[revised]
"I've fallen for you
finally, my heart gave in
and I've fallen in love
I finally know how it feels
So this is love"
Ayan ang verse na kinanta nung lalaki sa kabilang unit. D'yan ako na-inlove. Boses palang, ang gwapo na. Yung tipong mai-inlove ka talaga.
Ako nga pala si Candice Mikka Santiago. Malapit na akong maging Psychologist, yey! Graduating student na ako sa THE University, short for Thom Hendrick Elle. Anyways, wala akong pakealam sa mundo basta hawak ko ang mga libro ko. Pero, may pakealam din naman ako minsan. Sweet, maganda at maganda DAW ang boses ko sabi ng best-friend ko.
Parents ko naman nasa South Korea, inaasikaso yung business namin doon. Kaming dalawa lang ng aking pinakamamahal na kuya Ford ang nakatira sa unit na 'to.
Bukas na yung start ng classes, buti nalang naayos ko na yung mga dadalhin ko. At dahil d'yan, mag-magbabasa nalang ako. Ang boring kasi. Naghahanap ako ng librong mababasa sa shelf ko nang biglang..
random voice
♫ What is this I'm feeling, I just can't explain
When you're near, I'm just not the same ♫
Napatigil ako. Teka, ang gwapo ng boses. Parang kanina lang, ang pangit ng boses ng kumakanta ah? Sorry not sorry, pero pangit talaga yung boses kanina ng kumakanta. Well, ibang tao na 'to, I guarantee.
Well, since wala naman ako magawa, bakit hindi ko nalang pakinggan yung kinakanta nitong si Mr. Handsome Voice?
♫ I'm trying to hide it, try not to show it
It's crazy, how could it be? ♫
Agad-agad kong kinuha ang phone ko. Ni-click ko agad yung Voice Recorder. Lumapit ako malapit sa may pinto kasi mas rinig doon. Ni-start ko na yung pagre-record.
♫ I've fallen for you, finally my heart gave in
And I've fallen in love
I finally know how it feels
So this is love ♫
Wow. Hold on. Bakit parang bumibilis tibok ng puso ko? Napatingin ako sa salamin malapit saakin at hala, namumula ako. Para akong baliw dito. Kinikilig ako!
Patuloy ko lang pinakinggan yung pagkanta ni Mr. Handsome Voice hanggang sa matapos.
Nahulog na ata ako. Para akong timang dito. Alam kong mukhang imposible pero hindi eh. Posible palang mahulog sa isang tao dahil sa boses. Habang pinapakinggan ko kanina yung boses, na-i-imagine ko na gwapo siya. Hahahahaha, putek! Hindi ako malandi ah. Baka ano iniisip niyo pero kung kayo din siguro ang nakarinig, ma-fa-fall din siguro kayo.
Ni-save ko na yung ni-record ko na boses. Ipaparinig ko 'to kay Amber bukas.
Agad akong lumapit sa may telepono. Tatawagan ko si Amber. Ni-dial ko na yung number niya at ayun, nag-ri-ring na..
"Hello?"
"Amber!!"
"Amber Ellese speaking, who is this?"
"Umayos ka nga!"
"Hahahahaha, sorry na. Init ng ulo mo eh. Oh bakit?"
"Bes, pwede palang ma-fall sa tao kahit 'di mo pa siya kilala."
"Huh?!"
"Parang na-fall ata ako Bes. Na-fall dahil sa boses niya. Ang gwapo!"
"Well, in my opinion, impossible 'yun unless baliw ka. Malay mo bading pala o tomboy yung kumakanta. Hahahaha!"
"Ewan ko sa'yo! Ipaparinig ko sa'yo bukas yung boses. Ni-record ko!"
"Kalokohan mo talaga, Candice"
"Genius ako eh. Mehehehe. Sige na. Pinaalam ko lang sa'yo."
"Matulog ka na nga, gabing-gabi na. See you tomorrow, Bes! Love Ya!"
"Meh, magbabasa pa ako. Anyways, Likewise. Love Ya!"
I ended the call.
Hay nako. Kahit kailan talaga, 'yang Amber na 'yan. Confident naman akong hindi bading o tomboy yung kumanta. Basta, hahanapin ko siya. Or kung destined kaming magkita at mag-ka-kilala, makikita at makikilala ko siya. Alam ko na pagtatagpuin kami ni Lord. BRING IT ON!

BINABASA MO ANG
I've Fallen For You
Teen Fiction[ONGOING] A story of a girl who was captivated by a voice of a guy. A guy that she doesn't know. A guy that she'd never seen. What is she going to do if she finds out that, that guy is the most ruthless, cold-hearted, self-centered, dream guy of eve...