Chapter 1

145 3 1
                                    


Sa mundong ito, bihira nalang ang mga taong nagsisikap matulungan ang kani kanilang bansa. May doctor na handang tumulong sa mga may sakit, may mga sundalo,pulis,secret agents na handang isakripisyo ang sarili para sa bansa, may mga teacher na nagtuturo ng tama at mali. But there's one thing that they have in common..

Ginagawa nila to dahil may pag-ibig sila para sa bansa. Pero may pagkakataon na ang pag-ibig na ito ay dadalhin ka sa emosyon na hindi mo inaasahan, dadalhin ka rin nito sa taong gagawin mo ang lahat kagaya ng ginagawa mo para sa bansa.

............

Summer Jones, Doctor in Byun Del Hospital. Ako at si mama nalang ang magkasama sa buhay, almost 2 years na ng mamatay si papa dahil sa heart failure. Malungkot parin si mama sa nangyari at sinisisi nya ang sarili nya.

Hindi nya daw kasi naligtas si papa sa sakit na yon. Kaya pinili nyang mag pedia at umiwas sa mga operations. Sya rin ang director ng hospital, ito lang ang iniwan na kayaman ni papa samin.

On my way sa hospital, nilalakad ko lang kasi at medyo malapit lang. Nakarinig ako bigla ng sigaw...

"TULONG!!!!TULONG!!manganganak na ko!!!" Nagmadali akong tumakbo at pinuntahan yung boses na yon. Nakakita ako ng isang babae na nakaupo na sa sahig. Chineck ko sya at pumutok na ang water nya. Chineck ko rin ang wrist nya. And this is not good, kailangan nyang kumalma.
"Miss, kailangan ko pong kumalma kayo!" Ako at tumawag ng ambulance.
"Kalma?!!MANGANGANAK NA KO!!" Sigaw nya parin.
"Shit!bakit 20 mins pa?!ngayon na!!" Sigaw ko dun sa tinawagan ko at binaba ang phone. Pinaypayan ko sya at mukhang pagod na sya
"Miss!wag kang matutulog!!help is ont the way!" Ako.
"Hindi..ko na kaya.." mahina nyang sabi. Nakita ko na may dugo na sa binti nya.
"Oh my Ghad!miss!! Please!wag kang matutulog!!tatawag ako ng taxi!" Ako. Tumayo ako agad at pumunta sa gitna ng kalsada. How come walang taci at kotse dito?! And then nagulat nalang ako ng may kotseng huminto sa gild ko.
"Thank God!patulong naman at manganga-"
"Alam ko." Bumaba yung lalake at binuhat yung babae sa kotse. Pumasok naman ako sa kotse nya. Grabe naman magmaneho to! Pero parang 10 seconds lang namin byinahe.
"STRECHER!" Sigaw ko. May mga lumapit na sakin.
"Nurse!tumawag ka ng physician at kailangan ng ilabas yung bata!go!" Ako. Dinala namin sa operating room yung babae. Hindi ako pwedeng magpa-anak dahil wala yun sa specialist ko. Napalingon ako dun sa guy na tumulong, nandito parin sya kaya lumapit ako.
"Salamat sa pagtulong." Ako.
"Buti nalang natawagan nya pa ko." Sya.
"Husband po kayo?" Tanong ko. Tumingin sya sakin.
"Mukha ba akong tatay?No. Kapatid ko sya."
"Oh,sorry." Sungit naman nito 😞😞
"Magiging okey ba sya?"
"Oo. We have the best doctors here kaya chill ka lang." Ako.
"Doctor ka rin?"
"Yes."
"Bat hindi ikaw ang nag-paanak sakanya?"
"Mukha ba kong nagpapaanak? Not my specialist." Tumunog bigla yung phone nya. Sinagot nya yon at lumayo. Tapos bigla syang lumapit sakin.
"Mapropromise mo ba sakin na magiging okey sya? Kailangan ko na kasi umalis may gagawin lang ako. Pero babalik ako mamaya." Ang seryoso nya magsalita.
"Oo. Ako na bahala sakanya." Ako. May inabot syang card sakin at umalis.
"Salamat. Babayaran ko mamaya at ito yung salamin mo, nahulog mo kanina." Abot nya ng salamin ko. Kaya naman pala kanina pa malabo paningin ko.

......

Nandito na kami nung babae sa room. As i said dun sa lalaking hindi ko pa kilala, ako na bahala sa kapatid nya. Lumapit ako, napansin kong ang hina ng heartbeat nya. And then, biglang nagflat line at tumunog yung monitor.
"Oh no! Miss!miss!!" Sigaw ko. Lumabas ako at tumawag ng nurse.
"Pakiabot sakin yan!" Inabot nila yung deflibratation.
"150 joule charge!" Kinuha ko yon.
"Clear!" Sigaw ko. Wala parin, flat line parin
"200 joule charge!clear!" Wala parin. Chineck ko yung pulse nya, wala na ito. Wala naring hangin ang nalabas sakanya
"miss!naririnig mo ba ako?! kailangan mong mabuhay para sa anak mo!!" Sigaw ko. Binigyan ko sya ng CPR.
"Flat line na po, doc." Yung nurse.
"Time of..death, 5:00 am." Ako. Nagulat ako ng nasa pinto na yung lalake kanina. Paiyak na sya.
"Im-" bigla nya akong niyakap. Yes naman? Kilala ba kita 😲😲
"sorry." Hinayaan ko na sya na yumakap. Since iyak na sya ng iyak. Para syang bata, mukha syang seryoso,cool at astigin. Pero deep inside, naiyak din pala. Wow! Kilala ko na sya agad?

Love ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon