Naman ohh!
Ano kaya pwedeng isulat dito?
shete yun na lang!
Tama yun na lang!
Nangyari to ngayon taon lang
Mainit noon, Syempre Summer non ehh, kaya mainit may summer bang hindi mainit? joke
Hapon noon ng binulabog ako sa bahay ng mga kaibigan ko, Nag-aaya para manuod ng basketball. Kasali kasi ako sa basketball team non, At noong araw na yun hindi ang team namin ang maglalaban yung kabilang team laban sa kabilang team. Basta yun! ang alam ko magkabilaan sila! Corny ko na tama na!
At syempre dahil nga sa mainit noon hindi ako sumama sa kanila, Takte ayoko umitim noh! haha. Ayon umalis silang luhaan, joke hindi naman tumulo lang siguro yung sipon, joke lang ulit!. Di ayoko lang talaga dahil bukod sa mainit, hindi pa ako naliligo ng mga oras na iyon. Kaya ayon si Ako higa sa kama nakahilata lang! Buhay Prinsipe. Gwapo ko!
At dahil nga wala akong magawa kinuha ko yung cellphone ko na noo'y nasa tabi ko lamang habang nakahiga ako sa akin kama, Yun oh! Kung makatagalog eh noh?. Dami kong iniisip non eh, Laro ako ng ganto, laro ng ganyan, gulong dito, gulong dyan, ikot dito, ikot dyan. Oh di ba halatang walang ginagawa, tinatamad pa ako nong maligo haha
Hanggang sa nagbukas ako ng FB ko non, Wala akong ginawa naglaro lang ng Candy Crush, pagkaback ko sa home, dahil hindi naman hardtouch tong phone ko, hindi ko sinasadyang may napindot ako. Ayon hindi ko siya pinansin hanggang sa lumipas ang ilang minuto may nag-ano sa notification ko, Nakalagay dun na kasali na daw ako sa group na yun sa Wattpad Heh pene?, ayon dahil hindi naman ako snobber nagvisit ako sa group na yun, visit lang naman walang mawawala, Ayon ang active ng group maraming nagpopost hanggang sa Napagtripan kong magpost ng kung anu-anong kadramahan ko haha
"Ayoko na nga masyado nyo na akong hindi pinapansin dito sa group na toh, aalis na nga ako"
Sa pagkakatanda ko hindi yan ang insaktong sabi ko, pero alam kong hindi masyadong nagkakalayo ito, Hanggang may nagcomment, Tago na lang natin sa pangalan Joan, Sinabi nya na ayos lang daw yun siya rin daw hindi pinapansin sa group na yun, hanggang sa may nagcomment ulit tago na lang natin sa pangalang Johara ayon ipinaglaban nila kung ano ang dapat kung ipinaglalaban, Hanggang sa nakaisip ako ng isang kalokohan, maghahakot ako ng mga kaibigan para maraming magbati sa akin sa b-day ko, maraming nag-add, yung una unag-aaccept pa ko, swerte yung mga nauna oh! pero ngayon hindi na ayoko na. Ayon nakabisado ko yung mga name nila hanggang sa nawala na yung iba at dalawa na lang ang natira, Ayon tinawag nila akong kaFatid at dahil hindi ako KJ pumayag ako, Kahit minsan naiilang ako kasi puro ba naman sila babae tapos ako lalaki? nakakailang naman talaga di ba?
Hanggang sa dumating ang pasukan, at unti-unti nang nawawala yung mga active, Noong araw na rin na yun kakatapos ko lang maglaro ng LOL at napunta ako sa FB, nakita ko na naman yung group na yun, hindi ko na sana papansin kaso parang may nagtutulak sa akin para buksan yun, Nagvisit ako at scroll down napansin ko na masyado ng matagal yung mga posts dun at kung meron mang nagpopost iilan lang at yung iba pa eh yung mga plug para sa story nila hindi katulad ng dati madali. At dahil nga wala na akong gagawin dun, gusto kong mang-asar ng tao hobby ko na yun ehh, Kung anu-ano pinagpopost ko dun, may iilan na naglalike at nagcocomment pero pag feeling ko na hindi ko sila pwedeng mabiro hindi ko na nirereplyan hanggang sa isang araw nagpost ako ulit ako ng kung anu-ano marami ako pinost nun at tangin isa lang ang naglalike at nagcocomment.
__________________________________________
BINABASA MO ANG
The Feelingero One
Non-FictionGwapo ako PERIOD yun lang Joke hehe Magsusulat ako sa wattpad, wala gusto ko lang pwede naman siguro noh? Di kasi napag-isip isip ko na magsulat ng mga kalokohan na nagaganap sa buhay ko Gaya-gaya ba ako? yaan nyo na Gwapo naman eh ayon wala akong a...