(ONE SHOT) When I was your Man: Ang Kwento Niya

2.3K 95 25
                                    

Not all stories have happy endings. Katulad ko na lang.

Hindi naman lahat ng storya dito, may kilig factor. Lahat ba happily ever after ang ending ng tao sa realidad? Hindi naman din di ba?

Ang mahalaga, ay yung makarelate ka sa kwento ko..

"Same bed but it feels just a little bit bigger now

Our song on the radio

But it don't sound the same

When our friends talk about you

All it does is just tear me down

Cause my heart breaks a little when I hear your name

It all just sounds like..."

May luhang namuo sa mga mata ko.

Nakakahiya naman kasi lalaki ako.

Pero, naalala ko lahat ng mga alaala namin nung magkasama pa kami.

Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko para di makita nung mga taong kasabay ko.

Naalala ko kasi yung mga panahong kasama ko pa siya.

Ang babaeng minahal ako nang buong puso pero di ko man lang napantayan ang pagmamahal na inilaan niya sakin. At ngayon.. nagsisisi ako.

"Mmm, too young, too dumb to realize

That I...

Should've bought you flowers

And held your hands

Should've gave you all my hours

When I had the chance"

Magkaklase kaming dalawa nung college. Bago naging kami, friends kami. Close friends.

Nang tumagal, kami yung naging love team ng klase at ng barkada.

Nalaman ko na matagal na pala siyang may gusto sakin. Simula pa nung high school, first love pala niya ako.

Maganda siya. Matalino at masayahin. Pag kasama ko siya, gumagaan ang pakiramdam mo kasi nakakahawa yung positive aura na pumapalibot sa kanya. Magaling siyang sumayaw at marunong din naman siyang kumanta. Isa siya sa mga running for cum laude noon.

Di ko na namalayan na unti- unti na akong nahuhulog sa kanya. Pero sabi ko, hindi yun dahil sa minahal ko siya. Dahil rebound lang siya nang nagbreak kami ng ex girlfriend ko.

Dahil nga rebound lang siya, hindi ko pinansin ang lahat ng mga effort niya.

Sinabi ko sa sarili ko na para saan pa? Rebound lang naman siya.

Araw- araw, dinadalhan niya ako ng lunch, sinasamahan ako sa mga gala na kasama ang iba pa naming mga kabarkada at inilaan niya halos lahat ng oras niya para sa akin. Lagi akong tinatanong kung ok lang ako at nung mga panahong may sakit ako, siya mismo ung nag- alaga sakin.

Pero wala akong ginawa kundi suyuin ung ex ko na mismong nagloko sakin. Iniwan niya ako para sa ibang lalaki. Pero hindi naman nila ako masisisi. First girlfriend ko siya at tatlong taon din naman ang itinagal namin.

Pero ngayon? Hm. Apat na buwan na akong may rebound.

Naging kami noong February 29. Pero kaya naging kami kasi pinilit ako ng barkada. Wala akong nagawa kaya niligawan ko na lang siya. Sayang yung effort niya e. Nakakaawa na.

(ONE SHOT) When I was your Man: Ang Kwento NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon