Chapter 12

0 0 0
                                    


Shane's POV

Mga isang oras na ata kaming nasa biyahe ni Brahms... Hawak niya parin yung kamay ko habang nagda-drive... Kapag tatanggalin ko naman kinukuha niya parin.. Kaya hinayaan ko nalang...

T-teka... Bakit nasa sementeryo kami?! O_O

"Bakit tayo nandito?!" Tanong ko kay Brahms

"Let's go para malaman mo.." Tapos binigyan niya ako ng ngiti..

Binuksan na niya yung pinto ng kotse siyempre bumaba narin ako..

Naglakad kami papunta sa .... Di ko alam..
Sumusunod lang ako sa kanya..

"We're here.." Tapos tinuro niya yung lapida...

Crystal Jaine Guilbert
1991-2012

"She's my older sister.. She died because of... car accident..." Sabi ni Brahms.. "Hello Ate... May ipapakilala pala ako sayo... Sure kong magugustuhan mo siya..." Tapos tumingin siya sa akin... Nagsindi siya ng kandila at nag-alay ng bulaklak.

"Alam kong ayaw mo kay Ainah dahil sa ginawa niya sayo... Pero please Ate kung nasaan ka man huwag mo ring hayaan na may mangyaring masama kay Avy lalo na't babalik na dito sa Pilipinas si Ainah... Pasabi rin pala kay Jesus na huwag niya kaming hahayaan..." Kinakausap niya yung puntod ng ate niya...

"Si Avy... Na-kwento ko na siya sayo di ba?! Yah.. Nililigawan ko na siya ngayon..." Nakangiting sabi nito.

"Avy si Ate Crystal... Ate si Avy..." Tapos hinawakan niya ulit yung kamay ko...

Nag-stay pa kami ng ilang oras..
Nakaupo ako sa mini bench na nandito sa tabi ng puntod. Nasa harap ko siya..

"Sabi mo kanina ayaw ng ate mo kay Ainah... Bakit?! Hmm.. Sorry I just want to know... Curiosity Kills di ba?!" Nakayuko ako habang sinasabi yan.. Baka kasi magalit eh.. *pout

Napa-chuckle siya...

"Ainah?! She is the reason why my sister died." Sabi niya ng nakayuko habang naka-close fist..

"S-sabi mo namatay siya dahil sa car accident.." Tanong ko ulit..

"Yah.. Di naman mangyayari yun kung di dahil sa ginawa ni Ainah.." Nakikinig lang ako sa kanya.

"P-paano?!" Nagtataka parin ako..

Hindi siya agad sumagot dahil kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa... Tsk..

"Si Ate ayaw na niya talaga kay Ainah umpisa pa lang.. May hinala kasi siyang mayroong di magandang gagawin sa pamilya namin si Ainah... One day sa di sinasadyang pangyayari narinig ni Ate na may kausap si Ainah sa cellphone.. Ang sabi daw ni Ainah Papabagsakin ng pamilya nila ang kompanya namin... Pero di niya yun magagawa kung hindi ako magiging sa kanya kaya ang ginawa niya.... I mean nahulog ako sa kanya akala ko totoo lahat ng nararamdaman niya para sa akin pero plano lang pala ang lahat.. May boyfriend pala siya sa Paris... Lahat ng yun nalaman ni ate... Kaya binangga ni Ainah ang sinasakyan nilang kotse , galing sila sa OB dahil checked up ni ate nung araw na yun...." Nagulat na naman ako..

"So ang ibig mong sabihin buntis ang ate mo nun..." Sabi ko sa kanya..

"Yah.. Si Ainah lang ang naka-ligtas dahil planado na niya ang lahat... Kaya lahat kami kinamumuhian siya.." Galit na sabi ni Brahms..

Di ko akalain na may ganoon palang nangyari sa ate niya.. Kaya hanggang ngayon nakatulala lang ako sa kanya... Kawawa naman yung ate niya lalo na yung baby..

*click
*flash

Bigla akong nasilaw...

"Anong ginawa mo?!" Tanong ko kay Brahms..

Di niya ako sinagot.. Tumingin siya sa phone niya tapos ngumiti...

"Perfect Stolen Shot!" Sabi niya...
Tapos pinakita niya sa akin...







Votes and comments :)
@bhengbala

Slipped AwayWhere stories live. Discover now