The Feelingero 64
Dahil nasabi ko naman na rin yung tungkol sa rules naming magkakaibigan sige pagpapatuloy ko na hahaha.
13 rules yun. At yung pang 13 talaga yung pinakaayaw ko, maging si Ran yung isa ko pang kaibigan, panigurado ayaw na ayaw din nun hahaha.
Yung 1-12 na rules pinag isipan naming dalawa ni Ran, siya yung taga sang ayon sa akin. Siya lang. Taga dagdag kung may kulang. Wala kaming naririnig na reklamo kay Zuel. Nanunuod lang siya ng tv habang kumakain ng sitserya, syempre rito sa bahay namin san pa ba hahaha. Oo lang siya ng Oo kapag tinatanong namin, kung Okay lang ba sa kanya yun nagawa naming rule. Ewan ko kung nakikinig ba talaga siya. Dinaig pa niya si Skip sa pagiging ganon niya. Tahimik lang lumalapa ng pagkain.
Yung tapos na namin yung mga rules nilagyan na namin ng presyo, para kapag sinaway mo yun. Bayad ka hahaha.
Yung rule number 1 yung may pinaka malaking presyo syempre, yun yung 500 pesos. Bawal magpakita ng mukha naming tatlo hahaha. Angas di ba? Nagpapakita kami ng picture pero may takip yung mga mukha namin hahaha. Yun din kasi gusto ng mga magulang ko dahil nga sa nangyari sa ate ko sa fb hahaha.
Yung sinabi namin kay Zuel napatingin si kumag syempre hahaha. Tapos dun sa ibang rules, umo Oo lang siya kasi medyo maliit lang yung presyo. Yayabangin din hahaha.
Syempre dahil hindi naman masyadong makapal yung mukha ko, ako na yung nagtype sa computer para naman hindi sila maistorbo sa panunuod at pagkain hahaha.
Ala sais na ng gabi, tinatawag na kami sa baba para kumain ng hapunan, tinapos ko lang yung mga pangalan namin dun sa baba ng mga rules, para kapag balik namin ipiprint na lang. Syempre dun sa taas ng mga pangalan namin dun kami pipirma. Ayon sinave ko na hahaha. Pinatay yung tv, electric fan, pati yung ilaw.
Sabay kaming tatlo bumaba para nga makakain na nga kami, kaso si Zuel may nakalimutan daw sa taas, edi bumalik siya. Medyo hindi naman siya natagalan dun kaya pagbaba niya tapos na yung paghahanda ng pagkain. Kakain na lang kami sabay sabay.
Habang kumakain nagkakamustahan lang sila dun, sasagot ako kapag tinatanong, nakikipagtawanan, asaran. Masaya naman yung naging hapunan namin, naghintay para dun sa mga hindi pa tapos kumain. Tapos umakyat ulit kaming tatlo, pagkapasok ng pagkapasok namin si Zuel dire diretso sa printer may nakaprint na, na papel dun tapos kumuha siya ng ballpen dun sa lamesa ko.
Pagkaabot sa akin nakita ko printed na yung rules namin at may pirma na siya. Syempre nabigla kaming dalawa ni Ran dun, lalo na nang may dinagdag pa siyang isa pang rule. Pang number 13. Sabi sa rule no.13 sundin daw namin lahat ang sinasabi ni Zuel, syempre sa fb lang baka bangasan ko siya kung pati sa reyalidad. Tapos kapag hindi namin yun sinunod may multa syempre. 500 din. Kupal di ba? Hahaha.
Napatingin kami sa kanya pero bago kami magsalita, nagsalita na siya. Pinaglalaban niya na hindi raw siya nagreklamo sa mga ginawa naming rules kaya wala raw kaming karapatang magreklamo. Kami na raw halos gumawa lahat tapos isa lang yung sa kanya hindi pa raw namin mapagbigyan. Demokratikong bansa raw ang Pilipinas kaya lahat daw tayo pantay pantay sa lahat ng bagay.
Basta ang dami niyang pinagsasabi, hindi mo alam kung matutuwa ka lang o maaasar sa kanya hahaha.
Siguro sa sobrang inis ni Ran kinuha niya sakin yung papel sabay pinirmahan. Syempre ano pa ba laban ko dun dalawa na sila ako na mag isa. Kaya ayon napapirma na rin ako hahaha.
BINABASA MO ANG
The Feelingero One
SachbücherGwapo ako PERIOD yun lang Joke hehe Magsusulat ako sa wattpad, wala gusto ko lang pwede naman siguro noh? Di kasi napag-isip isip ko na magsulat ng mga kalokohan na nagaganap sa buhay ko Gaya-gaya ba ako? yaan nyo na Gwapo naman eh ayon wala akong a...