Chaptet 8

15 0 1
                                    


Winter Ramirez

Ang boring naman ng suspended days na to. Wala akong kausap, wala akong magawa kung hindi maglaro sa playstation ng mga combat. Wala rin si jp dito. Badtrip 😧😧😧 masaklpa pa, lagi kong iniisip si summer, ano na ba kami? Complicated? Wala na? Kami pa? Ang gulo 😕😕

Kaya napagdesisyunan kong pumunta dito sa scarlet coffee shop. Ako lang mag-isang umiinom ng kape.
"Ikaw lang sir ngayon ah?" Yung babae sa cashier.
"Oo eh. Nasa overseas medical mission eh." Ako.
"Bat kayo nandito? Off-duty?"
"Nasuspened dahil may niligtas na magandang babae." Ngiti ko.
"Ahhhh." Kinuha ko na yung sukli ko at umupo. May napasin naman akong aso sa harap ng shop na to. Lumabas ako at kinuha yon. Ang cute nya naman, ano kayang aso to? Sobrang cute na medyo gold brown.
"Alam mo cap, pababalik balik yang asong yan dyan. Ayaw magpakuha sakin, sayo lang lumapit."
"Talaga?" Ngiti ko.
"Sayo na sya cap!" Ngiti nya.
"Ano kaya ipapangalan ko sayo ha?" Ako dun sa aso. Inangat ko sya at tinapat sakin. Babae pala sya, ano ba yung favorite ni summer?aha!
"Ikaw si caramel!" Ako. Ayos! Si caramel. Inuwi ko nga yung aso, ginawan ko rin sya ng bahay na maliit muna. Parang nung isang araw lang nagrereklamo ako na wala akong ginagawa. Ngayon may pinag- kakaabalahan na ko. Binilhan ko sya ng pagkain, kainan. Cute! Kaso, namimiss ko si summer 😢😢😢 ano ba yan! Aish!

Nagising ako sa tunog ng phone ko, yung commander namin natawag. "Yes sir?" Sagot ko.
"Where are you?"
"Dito po sa apartment ko."
"Pumunta ka sa base, may situation tayo sa lebanon base natin. Kailangan ng maraming tutulong."
"Sige sir, on my way." Una agad na pumasok sa isip ko is kung okey ba si summer? Ang bravo team? Anong situation yon at binalik nila ako bigla? Sabagay, patapos na rin naman naman ang suspended days ko. Hindi ko pa ma-contact si jp.

Summer Jones

Grabe, putik putik na kami, marami ng namatay. May mga naghahanap, ako nanggagamot at naghahanap din. Punta dito, punta don. Sobrang labo na ng salamin ko kaya maya't maya ang punas ko. Gulo gulo na buhok ko, ang dumi ng damit namin. Grabeng disaster to.
"PATULONG DITO!" sigaw ko. May tinutulungan kasi akong babae sa may ilalim ng pader at nakatusok yung sa dibdig nya, namumutla na sya. May tumulong naman samin. Patakbo na kami sa tent pero ako tuloy sa pagtakip sa natusok sa bandang dibdib nya. Dugo ito ng dugo.
"Dito dito!" Ako. Binaba nila. Binigyan ko na sya ng medical attention. Nailigtas ko yung babae, kaya medyo gumaan ang loob ko. Buti naman.
"Come in come in nips?" Yung sa walkie talkie.
"Yes? This is nips."
"Pumunta po kayo dito sa may red flag."
"On my way" kumuha ako ng medical bag at aalis na sana, kaso nalaglag yung salamin ko. May kumuha nung kukunin ko na, si winter. Nagulat ako ng nandito sya bigla.
"Winter."
"Summer." Bago nya inabot yung salamin ko, pinunasan nya yon at sinuot nya sa mata ko.
"Mabuti naman, at okey ka."
"Kanina pa kami dito. Wala pa naman naaaksidente samin."
"Basta, okey na ko at okey ka." Para atang namula ako sa sinabi nya.
"Anyway. Kaya mo yan, doc." Ngit nya.
"Kaya mo rin yan, cap." Ako. Nagsalute sya at ganun din ako. At nagkanya na kami ng landas, mamaya ko nalang sya tatanungin or.. hinde? Syempre nakakahiya rin 😥😣😣

After ilang hours ng pag-ulan, huminto rin. Medyo narin ang nakukuha namin mga pasyente kaya nakakapagpahinga na ko or kami. Mga pagod ang team ko, kahit mga sundalo or mga officers don.
"Kumain muna kayo." Ako at nag-aabot ng lugaw, coffee
"Ikaw rin doc." Yung isang sundalo. Ngumiti lang ako.
"Yung akin? Nasan?" Napatingin ako. Si winter..
"Winter." Abot ko. Napansin kong may dumudugo yung balikat nya
"Gamutin natin yan." Turo ko at pumunta sa may tent. Kami lang tao dito.Tinatahi ko yung braso nya, ano naman nangyari sakanya?
"Namiss kita." Napatigil ako.
"Namiss kita ng sobra." Ulit nya.
"Ako ba talaga namiss mo? Or yung ganda ko?" Narinig ko syang ngumisi. napangiti ako.
"May mga sugat kasa kamay ah." Nakatingin pala sya sa kamay ko.
"Wala yan. Hindi naman masakit."
"Porket hindi masakit okey na?" Napatingin ako sakanya. Parang sakin galing yun ah? Kinuha nya yung kamay ko at nilagyan ng betadine, habang ako ginagamot yung nasa braso nya.
"Kamusta na yung tama mo sa dibdib?" Sya
"Okey na sya. Nagkapeklat lang ako."
"Pareho na tayong may peklat. Nagpapaligsahan ba tayo ng paramihan ng sugat?" Napangiti ako sa sinabi nya.
"Okey ka na doc." Ngiti nya.
"Salamat. Matatapos na kana rin." Ako.
"Ayokong magpagamot sa iba, sayo lang ako magpapagamot. Pwede ba yon?"
"Ayoko. Nakakasawa ka."
"Sige na doc!"
"Bahala na!" Nanahimik kamk saglit.
"May sagot ka na ba sa tanong ko" napatingin ako sakanya. Nilagyan ko ng bandage yung braso nya, tumingin naman sya sakin. Sasagot na sana ako kaso dumating si agent four.
"Cap!doc! Sorry sa istorbo pero may magcocollapse na building. May mga tao pa daw sa loob non" kinuha ko yung medical bag at tsaka kami sumunod.

Love ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon