The Break-Up (Short Story)

1.9K 36 27
                                    

The Break-up

“Is this really what you want?” tanong ni Cedrick sa katabing si Trina.

“Yes!” walang gatol na sagot naman ni Trina habang nakatingin sa ibang direksyon.

Napadiin ang pagkakahawak ni Cedrick sa manibela ng sinasakyang kotse. Hindi niya napigilan ang pangangalit ng kaniyang mga ngipin, dahil hindi niya inaasahan na wala man lamang ni kaunting alinlangang masasagot ng kasintahang si Trina ang tanong niyang iyon.

“Have you found someone new?” malumanay ngunit nakatiim-bagang muli ay tanong niya rito. Ang totoo ay ibig na niyang bulyawan ang kasintahan at tapakan ng madiin ang silinyador ng kotse, pero pinili pa rin niyang maging mahinahon at kausapin ito nang maayos. Baka kasi kung ano pa ang kahantungan nila kapag hinayaan niyang matalo ng galit ang utak niya.

“No!” mariing sagot naman ni Trina matapos marinig ang tanong na iyon ng kasintahang si Cedrick. Ni minsa’y hindi sumagi sa isip niya ang paghahanap ng iba sa buong durasyon ng anim na taon nilang pagiging magkasintahan.

Nanatili siyang tapat sa relasyon nila sa kabila ng kawalan nito ng sapat na oras para sa kaniya at tingin niyang unti-unti nitong panlalamig. Dagdag pa sa mga nabanggit, ang madalas nilang pagsasagutan sa tuwing magkasama sila dahil sa dati pang pagkakaiba sa ugali, pilosopiya sa buhay at paniniwala nila. Siguro kung sa iba mangyayari ang mga iyon ay baka sumagi nga sa isip ang paghahanap ng iba… Pero iba siya. Nanatili siyang tapat dahil mahal niya ito.

Agad siyang nagbawi ng tingin nang makasalubong ng mata niya ang mga matang nagtatanong nito. Ayaw niyang mahuli nito ang tunay niyang nararamdaman kaya mas pinili na lang niyang ituon ang pansin sa labas ng bintana.

Dagling nawala ang galit sa dibdib ni Cedrick dahil sa isinagot na iyon ni Trina. Nang magbawi ito ng paningin para tumanaw sa bintana, nagkaroon siya ng pagkakataong sulyapan ito. Nagkataon pang naging pula ang ilaw sa stoplight kaya napagmasdan niyang mabuti ang kabuuan nito.

Sa nakalipas na anim na taon ay hindi nabawasan ang taglay na kagandahan ng kaniyang nobya. Matangos ang maliit nitong ilong. Singkit ang nangungusap nitong mga mata na tinernuhan ng kilay na pakurba at tila iginuhit lamang. Hugis puso ang korte ng makinis nitong mukha. Likas na mapula rin ang mga labi nito… ang mga labi na kinababaliwan niya at kung maaari lang ay minu-minuto niyang hahalikan.

Seryoso itong nakatingin sa isang kotseng nakapuwesto sa gawing kanan ng kinalululanan nilang sasakyan. Agad na sinuyod din ng mga mata niya ang tinitingnan nito.

Nang makita niya ang tinitingnan nito, nakaramdam siya ng mumunting kurot sa kaniyang puso. Nakatingin ito sa lulan ng sasakyan na babae at lalaki. Sinusubuan ng lalaki ang babae ng hotdog na nakatuhog sa isang stick. Kakikitaan ng saya ang mata ng mga ito lalo na nang  magising at umiyak ang isang munting bata na kanina lang ay payapang natutulog sa bisig ng ina nito.

Kung sana lang ay pumayag noon si Trina na magpakasal sa kaniya, disinsana’y isang ganap at masayang pamilya na rin sila tulad ng nasa kabilang sasakyan na iyon. Kaso’y mukhang malabo nang matupad ang pangarap niyang magkaroon ng masayang pamilya sa piling nito. Dahil sa araw na ito ay malamang na maghiwalay sila ng landas na siyang nais nito.

Ngunit bakit? Bakit nga ba nais nitong makipaghiwalay sa kaniya? Bakit ngayon pa kung kailan nais niyang muli ay alukin itong lumagay na sa tahimik dahil sa tingin niya’y handa na siya sa aspetong pinansiyal at emosyonal?

“Then why? Why are you breaking up with me?” Mahina lamang ang tanong na iyon ni Cedrick ngunit sapat na para mapabalik sa kasalukuyan ang  isip ni Trina.

Saglit na namagitan sa kanila ang katahimikan matapos magkulay-green ang stoplight. Si Trina na ang bumasag sa katahimikang iyon makalipas ang ilang sandali.

The Break-Up (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon