Ayoko sa lahat yung maagang gumising lalo na pag masarap ang tulog. Pero anong magagawa ko kung maya't-maya kumatok sa pintuan ng kwarto ko si Mama?
Tinatamad na bumangon ako sa kama. Bakit ba nanggigising ng maaga si Mama ngayon? Ano bang meron?
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Mama nang matanong ko naman. Nadatnan ko sya sa kusina nagluluto ng almusal. Lumapit ako sa mesa kung saan nakahapag ang ilang pagkain na naluto na ni Mama. Umupo ako sa isang silya at nangalumbaba sa mesa habang minamasdan si Mama na abala sa niluluto nyang sinangag na kanin.
''Mama bakit ang aga po ninyong nanggising ngayon? Ano pong meron? May bisita ba na darating at kailangan nating maghanda?''
''Nakalimutan mo na ba anak? Pasukan mo na ngayon.'' Ani Papa na kakapasok lang sa kusina at narinig ata ang tanong ko kaya sya na lang ang sumagot.
Humalik muna sya sa ulo ko tapos kay Mama naman sa pisngi bago umupo katapat ko. Nanlaki ang mata ko sa narinig nang magregister sa utak ko ang sinabi ni Papa.
''What?!'' Napatayo pa ako.
Nilapag ni Mama ang isang tasa ng kape sa harap ni Papa na prenteng nakaupo at hindi man lang nagulat sa outburst ko. Seriously? Makakalimutin na ata ako. Excited pa naman akong pumasok na. Ugh!
''Kung ako sayo anak maliligo na ko dahil baka ma-late pa ako.'' Tapos humigop ng kape si Papa. Napasimangot ako.
''Excuse me lang po Ma, Pa. Maghahanda lang po ako.'' Sabay takbo papunta sa kwarto ko.
Kumuha ako ng bagong biling uniporme bago lumabas ulit para tumungo sa banyo. Hindi kami mayaman para magkaroon ng sariling banyo sa kwarto ko.
Ang Mama ko sekretarya sa munisipyo at sakto lang ang kita nya para sa pag-aaral ni kuya sa Maynila. Minsan kinukulang dahil sa mga projects at field trip ni kuya. Buti na lang magtatapos na rin si kuya this year.
Ang Papa ko naman trabahador ni Don Augusto sa rancho nila. Inaalagaan ni Papa ang mga kabayo ng Don. Ang kita nya ginagamit namin sa pang araw-araw na gastusin at sa pag-aaral ko.
Simple lang ang pamumuhay namin at masaya kami. Ipinagpapasalamat namin palagi na kahit ganto lang ang pamumuhay namin, wala namang nagkakasakit samin. Kuntento kami kung ano lang ang meron kami.
Pagkatapos ko sa banyo kinuha ko ang bag ko sa kwarto bago bumalik sa kusina kung saan masayang kumakain ang mga magulang ko. Umupo ulit ako sa silya ko kanina. Nilagyan naman ni Mama ang plato ko ng sinangag, itlog, tocino at hotdog.
Ngumiti ako kay Mama. ''Thank you po Ma.'' Nginitian nya rin ako at sinimulan ko na ang pagkain. Nang matapos ako, nagpaalam na ako sa kanila na papasok na. Binilinan nila akong mag-ingat sa daan.
Maglalakad lang ako papuntang school. Kailangan kong magtipid para makaipon ako kahit papano. Hindi naman kasi kalayuan ang lalakaran ko, kinse minutos lang ang layo mula sa bahay namin.
Habang naglalakad may narinig akong paparating na sasakyan. Nagulat ako nang huminto ito sa tabi ko. Nakaramdam ako ng kaba. Kidnappers ba ito? Saan ako tatakbo? Natutuliro ako ng bumaba ang salamin ng sasakyan sa bandang likuran at sumilip ang isang magandang mukha ng babae.
Wow. Nagka-girl crush ata ako. Ang kinis ng mukha. Maputi sya at kumikintab ang buhok nyang hanggang balikat ang haba. Kumpara sakin na plain lang ang dating. Nai-insecure yata ako.
''Hi!'' Bati nya.
Napansin kong may katabi pala sya nung kumaway sakin ang maganda ring babae katulad nya. Napalunok ako.
''He-hello.'' Nauutal ako dahil di ako makapaniwala na kinakausap nila ako. Bakit? Kilala ba nila ako? Ngumiti sila pareho.
''Alam mo ba kung saan yung St.Peters School?'' Tanong nung bumati sakin.

BINABASA MO ANG
Unexpected Fall
General Fiction"Unang beses pa lang kitang nakita, ginusto ko na, na maging akin ka. Akin lang Mia." - Alec Santillan *** *** Hindi kailanman naisip ni Mia na mahuhulog ang loob nya sa taong binabale wala lamang sya noong kabataan niya. Sa taong hindi nya inakalan...