Simula

55 7 0
                                    

"Kinse pesos lang po talaga madam"

"Ang mahal naman ng fifteen pesos, sampung piso lang ang bili ko noong nakaraang araw dito." Joke lang 'yan, ayaw  kasi akong patawadin e.

"Naku madam! Nagmamahal na po talaga ang bilihin ngayon."

"Sige na nga"

Inabot ko na yung 1000 pesos sa nagbebenta, ang mahal naman kasi ng benta niya. Sampung piso lang naman dapat ang calamansi kasi 1/4 lang naman ang bibilihin ko.

"Madam, wala po ba kayong barya? Kulang pa ang benta ko para isukli sa inyo."

"Sampung piso na lang ang barya ko dito. Sabi ko sa inyo na sampung piso na lang ayaw niyo pa kasing magpatawad."

Hinalungkat ko ang aking wallet at pinakita sa kaniya. Puro naman kasi 1000 at 500 ang pera ko dito.

"Sige na nga madam, sampung piso na lang. Pampabuenas lang."

Inabot ko na sa kaniya yung natitirang barya ko.

"Heto madam. Hindi ko na dinoblehan yung plastic. Malulugi na ako."

Ang kuripot talaga ng tidera na 'to. Kinuha ko na ang plastic na naglalaman ng calamansi. Wala kasi sa mall ang calamansi kaya napabili na ako dito sa public market.

Naglakad na ako papunta sa plaza, doon ko kasi ipinark ang kotse ko. Wala pa nga akong license eh. Pati student's license wala. Hindi naman ako huhulihin.

Pinindot ko na ang aking susi at automatic na nagunlock yung pinto ng kotse. Pumasok na ako sa loob at inistart ito.

Malapit lang naman ang bahay dito, hindi naman kasi ako marunong mag-commute.

"Dad, nasaan si Kuya?" Tanong ko kay Daddy, si kuya kasi ang nagpabili ng calamansi sa akin.

"Nandoon sa kwarto niya nagpapahinga." Sabi ni Dad sa akin

"Mayor, nasa opisina niyo na po ang ka-meeting niyo." Singit ng tauhan ni Dad

"Sige, sabihin mo sa kanila na papunta na ako."

"Sige po"

"Anak" humarap sa akin si Dad

"Po?"

"Mauna na ako, at may meeting pa ako."
Lagi naman siyang may kameeting eh. Kailan ba nawala?

"Sige po." Sabi ko at tumalikod na

Umakyat na ako sa hagdanan, pupuntahan ko pa si Kuya. Pagdating ko sa tapat ng pinto niya, binuksan ko na agad kahit hindi pa ako kumakatok.

"Oh!" Sabi ko sabay tapon sa kanya ng binili kong calamansi

"Ano ba! Aanhin ko 'yan?"

"E, diba nagpapabili ka sakin ng calamansi?"

"Oo nga! Pero paano ko maiinom 'yan? Hindi pa nga 'yan calamansi juice!" Medyo naiinis na sabi ni Kuya habang ginugulo ang kaniyang buhok

Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. Siya na nga ang nagpabili tapos ako pa ang gagawa ng juice niya?

"Anong silbi ng mga maids dito kung sa akin mo 'yan ipapagawa?" Tanong ko sa kaniya. Aba! Ginagawa niya na akong yaya niya!

Tired Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon