Ako po ang inyong tagapagsalaysay sa kwentong ito. This story revolves around my sister Chandrielle, mas matanda siya ng 5 buwan sa'kin. Magkapatid lang kami pero hindi kami kambal. Kung panong nangyari yun, aba hindi ko rin alam kayo wag ka nang matanong.
She's turning 17 a few weeks from now. And mayroon siyang napupusuang kahit kailan ay di naman siya pinapansin at di rin naman niya magawang aminin ang pagtingin. Ang gulo nga ee! Sabi niya sakin one time, si Joshida Jimenez lang raw ang kaisa-isang lalaki sa mundo na papakasalan niya at kung hindi raw yun mangyayari, magmamadre na lang siya pero dahil sa kadahilanang hindi naman kami Catholic, malabong mangyari yun.
Napakalabo ng ate ko kase mahal na mahal niya raw si Joshida at lagi ko siyang nakikitang pinagmamasdan ito pero sa tuwing mahuhuli siya nitong nakatitig, iiwas siya ng tingin. Kung wala si Joshida, napaka-vocal niya sa damdamin niya para sa lalaking yaon pero kapag nandyan naman ito, natatameme ang gaga. Haaay ang gulo! Halos lahat na nga ng students sa school namin alam na inlababo si Ate kay Joshida pero ang nakakapagtataka, mukhang si Joshida lang mismo ang hindi aware nun.
Ewan ko nga rin dyan kay Ate ee, ang hirap niyang ispelingin, napaka-bipolar. Parang may Multiple Personality Disorder. She's like a lonely soul and a happy personality trapped in one body. (Naks! Englishining yun, my bleeding is nose.)
Anyway, ito namang si Joshida ay ang tipikal na badboy next tatlong kanto mula sa apartment ko. 17 pa nga lang siya ay marunong nang uminom at manigarilyo. Pati siguro shabu at marijuana tititira ng gwapong gago! Hahaha djk lang. Just because he's a badboy doesn't mean he's into those things. ( Oh nosing is bleed agen.)
Maraming karibal si Ate sa kanya pero ang masaya, pare-parehas sila ng kapalaran. Mga hopeless. Ito naman kasing si Joshida napakamanhid!!!! O baka wala lang talaga siyang pakialam sa nararamdaman ng iba.
Pero ang swerte nga ng Joshidang yin kung tutuusin ee kasi sa 5000+ male population sa school namin, sa kanya pa napunta ang puso ni Ate. Pero sa kasamaang palad, kahit na gaano pa kaganda at katalino ni Ate, kahit ibigay niya man ang lahat-lahat kay Joshida, wala ee ... hindi ito interesado. Haays ang malas lang talaga ni Ate sa pagebeg. Kawawa naman ang ate ko. Minsan na nga lang umebeg dun pa sa maling tao. Minsan na nga lang magmahal, dun pa sa may pusong bato!
BINABASA MO ANG
This Ain't A Love Story
Teen FictionI'm telling you, THIS AIN'T A LOVE STORY. Because there was no love in the first place.