Chandrielle's POV
It's just a petty crush, they say. Masyado pa raw akong bata pa makaramdam ng ganoon katindi at kabigat na damdamin.
An infatuation, some say. Pansamantala lang raw ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya, lilipas din kasabay ng paglipas ng panahon.
Some even called it "obsession." Nahihibang na raw ako, at kailangan ko nang tigilan bago lumala at baka maipasok nila ako sa mental dahil sa lintik na pagebeg na yan.
But who can tell? And how would I know? Aren't these things lead to love? But can you really call it love if it's one-sided?
Sapat na bang basehan ang mga panahong inilaan ko para pagmasdan siya sa malayo? Ang mga oras na sinayang ko sa pagi-stalk sa kanya sa peysbuk kahit isang beses sa isang buwan lang naman siya mag-update? Ang mga minutong inextend ko sa pagtulog para lang makita ko siya sa panaginip ko kahit na nga late na akong nagigising? Ang bawat segundong pag-iimagine ko ng mga scenarios in which I can actually talk to him without stuttering and he'll talk back to me with that baritone voice of his though I know that will never happen? Not in this lifetime kasi sa totoong buhay, parang hindi niya naman ako kilala. To him, I am like the wind... makita ma'y di pa rin napapansin.
I wonder if he knows I exist? For 9 freaking long years, I claimed to be inlove with him with every cell of my body and every fiber of my being. Every beat of my heart is for him and him alone, no one else. But what am I to him?
Who is Joshida Jimenez to Chandrielle Miranda? He's my EVERYTHING.
Who is Chandrielle Miranda to Joshida Jimenez? Oh, she's just ...
N O T H I N G .
A lone tear ecaped my eye at the realization.
*****************************************
"Ohgawd, heto na naman po siya. Nakatunganga, malayo ang tanaw. Hoy day ! Magising ka na sa katotohanan, stop thinking about him because he's not thinking about you. Sa bawat umagang paggising mo lagi ka na lang ganyan! 2016 na oyy, magbago kaa na. Mov-" My sister's ramblings stopped when her face kissed the pillow which was thrown by yours truly. Sinamaan ko siya ng tingin. Saan ba humuhugot ang gaga at lagi na lang akong natamaan sa mga sinasabi niya? I sighed.
"There's no need to move on, hindi naman naging kami." Seryoso kong sabi sa kanya at parang nabigla pa siya. May mali ba sa sinabi ko? Tss.
"Aaay? Alam mo naman pala ee! Eh ba't parang kung makapag-senti ka parang kaka-break nyo lang? Hahaha. Tingnan mo nga nangangayat ka na, tas para ka nang payat na panda dahil sa eyebags mo. Haaaay kalimutan mo na kasi siya, ibaon mo na sa limot ang kung ano man nararamdaman mo para sa kanya because he's not good for your health. Tandaan, si Du30 na ang presidente ng Pilipinas at alam mo ba? Baka sa rehab ka na pulutin dahil sa pagka-addict mo sa Joshida na yan na kahit kailan ay hindi ka naman binigyan ng kahit katiting na pansin." Mahabang speech niya at dahil dun ay binato ko ulit siya ng unan ngunit nakaiwas ang walanya. I rolled my eyes heavenward.
BINABASA MO ANG
This Ain't A Love Story
Teen FictionI'm telling you, THIS AIN'T A LOVE STORY. Because there was no love in the first place.