Hanging by a Moment

70.8K 2.1K 447
                                    


5



Gustong gusto ko nang magpagulong gulong sa kama habang hinihintay ang reply ni MushroomPalitaw. Nakatitig lamang ako sa screen habang naroon ang notifications ng pagtatype niya.


Noong magting ang aking computer ay napatili ako. Tutok kong binasa ang message niya.


Fr: MushroomPalitaw

Di ka pa ba inaantok?


Pucha! Iyon lang sinabi niya pero nanginginig na ako sa gilid. Tae lang!


Agad akong nagtype ng reply para sa kanya.


To: MushroomPalitaw

No yet. Hihi.


Suminghot ako habang iniscroll kong muli ang screen para basahin iyong nakaraang messages namin. Kinikilig talaga ako habang kinikwento niya sa akin iyong babaeng crush niya sa opisina nila.


Ang sabi ni Mushroom ay may babaeng nakakarita daw sa sobrang pagiging tanga doon sa trabaho nila pero di raw niya mapigilan ang sariling hindi ito magustuhan. Tae! Kinikilig ako sa ganyan.


Saan ba makakahanap ng lalaking ganyan? Iyong kahit bobo ka ay matatanggap ka?


Nangalumbaba ako at muling hinintay ang kanyang reply. Ngunit nakalimang minuto na ay hindi pa rin ito sumasagot. Hanggang sa mawala na ang green na bilog sa gilid ng pangalan niya.


Sinara ko na lamang ang laptop bago ko kinuha iyong mga librong dapat kong basahin. Ininom ko iyong kape ko bago inayos ang kumot sa aking paa at muling nag aral.


Hihi. Inuna ko muna landi ko bago ako nagbasa. Huwag niyo akong gagayahin ha?


Lingid sa kaalaman ni Seth ay nag aaral ako bawat Sabado. May crash course kasi dito sa Italy kaya itinuloy ko ang kurso kong Education. Kahit naman kasi lulutang lutang utak ko minsan, nakakapag aral pa naman ako. Kasalanan ko bang naiistress brain ko sa gago kong boss. Ikaw ba namang maging yaya/secretary nun, ewan ko na lang kung magsusurvive ka.


Minsan nga naiisip ko na di niya kayang mabuhay ng wala ako. Kawawa naman this guy. Kaloka.


Noong umaga ng linggo ay agad akong nagising. Halos mamilipit ako sa sakit noong kumirot na naman ang puson ko.


Pisteng bakla! Ang sarap ipatanggal ng ovaries ko. Jusmiyo. Kumukulot yung buhok ko sa sobrang sakit.


Di ko kayang tumayo sa higaan dahil sa sakit. Halos mapangiwi talaga ako sa so much hurts. Nakakatangina ang sakit. Sinasaktan na nga ako ng mga lalaki pati ba naman puson ko sasaktan pa ako?


Where is the justice?


Nakanganga lang ako sa dingding ko noong biglang bumukas ang pintuan ng aking apartment. Sinilip ko iyon at nakita ko si Seth na inaalis ang kanyang sapatos habang kunot ang noong nakatingin sa akin.

Twelve of Midnight - LEGACY 2 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon