Sila. (One - Shot)

12.9K 363 146
                                    

Sila.

Thunder’s Point of View

Date Made: September 28, 2013 ; 08 : 43 pm

Date Published: October 3, 2013 ;

FRIENDLY REMINDER: This is Thunder's Point of View. Anyone who wants to hear his side? Read this while playing the video~

。✐✎。✐✎。✐✎。✐✎。

"KAMI na."

Habang lahat ng tao ay nagsasaya kasabay niyong dalawa, ako? Heto. Naglalakad palayo, nasasaktan ng patago.

Kung alam mo lang, Dennize..

Nasaktan kita. Alam ko iyon. Pero hindi mo rin naman ako maiintindihan. Hinding - hindi.

From: Mikel

Pre, san ka?

Alam kong lahat sila ay nasaksihan ang pagsagot mo kay Wynard. Nasaksihan ng lahat ang pagmamahalan niyong dalawa. Nandoon din ako, nagkatinginan pa nga tayo diba?

Masakit..

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kung ikasasaya mo iyan, bakit pa ako tututol?

Alam kong galit ka rin sa akin. Pinaasa nga kita kaya nasaktan ka. Pero nagawa ko lang iyon dahil may dahilan ako. Sige lang, magalit ka lang. Ginusto ko naman ito e.

Kaya nga kita sinaktan, para lumayo ka. Pero nasasaktan din ako Dennize. Hindi lang ikaw nakakaramdam nung sakit..

Ang gulo ko. Nasasaktan ako pero masaya rin ako para sa inyo. Nahanap mo na rin kasi iyong taong magmamahal sayo ng totoo.

Na alam kong hindi ko magagawa para sa iyo..

[Hello 'pre? Asan ka?]

"Uwi na."

[Taena. Sabi ko na nga ba e~]

"Ibababa ko na."

[Sige, hintayin mo kami sa condo mo. Paalam lang kami ni Renz.]

"Ge."

[Ingat sa pagdadrive 'tol.]

Panigurado, ikaw na naman laman ng usapan mamaya. Panigurado, bibigat na naman ang paghinga ko.

Parang isang bangungot na bumabalik sa akin iyong mga nangyari kanina. At nagmistulang isang mahabang panaginip ang mga nangyari sa atin noon, "DD".

Ang gulo gulo ng isip ko para mapaghalo ang lungkot at saya..

Pinahid ko ang luhang nagsiunahan sa pagtulo. Buti na lang nakakapagmaneho pa ako ng maayos kahit na wala na akong makita.

Nakakabakla. Pero tao rin ako. Hindi ko kayang habang buhay itago ang emosyon ko.

"Hi Thunder!" Ang boses mo..

"May masakit ba sayo?" Ang pag aalala mo..

"Ikaw kasi, bakit ka nagpaulan. Hindi ka nagdadala ng payong. Paano kapag nagkasakit ka?" Ang mga sermon mo..

"Pahinga ka na po." Ang pagiging malambing at maalaga mo..

"Magpalit ka po agad ng shirt after ng practice mo." Ang pagiging nanay mo sa akin..

Sila. (One Shot -- ʿ₯ʾ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon