1

179 5 2
                                    


Janelle

"Hoy Janelle, kain na!" Malakas na Sigaw ni Miley sa kusina. Ano naman kaya niluto nitong babae na ito. Whatever. Nakahiga ako dito sa kama nagbabasa ng libro about spy. Grabe ang galing talaga nilang mag-spy. Sana ganun din ako.


"Hoy Janelle buhay ka pa ba?!" Abah! Grabe siya ah. Syempre buhay pako nuh. Bababa na nga ako.


"Hoy sandali bababa naako!" Sigaw ko sa kanya. Nilagay ko ng bookmark yung libro na binabasa ko para alam ko kung saan na yung binabasa ko dun. Tapos nilagay ko yung libro sa loob ng drawer ko kasi puno na yung isa kong drawer na may mga sandamak-mak na libro about spy din.


Oo nga pala. Nakatira ako kasama ng best friend ko si Miley sa iisang bahay. Pareho kasi kaming nawalan agad ng nanay at tatay kaya sa lumang bahay namin dati kami tumitira ngayon. Malaki yung dati naming bahay. Apat yung mga kwarto at meron silang sariling banyo. Meron kaming malaking living room at meron kaming malaking kusina at Dining room. Meron naman kaming gym room kung saan kami naggy-gym. Meron din kaming banyo every storey. Hanggang third floor yung bahay namin. Yung sa third floor ay isang storage room. Hindi pa kami nakapunta dun kasi ayaw namin. Sa labas naman ay meron kaming lake at surrounded siya ng mga flowers. Malaki yung gate na nakapalibot sa bahay namin kasi nasa gubat ito.



Pababa nako sa kwarto ko at papunta naako sa kusina. Pagkababa ko ay naaamoy ko yung niluto ni Miley. Siya yung tagaluto, tagalinis at tagalaba at ako naman ay tagalaba din, tagawalis at taga-mop ng floor. Tapos every-month pinapalitan namin yung curtains namin at yung mga bedsheet naman ay nilalaba namin. Every-week naman ay nililinis namin yung mga kwarto, yung living-room at dining-room. Sipag namin noh?

"Huy!" - Miley.



"What?" - ako.

"Para kang tanga diyan. Here Kain na!" - Miley. Grabe ang sigla-sigla niya talaga.



Umupo naako sa upuan na katapat lang niya. Yumm. Bacon and eggs are my favorite breakfast. Buti marunong siyang magluto kasi ako hindi ako marunong. Tinuturuan ako ni Miley magluto dati pero dahil nung one time ay pinagluto niya ako ay muntik ko nang masunog yung buong kitchen kaya nun ay nag give-up na siya na turuan ako. That was my worst day.



Pagkatapos kong kumain ay agad kong nilagay yung mga plato ko sa sink at hinugasan na sila. Pagkatapos mag-hugas pumunta ako sa living room at nag-pahinga ako ng limang minuto at saka agad naakong nag-walis. Pagkatapos mag-walis ay nag-mop naako ng floor. It took me fifty minutes to mop the floor but it's worth it. Pagkatapos kong i-mop yung floor ay agad akong pumunta sa living room ulit at nahiga ako ng sampung minuto. Tinignan ko si Miley na nililinis yung mga picture frames na nakasabit. Yun yung mga pictures namin nung nasa amusement park kami.


"Sa wakas at tapos na rin!" Tuwang sabi ni Miley. Pwede naman kaming sumigaw wala naman makakarinig.



"Nood tayo ng TV." Suggest ko sa kanya at nag-nod naman siya. Kinuha niya yung remote control at in-on niya yung TV.


"Balita-balita, ngayong araw na ito ay makikita natin sa weather map na may malaking chance na umulan sa South Boundary ng ating bansa kaya lahat ng nasa South ay magbaon tayo ng mga payong dahil kanina po ay nagsimula ang ulan at maraming puno ang nagbagsakan. Mag-ingat po tayo."

"So uulan pala dito." - Ako.


"Sana hindi malakas sa lugar natin." - Miley


Secret Mission Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon