PROLOGUE
May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sayo. Tulad ng kung gaano mo kamahal ang isang tao. Madalas, nalalaman mo lang kung gaano mo siya kamahal, kapag wala na siya sa’yo.
When you lose that person, you lose a part of yourself too. Umaasa ka na lang sa paglipas ng panahon, maibabalik mo kung anong nawala sa’yo. Kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon ang lahat ng bagay.
Pero bakit parang hindi binabago ng panahon ang puso mo? Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula? Lagi mong tinatanong, paano kaya kung mas minahal mo siya?
Paano kaya kung hndi mo na lang siya minahal? Paano kaya kung hindi na lang kayo nagkakilala? Para mabura na lang siya sa alaala mo?
Pano kaya kung noon nagkatagpo kayo, ibang tao ka at ibang tao rin siya, sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon. Maiba din kaya ang tadhana niyo?
Kamay mo na ba ang hawak nya? Ikaw na ba ang nasa tabi niya? Ikaw na ba ang kayakap niya? Ikaw na ba ang dahilan ng mga ngiti nya?
O ikaw parin ba ang dahilan kung bakit mas pinili niya magmahal ng iba?
Akala ko nun, once na nagmahal ka, fairy tale, happy ending, true loves kiss, first dance, o fantasy. Nagkamali pala ako.
Wag mong ibase ang love story mo sa mga kanta, libro o mga pelikula. Kasi sa reality, kahit gaano niyo pa kamahal ang isa’t-isa, dadating padin sa punto na kailangan mong sumuko na.
BINABASA MO ANG
IF I FALL AGAIN
Teen FictionBakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula? Lagi mong tinatanong, paano kaya kung mas minahal mo siya? Paano kaya kung hndi mo na lang siya minahal? Paano kaya kung hindi na lang kayo nagkakilala? Para mabura na lan...