II.

1.2K 69 6
                                    

Author's Note: Bilang ma-echos ako at nahihirapan ako maghanap ng feedbacks sa twitter *oo naghahanap talaga ako ng feedback :(* may pahashtag ako for this short story! Haha!

Please/ Kindy use #IFAGtb. Thank you!!

THOMAS

"Tara na! Sabay na tayo." Pagyaya sa akin ni Ara the day after kong lumipat dito sa condo niya.

"Mauuna training namin sa inyo di ba?" Tanong ko naman. "Ang aga mo naman aalis?" Nagtataka pa din ako.

"E di wag magsabay. Che!" Sagot niya at lumabas ng pinto.

"Hoy joke lang!" Mabilis kong kinuha ang training bag ko at inilock ang pinto ng condo niya.

Hinabol ko naman siya at nakita ko naman na pinipindot niya lang ang open button ng elevator kaya sabay na kaming bumaba.

Iniabot niya sa akin yung card ng condo niya. "Oh? Bakit sakin?" Tanong ko.

Nakalabas na kami ng building at nandito na kami sa busy na sidewalk ng Taft.

"Baka gabi na kasi ako umuwi. Just in case umuwi ka sa maghapon eh di makakapasok ka diba?"

"Bakit gabi ka na uuwi?" Di ko din naman mapigilan magtanong.

"Eh baka may ka-date kasi ako, hehe."

"Eh bakit hindi na lang tayo ang mag-date?" Pangungulit ko pa din.

"Ang kuliiit. I don't dig guys talaga, okay? Haha! Mapopogian ako pero di ako patola." She said.

Tsk. Paano ko ba makukuha 'tong crush ko.

Nandito na kami sa may gym. Dala dala ko din ang training bag ni Ara kahit mamaya pa naman siya.

"I'll see you later. Bye, partner!" Sabi niya at tumakbo na siya papunta sa isang girl na nakaupo sa bleachers. Sino naman kaya yun?

Sinalubong naman ako ng teammates ko at nakipag high five sila sa akin. Nagkamustahan kami at naglokohan.

"Ang gugulo niyo! Paano na kapag magkakasama na tayo sa dorm niyan!" Sabi ni Kuya Jason habang tumatawa.

"Syempre mas magulo pa! Kung bakit ba naman kasi nagrerenovate. Napipilitan tuloy ako mag-uwian." Sabi naman ni Kuya Norbert.

"So bro, saan ka nagsestay?" Tanong ng teammate ko na si Jeron na incoming rookie din for this year.

"Dyan lang sa tabi-tabi." Sagot ko kaya binatukan naman ako ni Kuya Almond.

"Saan nga?" Tanong ni Kuya Jason.

"Sa condo nun ohh." Ngumuso naman ako sa direction ni Ara na masayang nakikipagkwentuhan dun sa girl.

"Dun sa babaeng naka-lipstick? Sino naman yun? Ganda paps ah. Girlfriend mo?" Sunod sunod na tanong ni Kuya Norbert.

"Ha? Hindi! Dun kay Ara!" Sabi ko.

"HA? Kasama mo sa condo si Ara?!" Halos pasigaw nang tanong ni Teng.

I Found A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon