Box of Memories

2.8K 119 1
                                    

Althea's POV

Finally, I'm home.
Kakatapos lang namen magkwentuhan ni Mama. Si Dad kase nasa meeting pa daw pero nagpromise kay Mama na uuwi sya agad after his commitments. "Ma, akyat na muna po ako sa kwarto, gusto ko muna po magpahinga" and she said "Sige anak pahinga ka muna. Puntahan na lang kita sa taas kapag dumating na si Dad mo".

On my way to my room... Same wood and metal staircase, nakatayo ako sa unang step. Habang paakyat I slowly touch the wooden railings.. Sabi ko sa sarili ko wala pa ring pinagbago. As I scanned my wall of fame sa side. Lahat ng achievements ko nakasabit. Anim na record awards, diplomas, honor certificates and our family photos. Natanung ko sa sarili ko.. Tama ba talaga na umalis ako at tinalikuran ko ang lahat? Akala ko matibay na ako. Pero ganun talaga siguro kapag ang puso at buhay mo binigay mo sa isang tao, kahit anung pilit mo pagtakip hindi mo magagawa.

Nasa taas na ako.. Nakatayo sa pinto, still the same. Black painted door and a signage that says "Parental Advisory Explicit Content".
Natawa ako hindi pa rin pala nila inaalis ito. Cause my Dad hates it! I can imagine my Dad's face while he's shouting at me. "Althea! Tanggalin mo nga yang nakasabit sa yan! Di naman bagay yan sa bahay dun mo ilagay sa music room mo!" Hahaha... My Dad.

I opened the door, "namiss ko to". My room, painted black wall tapos white ceiling. I love black, mostly all my stuff are black. Naupo ako sa kama, napatingin ako sa right side ng room ko.. Andun pa nakasabit ang mga gitara ko, i have 2 electric and 2 acoustic. Noon yun, nung sikat na sikat pa kame.. Hayy.. Tumayo na ako para makapagbihis, nung nabuksan ko yung cabinet ko may nakita akong isang bagay na parang sumikip ang dibdib ko. I took it out of my closet at pinatong ko sa kama ko. Eto ako ngayun nakatitig sa harap nito, tapos naupo ako sa tabi nito. Naalala ko na naman sya.

Our box of memories...

On My way HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon