Run Away

1.4K 65 6
                                    

Althea's POV (flashback)
"Welcome Singapore Airlines.. Can I see your boarding pass Ma'm." At inabot ko ang boarding pass ko. "Thank you Ma'm."
Naupo ako. Nag iisip.. Tama ba ang ginawa ko? Paano si Jade.. Ayoko sya iwanan ng ganito. Pero tama naman sya eh. Mahirap kalaban si Dad marami syang puedeng gawin para sa letcheng pangalan na yan. Ayokong madamay sya pati pamilya nya dahil naging mabuti sila sa akin, halos anak na rin ang turing ng sa akin ng magulang ni Jade. Panu yung mga pangarap nya.. Alam kong kapag sinabi ko sa kanya na lalayo ako, sasama sya at iiwanan lahat ng pinaghirapan nya.. Sayang. Hindi ako selfish na tao.. Ayokong talikuran ni Jade ang lahat para sa akin. Hindi ko nga kayang ipagtanggol ang sarili ko kay Dad eh tapos idadamay ko pa sya. This is the best answer sa sitwasyon ngayun. "Goodbye Jade.. Goodbye my Greatest Love.."

After almost 4hours..

Andito na ako sa Singapore. Bumili muna ako ng simcard. Nagtaxi ako papuntang hotel. Nakabook ako ng 5days dito. I took my phone pakadating ko para makapag message kay Alcris. "Al, im here at the hotel. Thank you so much sa lahat ng tinulong mo sa akin.. Babawi ako sayo balang araw. This is my number."

Madaling araw na.. Magcheck nga ako ng mga opening na trabaho. Save.. Save.. Save.. Marami din palang opening dito. At inupdate ko ang resume ko and sent. Hopefully makakuha ako ng interview. Nakahiga na ako.. "Jade mahal na mahal kita.." Habang umiiyak ako dahil naiisip ko lahat ng magandang nangyari sa aming dalawa.. Tama ba itong ginagawa ko? Di ko namalayan na umaga na pala.. Nakatulala, nag-iisip at walang tigil na padaloy ng luha ko..

Time runs...

"Congratulations Ms Guevarra. Welcome to our company as our Junior Creative Designer. Tomorrow you'll start. See you!" I shook her hands and say thank you..

Jade's POV (after two months)
Sasamahan ako ni Patty and Batchi sa Singapore to see Althea.. Im so happy na magkikita kame ulit. Hindi ko alam kung san nila nakuha yung information but i dont care as long as na makita ko sya.
"Lets go!" We took the earliest flight para around 10am andun na kame. Wala kameng dalang maleta kaya naging mabilis ang pagkilos namen. Dumating kame sa Singapore around 10plus.. We took taxi going to the said address.. Bumaba kame sa isang puting building and went to their reception.
"Hi, can I ask you if Ms. Althea Guevarra is available? Can we have a minute to talk to her?" Masaya kong sabi sa receptionist.
"Im sorry but Althea just went out. She's with our colleague, beside this building having coffee. Just in youre in a hurry seeing her." And she just smile. "Thank you!"
Nagmadali kameng pumunta sa coffee shop na katabi. I saw her thru the glass panel.. "Althea.." Napatigil ako, bigla nyang niyakap ang kasama nyang babae at hinawakan ang pisngi nito. Isa yun sa pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko.. Ang taong sinabi na ako ang puso at kaluluwa nya ngayun may kalandian ng iba.. Di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. "Tara na Jade sa loob" sabay hatak ni Batchi sa kamay ko. "No! Balik na tayo ng Pilipinas" tumungin sila at nakitang may kayakap si Althea.. I just walked out di ko kaya ang nakikita ko. Kaya tumawag kame ng taxi going to Airport. Habang nag aantay kame sa flight namen (nakapagbook agad ako pabalik). Ang sakit sobra. Iyak lang ako ng iyak di ko kaya yung sakit.. "Ang bilis nya akong nakalimutan.." "Oo parang pagpunta naten dito sa Singapore" nakatulalang sabi ni Patty. Hinampas naman sya sa balikat ni Batchi.

At dumating na kami sa Pilipinas..

"Jade hatid ka muna namen sa inyo ha." Sabi ni Batchi na hinahagod ako likod ko, dahil wlang tigil ang pag-iyak ko.

Dumating na kami sa bahay. "Oh anak ang bilis nyo naman? Anung nangyari?" Tinignan ko lang si Mama. "Mama akyat na po ako sa kwarto."
"Jade kung kailangan mo ng kausap tawagan mo lang kami." Sabay yakap ni Patty at Batchi. I just nod. Pagpasok ko sa kwarto, naibato ko phone ko sa galit tumama ito sa lamesa ko at nabasag ang isang frame.. Nakatitig ako sa salamin na basag.. Parang ako lang 'to, basag na basag! Hinawakan ko ang basag na salamin at di ko na namalayan ang nangyari..

On My way HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon