang talaga makakakita ng pagebeg na "Mahal mo't mahal ka, walang kokontra. Period, no erase."



Pero alam nyo ba kung ano ang pinakamasaklap na scenario sa love? Yun yung "MAHAL MO, DI MARUNONG MAGMAHAL!" Pusong bato ang gago. -_-  Sobrang sakit nun kasi unrequited na nga, ni katiting na pag-asa, WALA!



At sa kasamaang palad, ito po ang story of ng sadlablayp ng older sister ko by 5 months, na ang genre ay RomCom except sa part na wala talagang romance and it's only me laughing at my own jokes. Lol



P.S. This ain't a love story.

'Cause there's no love in the first place.



By: Marisse Elle Miranda; June 05, 2016; Sunday; 04:30 pm 

This Ain't A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon