Reboot

521 1 2
                                    

Chapter 1

Taong 1995 unang nagkaroon ng "Internet" at isa ito sa mga dahilan ng pagbago ng ikot ng ating mundo. Bawat taon, unti-unting lumalawak at umuunlad ang ating kaalaman sa larangan ng teknolohiya at naging bahagi na ito ng ating pamumuhay. Makalipas ang marami pang taon, bawat tao sa iba't ibang sulok ng mundo ay dumidepende sa antas ng ating pamumuhay sa tulong ng mga makabagong makinarya, kung saan mas napapadali nito ang ano mang klase ng trabaho na halos triple ang bilis kaysa sa regular na bilis ng isang tao. Mga makabagong imbensyon upang mapadali at mapabilis ang pakikipag kumunikasyon, at mga sistema na gamit ang mga modernong kagamitan upang ma-protektahan ang buong sanlibutan.

Taong 3010 ng unang madiskubre ng mga scientist, engineers at mga doktor sa tulong ng Depatramento ng Teknolohiyang Pilipino "Ang Pilipinas" ang pag salin ng Biological Brain Memory sa Digital Code Access Memory (DCAM) na kung saan maaaring mabuhay ang mga namayapang tao sa loob ng Cyber Space o lugar na kung saan ito ay tinatawag nilang LANGIT na walang hanggan at makabalik sa ating mundo bilang isang iHuman "isang advance robot na may human figure" kung saan makakabalik sa mundo ang mga tao bilang isang makinarya na may ala-ala bilang isang tao. Dahil dito, nag higpit ang Republika ng Modernong Mundo at nilimitahan ang kalayaan ng mga iHuman. Sa loob lamang ang ilang taon, isinagawa na rin ang ilang eksperimento sa mga buhay na nilalang, kung saan may posibilidad na lumabas at pumasok sa loob ng Cyber Space at manatili bilang isang buhay na tao. Bio Generator o mas kilala sa tawag na Human Printer ang isa sa pinaka kontrobersyal na makina na likha ng mga Pinoy upang makabalik ang mga taong pumapasok sa loob ng Cyber space at makalabas muli ng buhay. Dahil sa modernong makinaryang ito, may mga iHuman ang nagtangka na muling bumalik at muling mamuhay bilang isang buhay na tao kaya napag desisyunan na lamang ng Republika na ipagbawal ang mga Bio Generator, itigil ang pag gawa at sirain na lamang ang bawat isa nito.

"sapat na ang kasalanan natin sa dyos na panatiliin ang mga namayapa sa ating mundo subalit wala na tayong karapatan pa na husgahan ang kanyang mga nais at muling pang ibalik ang mga bagay na nananahimik na sa kanyang piling."

Lumipas pa ang 1000 taon, mapayapang namumuhay sa mundo ang mga iHuman at ang mga normal na tao. Para sa mga buhay na tao, hindi masama ang muling makapiling nila ang kanilang mahal sa buhay kahit pa nabubuhay na lamang ito bilang isang ala-ala.

Sa loob ng Cyber Dome "Isang Replica ng tunay na Cyber World sa labas ng mundo" Habang Nagsasagawa ng ilang Investigation si Kristine...

Kristine: Um ok! Ayon sa impormasyon na binigay sa akin, ang mga BioMemBrain daw ay nasa bandang ibaba ng batok ng mga IHuman Pero bakit ang isang ito parang wala naman yatang laman?

"Biglang lumapit ang isang matandang lalaki na si Lolo Tasyo, isa sa pinaka pinagkakatiwalaang administrasyon ng CyberDome."

Lolo Tasyo: Yan ay dahil sa namamahinga na sila.

Kristine: Anu ba yan lolo nakakagulat ka naman! Ano pong ibig ninyong sabihin na namamahinga na po sila eh diba mga IHumans nga po sila. So basically speaking wala na po silang pakiramdam. Hindi na rin sila nakakaranas ng kahit ano man pagod o pagka gutom.

Lolo Tasyo: Oo Tama Ka iha, Bilang Isang Makina, Wala nga Silang Pakiramdam at isa lamang sila sa mga natural na makinarya. Pero bilang isang makina na may ala alang mortal na kagaya natin, napapagod din sila.

Kristine: Ang weird naman nun lolo, eh lolo hindi naman po sa binabara ko po kayo ano ho, uhm kami po kasing mga researcher ay naniniwala na wala na pong buhay pa ang mga robot na yan eh. Well para sa akin DCAM na lamang po yang mga yan, so generally speaking po eh, mga artificial na lamang po sila na hindi na po dapat mag exist sa mundo.

"sabay lipat sa isang IHuman na katabi nito."

Lolo Tasyo: Ayan naman iha, si Troy, namatay yan may isang libong taon na ang nakalipas. Isa sa pinaka magaling na Cyber Inventor na kung saan ang kanyang mga ninuno ay isa sa pinaka utak ng pag tuklas at pag likha ng mga Bio Generator may tatlong libong taon na ang nakalipas.

I-HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon