BULALAKAW

148 1 0
                                    

BULALAKAW

ni Ernie Erisghel Tanafranca Trespalacioreal 

http://www.facebook.com/ernie.trespalacioreal

Ang mundo ay patuloy na umiikot… pigilan man natin ay hindi ito matitinag

Ang liwanag ay dumarating pagkatapos ng dilim ganun din ang ulan sa bawat tag-init

Minsan naiipit tayos sa magkabilang pwersa na hindi natin kayang pigilan

Minsan maari tayong gumawa ng kasalanan… hanggang saan at hanggang kalian natin kayang paglabanan?

Ang buhay ay walang hanggang pakikipagsapalaran, ang kapalaran daw ay nasa ating mga kamay

Ilang kautusan na ba ang ating nilabag, ilang buhay na ba ang nabasag dahil sa ating pangarap

Minsan ang akala nating tama ay hindi pala… hanggang malunod tayo sa kumunoy ng kasawian… ng kasalanan

Pilitin man nating paliwanagin ang gabi, sa ating sarili alam natin na hindi ito mangyayari.

Ano ba ang layunin natin sa buhay… ano ba ang nararapat sa atin sa lupa

Ang gamitin at magpagamit sa iba na magbubulid sa atin sa lawa ng apoy

Ang makamit ang makamundong saya habang tayo ay nasa lupain ng pangarap

Nasa kamay natin ang buhay… ang ating mga pantasya ng kamusmusan

Pangarap na magtatawid sa atin sa kabila…. Sa dilim man o liwanag

Maraming misteryo ang buhay, akala natin ay alam na natin… kaya na natin

Saan ka ba lulugar… saan ka tatakbo pagkatapos ng lahat ng ito

May mga bagay na immoral na gusto mong gawin tama sa paningin ng lahat

May mga ulap na gusto mong maging silungan sa init ng araw

May mga punong di matitinag kahit ng bagyo man o uhaw ng tag-init

Tulad ng yelong natutunaw sa disyerto, tulad ng tuyong dahon na nililipad ng hangin

Ang tao ay tao… at lahat tayo ay anak ng sansinukob

May nadapa, may tumayo, may piniling gumapang

May pinipiling humanap ng liwanag at may pinipiling mangapa sa dilim

May nasisilaw sa karimlan… may nabubulag

May mga taong umaawit ng pagsamo sa pagyakap sa huwad na kaligayahan

Sa hubad na mundo… iisa lang ang alam ko… ang buhay mo ay hawak mo.

Ang agila, gaano man katayog ang lipad, muli itong dadapo sa puno upang magpahinga

Ang bulaklak gaano man ito kaganda, darating ang panahon na ang talulot nito ay mawawala

Bangon kaibigan, hindi pa huli ang lahat… kailangan mong mangarap

Kailangan mong maaabot ang nais… ng walang sinasaktan, ng walang aapakan

Walang gamitan, walang buhay na masasayang at walang bagay na pagsisisihan

Alam mo ang taginting ng humpaw na halakhak, tulad ng tamis ng apdo na humahalimuyak

Ampaw… walang laman, walang kabuluhan.

Manalig ka sa maykapal at abutin ang pangarap mong tunay

Hindi ka nag-iisa, kasama mo sya sa kahit anong laban mo sa buhay

Sa iyong pagtawid sa liwanag… iisa lang ang sigurado, aakayin ka nga sa malawak na pastulan

Dadalhin ka nya sa lugar kung saan walang hanggan ang kaliwanagan

Sa buhay ng walang katapusang kaginhawahan.

Para syo, ano ba ang mundo? Saan ka pupunta at ano ang nasa kabila sa buhay sa dako pa roon?

Bulalakaw, saglit na liwanag, walang katapusang dilim.

©Copyright 2013

All rights reserved. Copying of any article in this blog/story is strictly prohibited without permission.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BULALAKAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon