I

15 0 0
                                    

"Ano ba nathan san mo ba ko dadalhin?"bulyaw ko dito pano ba naman kasi bigla nalang siyang susulpot sa harapan ko
"No you have to come with me"
"at bakit naman ako sasama sayo aber?"

"basta sumama ka nalang" "ganun ba kaimportante yan at kailangan sunduin mo pa ko dito sa apartment ko?" napakamot nalang siya sa likod ng tenga niya "alam nyo kayong mga babae ang kukulit nyo" at pinitik niya yung noo ko aba! Masakit ha! Bayagan ko to e.

"Lilibre kita paguwi natin" at ngiting ngiti naman siya na siyang ikinilabot ko "oo na basta wag ka ng ngingiti ng ganyan muka kang serial killer"

what the? Ganito ba ko ka walang taste sa mga damit ko at puro black tong nasa nasa wardrobe ko? Inisa isa kong tinignan yung mga nandito isang black na polo shirt, black blouse,black dress so in the end i've decided to pick a black dress para mas komportable at naglagay lang ng konting make up at lipstick para naman kahit ngayong araw manlang magmuka akong tao

kinuha ko yung phone ko at tinignan ko 7:30 Pm palang lumabas ako papunta sa sala at tinignan ko kung anong magiging reaksyon niya as i expected para siyang timang na takang taka "saang burol punta mo?" tinuro niya yung suot kong dress pero infairness ha kahit simpleng v-neck lang na t-shirt na kulay blue yung suot niya ang lakas ng dating "sa burol mo" tipid kong sagot "lets go?" tango lang ang sinagot ko

~.~
tahimik lang kaming naglakad palabas ng lugar namin "hoooy boyfriend mo?" tanong ng lalaking halatang lasing na, sila yung madalas maginuman dito sa lugar namen na akala mo kapag tumigil sila ng isang araw na di uminum ay ikakamatay nila "wag mo ng pansinin yan" at hinila ko siya para makalayo na kami dun sa mga lasenggo na yun sinundot ko siya sa tagiliran "takot ka noh!" tinignan ko siya ng nakakaloko "h-ha hindi bat naman sus" halata naman sa muka niya na takot na siya kanina kahit kailan talaga napakaduwag ng lalaking to!

Nakapila kami ngayon sa lrt at wala talaga akong ideya kung saan ako dadalhin Ng mokong na toh! "Dalawang pandacan po" hinablot ko naman bigla sakanya yung pera "ako na magbabayad" sabi ko "ako na" at ang kulit din talaga ng isang toh! "Ako na sabi.. ayuko magkautang sayo" "sabi na e. Di ka parin nagbabago" tinarayan ko lang Siya at kinuha na yung sukli ko

mabuti nalang at wala masiyadong tao dito sa lrt kaya nakaupo kami ng maayos well siya si Nathan Cruz mag-ka school mate kami dati 4th year sila nun at ako 3rd year highschool palang at doon ko masasabi na na nag umpisa ang lahat akala mo masaya kana pero yung kasiyahan mo rin pala ang sisira din sa pagkatao mo siguro kasalanan ko din kung bakit ako pinalayas ng sarili kong ama at ayuko na talagang maalala yung nangyari ng panahon nayun kasi kada kapag may nakikita ako na kakilala ko from the past parang bumabalik yung sakit i tried to avoid them and cut all the communication to them pero ito lang talagang kulit ng kulit sakin si nathan masisi ko ba siya kung ang lalim na masiyado ng pinagsamahan namin?

"Hoy" tapos tinusok niya yung pisngi ko nakanang. Pinanliitan ko lang siya ng tingin "lalim ng iniisip mo ha?" "masama ba mag senti sa loob ng tren ? Tignan mo" tinuro ko yung loob wala masiyadong tao at ang ganda ng ambiance "feeling ko nag sho-shoot ako e." at humagalpak naman Siya sa tawa at napailing nalang ako
-.-
"saan ba kasi talaga tayo pupunta?" pangungulit ko talaga sakanya bahala na kung makulitan siya sakin "basta nga malapit na tayo "anong malapit e. Kanina pa tayo naglalakad sa subdivision na to kung dinala mo nalang kasi yung kotse mo edi sana hindi sumasakit yung paa ko ng dahil sayo" hindi naman niya pinansin yung pinagsasabi ko batokan ko kaya to? Ang haba haba ng sinabi ko! Huminto naman siya sa puting bahay at nag doorbell doon maganda yung bahay at malaki may isa namang maid na nag asikaso samin at pinaupo lang kami dito sa sofa "

"hoy sasapakin na talaga kita kaninong bahay toh? Ibubugaw mo ba ko ako ha? Sabihin mo lang dahil kung oo tatanggalan talaga kita ng hotdog mo" pananakot ko sakanya "wag ka ngang o.a gusto ka lang niyang makausap" at pumasok na kami doon sa loob at pinaupo sa sofa ng maid "wait lang ma'am ser tatawagin ko lang po si ser

"makausap nino?" bigla naman akong napatingin doon sa lalaking pababa ng hagdan nanlaki yung mata ko sa nakakikita ko ngayon at hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na ulit siya its been a 4 years nung huli ko siyang nakita napahawak ako sa gilid ng sofa kasi biglang nanlambot yung mga tuhod ko lahat ng galit lahat ng sama ng loob na bumabalot sakin parang bumalik lahat na akala ko napatawad ko na siya na akala ko naka move on na ko sakanya what the hell!

"Zia im---" "DONT TALK TO ME" gosh ano bang nangyayari sakin ang kapal ng muka kong sigawan siya sa sarili niyang pamamahay and I tried to smile to nathan kahit na nangingilid na yung luha ko punyeta bakit ako ni-nenerbyos ng ganto? "so this is your plan huh?" "wait Zia please listen to David first, he wants to talk to you" "Shut up I dont wanna hear your excuses" Nakayuko lang si david at tumingin ako kay nathan "wag ka na nang magpapakita sakin" mariin kong sambit dito at direditetso na akong lumabas

kapag sinuswerte ka nga naman oh! The rain suddenly pouring down now nakikisabay ba to? Bwisit hindi ako makakita ng maayos ng dahil sa mga luha ko pati itong mga patak ng ulan na tumatama sakin, akala ko ok na akala ko napatawad ko na siya ang tagal kong pinaghandaan tong pangyayaring toh! At hindi ganto yung inaasahan kong mangyari bwisit na buhay to!

umuwi ako ng basang basa at feeling ko lalagnatin ako nito Hindi pwede kailangang kong pumasok bukas at may trabaho pa ako sayang naman yung kikitain ko kapag hindi ako nakapasok napaupo nalang ako sa sahig at napayakap sa tuhod ko bwisit may tatay nga ako pero wala namang pake sakin ok naman sanay naman ako mag isa sa buhay laking pasasalamat ko nalang siguro kasi hinuhulugan niya pa yung savings ko

to be continued

AN: so ayan ito ang pangalawa kong istorya magugustuhan nyo kaya? And promise tatapusin ko na talaga toh! Madalas kasi akong atakihin ng writers bloc e. Kaya hindi ko natatapos yung ibang story so what do you think about this story? im a beginner here so expected na hindi ako kasing galing magkwento ng mga author nyo haha

vote and comment will highly appreciated :)

Fix MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon