[revised]
"Aray ko, ang sakit!", angal ko habang nakahawak ako sa noo ko.
"Candiceee!!!", sigaw ni Amber. Nahihilo ako, ugh!
Tinulungan ako ni Amber makatayo. Inextend naman ni Craig ang kamay niya kay Clayden.
"Okay ka lang pre?", tanong ni Craig. Tumayo si Clayden at pinagpagan yung damit niya.
Nagbubulungan yung mga tao sa paligid, ugh! Nakakahiya! Nilingon ko yung isang kabanda niya at ang sama ng tingin saakin. Nilingon ko din si Clayden at kitang-kita sa mga mata niya na galit siya. Nilapitan niya ako ulit.
"How dare you?! Fuck! Nang dahil sainyo, nasira performance namin at ng dahil sayo!!" sabay turo saakin, "narumihan damit ko! Magba-bayad ka!!" sabi niya habang naka death glare sakin. Hindi na ako nakasagot dahil bigla nalang silang umalis.
Dumiretso na kami sa loob ng Cafeteria. Ini-upo ako ni Amber. Ugh!! Naiinis talaga ako! First day na first day!! Tss!
"Hoy Candice Mikka! Ano ba! Bakit ka pa kasi sumagot?", inis na tanong ni Amber sa'kin.
"Eh alangan naman na hayaan ko lang yun?"
"Kahit na! Dapat tumahimik ka nalang Bes! Paano 'yan? Magba-bayad ka daw."
"Edi babayaran ko siya! Magkano ba gusto niya?"
"Shunga! Tingin mo ba pera ang gusto nun e ang yaman-yaman nun."
"Ah, basta! Wala akong pakealam sakanya! Siya yung humila sakin bigla. May death glare death glare pa siyang nalalaman! Tinatakot niya ko? Pweh! Buti nga sakanya narumihan damit niya."
"Hoy babae, kilala mo ba siya?!"
"Sus, ang yabang niya, Lead Vocalist lang naman siya ng Captivated! Tapos Captain Ball ng ACES. Ano ba nagustuhan mo sakanya?!"
"E tignan mo 'to, maka-"lang" ka d'yan! At kung makasalita ka akala mo kilala mo siya. Makinig ka saakin ha!" Hayy, papangaralan nanaman ako nitong babaeng 'to. Wala ng ibang choice kundi pakinggan, baka magwala pa 'to eh.
"Si Clayden Mark Hendrick, alam mo naman na Hearthrob siya ng University na 'to 'diba?"
"Amber, alam ko pero wala akong pake." Masyadong feeling gwapo, pweh! Maganda nga boses, pangit naman ugali.
"Makinig ka nga!" Eto na nga eh, nakikinig na ako oh. Hay nako!
"Si Clayden na isa sa mga heartthrob ng University at si Clayden na Lead Vocalist ng CAPTIVATED ang isa sa mga dahilan kung bakit puno lagi ng students ang tapat ng Cafeteria. Sa tapat kasi ng Cafeteria, doon sila laging nagpe-perform. Aaminin ko, ruthless, jerk, cold-hearted at self-centered siya pero okay lang ulit hihihi! Gwapo namin eh"
![](https://img.wattpad.com/cover/8675481-288-k922761.jpg)
BINABASA MO ANG
I've Fallen For You
Teen Fiction[ONGOING] A story of a girl who was captivated by a voice of a guy. A guy that she doesn't know. A guy that she'd never seen. What is she going to do if she finds out that, that guy is the most ruthless, cold-hearted, self-centered, dream guy of eve...