Restoration point

138 2 0
                                    

Sa muling pag pag balik ni Troy sa mundo na malayong malayo at sadyang iba na sa mundo na kanyang nakaSanayan, isa sa pinaka matinding hamon ngayon para sa kanya ay ang muling alalahanin ang mga ala-ala na halos hindi na nakatatak at wala na sa kanyang isipan.

Sa loob ng apartment ni Kristine....

Kristine: Teka teka! Ang ibig mong sabihin wala kang naalala sa nakaraan mo?

Troy: Hindi naman sa ganon, may iilang bagay pa naman ako na naaalala tungkol sa sarili ko pero hindi malinaw at halos hindi ko na maintindihan ang dahilan kung bakit yon lamang ang mga bagay na aking naaalala.

Kristine: Wow pre! Shabu pa! Yan ang napapala ng high sa droga eh. So ano ngayon ang pinaplano mo?

Biglang nag ring ang communicator (cellphone) ni Kristine na may ringtone na...

- Di mo alam dahil sa iyo, ako'y di makakain. Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin, kung akoy muling iibig Sanay di maging katulad mo. Tulad mo namay pusong bato000ooo....

Troy: Parang pamilyar sa akin yong kantang yon ah,

Kristine: Teka wait lang.

Troy: Akala ko ba halos mawala na ang buong saanlibutan sa mundong ito at saan ninyo naman nakuha yong kantang yon.

Kristine: Ah yon ba, (tulirong hinahanap yong communicator nya) nahukay ng ilang researcher yon sa isang isla. Habang naghahanap sila ng mga fossils na maaring makuhanan ng ilang DNA samples, isang anchient mummy ang nahukay na may hawak hawak na maliit na bagay. Noong pinasuri sa laboratoryo, nadiskubre nila na ang tawag pala sa bagay na yon eh IPhone.

Troy: Ah oo naalala ko doon din yata ibinase yong kauna unahang prototype ng I-Human, sa pagkakaalala ko.... GENIUS PHONE yata yong tawag sa mga device na yon.

Kristine: Kakaiba para sa isang tao na hindi alam ang lahat pero alam na alam ang mga ganoong bagay. (Tuliro pa rin na hinahanap ni Kristine ang kanyang communicator)

Troy: Ewan ko nga eh. Oh nakita mo na ba? Gusto mo tulungan na kita?

Kristine: Eh ano bang malay mo kung saan ko naipatong un?

Troy: Madali lang yan.

Troy: (sa loob ng kanyang mga mata) searching.... Sound wave detected!

Scanning area.... 10% 20% 50% 90%.... Totototot.... Scanning complete!

Troy: Nandoon oh sa may likod ng sofabed mo, sa pagkaka scan ko sa boong apartment mo nahulog mo ito kagabi pag uwi mo at malamang nakalimutan mo itong dalhin kanina.

Kristine: Wow! Papaano mo nalaman yon?

Troy: Ewan ko! Basta kaya ko syang gawin eh.

Kristine: Anep ah! May x-ray vision pa yang mga mata mo ah. Ilan na kayang babae ang nabiktima nyan?

Troy: Haha hulaan mo!

Biglang napaisip si Kristine.

Kristine: Hoy! Baka ginamit mo sa akin yan ah!

Troy: Yuck kapal neto! Ikaw pagnanasahan ko? Over my dead metal body noh! At isa pa wala naman akong nakita dyan eh!

Kristine: Anung??? Ibig mong sabihin... Leche ka! (Sabay sagot sa communicator)

Yes hello?

Bambam: Hoy kepay! Asaan ka na kanina ka pa namin hinihintay dito sa lab! Patay ka kay sir!

Kristine: Shucks! Oo nga pala, wait lang. Actually nandyan na ako kanina eh, may kinailangan lang akong asikasuhin dito sa apartment ko kaya sumaglit lang muna ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I-HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon