Mapupungay ang mga mata, mapupulang mga labi at matangos ang ilong.
Maganda,balingkinitan ang pangangatawan at higit sa lahat ay mayaman.
Isang perpekto, edukada at maka-Diyos na modelo/ artista. Lahat ng tao ay halos tinitingala siya. Kinaiinggitan ng mga kababaihan pero sinasamba ng mga kalalakihan.
Siya si Patricia Sebastian. May disenteng pamilya, mayamang kasintahan at higit sa lahat ay matagumpay sa buhay.
Lingid sa kaalaman ng kanyang tagahanga, may isang bagay na hindi niya matatakasan. Isang bagay na hanggang ngayon ay alam kong bangungot ng kanyang nakaraan.
Sa likod ng kahali-halinang mukha, isang halimaw ang aking nakikita.
Sa demonyo'y isinangla niya ang kaluluwa, kapalit ng kasikatang kanyang makukuha.
Isang babaeng hindi dapat hangaan ng mga kabataan. Palabasa ng bibliya, pero hindi isinasabuhay ang aral na nilalaman ng aklat.
Gusto kong masuya! Gusto kong pagtawanan silang lahat dahil sa pag-idolo ng babaeng manloloko. Babaeng nililinlang ang mga tao sa kanyang tunay na pagkatao.
Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng kanyang sikreto. Lihim na hanggang ngayon ay hindi niya pinagsisisihan at hindi pa siya humihingi ng kapatawaran.
Nakakalungkot isipin na may babaeng katulad niya. Isang mamamatay tao!
Pilaglag niya ang dalawang buwang sanggol sa kanyang sinapupunan para hindi mapahiya!
Pinatay niya ako!
Siya si Patricia, ang aking ina.
BINABASA MO ANG
Lihim
Mystery / ThrillerSa likod ng itinatagong ganda,isang mala-demonyong katauhan ang nagkukubli.