Chapter 16

14 0 3
                                    


Summer Jones

Ang daming tao dito sa bahay ni mama. Parang nga bagets kung makapagparty, sayaw. Kakadating lang namin ng team kasama si winter at jp.
"Ang daming doctor." Si jp.
"feeling ko nasa hospital parin ako." Nagbubulungan yung dalawa. Natatawa naman kami ni faller.
"Cuz!!!!" Si haley. Niyakap namin sya ni faller.
"Waaaa? Parang tumataba ka ah? Oh dahil sa uniform mo lang?" Ako.
"Cute ko no?hahaha!" Ikot nya.
"Kukuha lang kami drinks." Singit ni winter. Nagkatinginan lang si jp at haley pero nag-iwasan din. Nagsalute ng mabilis si jp tsaka umalis.
"hindi parin kayo bati?" Ako
"Ma-pride akong babae. Kaya dapat sya maunang magsorry! As if naman kasi mapipigilan nya ko sa gusto ko."
"Pero sana naman ikaw na kumausap ngayong gabi?" Faller.
"Ayoko nga. Bahala sya dyan."
"Alam nyo hanapin nalang natin si mama okey?"
"Attention!everyone!" Napatigil kami sa paglalakad. Nasa harap ng swimmingpool si mama.
"Ayun pala sya." Lumapit kami ng konti sakanya.
"Im so glad na nandito ang aking dalawang anak na sumunod sa yapak ko." Sya.
"And im here to announce, na ako'y ikakasal na!" Biglang may lumapit na lalaki kay mama at niyakap sya.
"Mama?" Gulat namin ni faller.
"Ito ang surprise ko. Kaya aalis kami papunta sa parents nya. So im giving my permission sa aking anak na si doctora summer jones para i-take over ang hospital." HALA?! ano ba to si mama?! Nagpalakpakan sila.
"Mama?!"
"Congratz anak!" Yakap nya sakin
"Mama naman eh!ala-"
"Anak, ngayon lang. Pagbalik ko ako na ulit." Bulong nya.

Nakakaloka tong si mama. Pero kinuwento naman nya pano nya nakilala si prince, ang kanyang PRINCE CHARMING daw. Kadiri 😒😒
Pumayag nalang kami ni faller dahil mukhang masaya naman si mama. Sana lang wga saktan nitong si prince dahil ooperahan ko talaga sya at tatanggalan ng puso.
"ehem." Si winter. Tumabi sya sakin at may dala syang wine.
"grabe talaga tong si mama."
"At least masaya tignan. Hayaan mo na natin sya."
"Ano pa nga ba? Binigyan nya pa ako ng problema."
"Naks naman!girlfriend ko president ng hospital!"
"Temporary lang yon ano ka ba."
"Ayaw mo ba?"
"Napag-usapan na namin yon ni mama. Ayoko ng big responsibilities, mahirap eh."
"Si haley at jp kamusta sila?"
"Malay ko! Itanong mo sa bestfriend mo. Nagpapataasan ng pride yung dalawa" ako.
"Nakita ko kanina si faller kausap ni haley. Si jp naman nakatambay sa malay oat nakatingin lang."
"Bat ayaw nyang i-grab yung chance na kausapin?"
"Ewan ko ba dun." Nagcheers kami at uminom. Nagring phone nya.
"Sagutin ko lang to ah." Paalam nya. Lumayo sya ng konti. Naalala ko tuloy yung date namin na naudlot. Hahaha.
Bumalik na sya after 5 mins.
"Im sorry, kailangan ko ng umalis. May special mission kami" tumayo ako.
"Seryoso?ngayon na?"
"Oo eh." Nakita ko na tumakbo si jp papunta samin pero malayo parin sya. Niyakap ko bigla si winter.
"Ilang linggo?ilang araw?"
"3 months." Napatingin ako sakanya.
"Ang tagal tagal naman. Magtext ka ha? Pagnandun ka na."
"Hindi ko alam kung makakatext ako sayo. Pero bago kami sumakay ng helicopter, magtetext ako sayo."
"Sige. Bilisan mo ha?"
"Oo, bibilisan ko." Niyakap ko ulit sya.
"Baka hindi na ko umalis nyan." Biro nya
"Pwede ba?" Mangiyak ngiyak kong sabi.
"Naman doc. Summer, wag kang umiyak. Nasa party ka ng mama mo." Punas nya
"Promise mo na mabubuhay ka, babalik ka, yayakapin mo ulit ako."
"Promise mabubuhay at babalik ako sayo." Hinawakan nya yung mukha k at hinalikan sa noo.
"Mag-iingat ka please." Bulong ko
"Ikaw din, mag-ingat."
Tumakbo na sila. Naghuling tingin pa kami at nagwave pa ko. Ngumiti lang sya at nagsalute.

Haley Hernandez

Umalis sya at hinayaan ko sya na hindi kami nag-uusap. Tinignan nya lang ako bago sya umalis. Hindi man lang nya ako nilapitan or what. Kaya ito, iyak ako ng iyak kay summer. Nasa apartment na nya kami.
"Sige lang, iyak lang."
"Nakakaasar cuz!!!anong gagawin ko?!"
"Pagbalik tsaka mo kausapin."
"Ikukulong ko talaga sya at hindi na paaalisin. Hindi man lang nagtext sakin!"
"Hindi rin naman nagtetext sakin si winter. Isang linggo palang naman eh."
"Namimiss ko na sya cuz!!huhuhu!!" Iyak lang ako ng iyak sakanya.

Love ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon