Chapter1

8 0 0
                                    

Nicole's POV

"Hey" napatingin agad ako sa gilid. I thought...... it was him. Bakit sa bawat paggalaw ko siya na lang palaging naiisip ko.

"Naku naman Nicole, parang ayaw mo naman yata akong makausap, tsk"

I'm Nicollyn Kate Tulveda, 19 years old. I'm a 3rd year College student. May kuya ako and he's Jay Bernard Tulveda, but we used to call him JB kasi naiinis siya sa Bernard.

Nagtatrabaho na siya ngayon kaya wala na akong napagsasabihan ng mga problema ko. Busy na kasi siya di tulad dati.

"Nicole? Sige mauna ka na nga lang." sabi niya at nauna na nga akong maglakad.

Siya si Grace, friend ko. Not that close, pero napagsasabihan ko pa rin ng problema ko. Papunta ako sa Library namin. These past few months, parang gusto ko na lang kasing magbasa ng mga libro, kahit di ko naman to gusto noon.

*dug-dug*

Sa buong campus, ito yung pinaka-hindi ko gusto, yung makita ko yung lalaking gusto ko ng makalimutan. Siya si Arvin Lee. Ex boyfriend ko. 1st year College nung naging kami.

I shook my head. Ayoko na. Ilang beses ko na ata tong sinabi pero bakit di ko man lang magawa? Pinipilit ko, pero balewala lahat sa tuwing nakikita ko siya.

Mabuti pa siya, masaya kasama mga kaibigan niya. Para bang wala lang? Pero ako? Basag na basag. 

I hate this feeling... Ito na naman. I wiped my tears. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa daan. Bigla na lang may bumangga sakin dahilan na makabangga ako sa gilid.Napatingin ako, its Arvin, yung taong nabangga ko. I was about to utter the word "sorry" pero nauna na siyang magsalita.

"ANYARE SAYO?"

Dalawang salita lang, pero bakit ang sakit sa pakiramdam? Bakit parang "back to strangers" kami?

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Ang sakit lang sa pakiramdam, yun bang maiisip mo yung NOON. Yung sweet "I love you's" niya noon, na napalitan na ng "Anyare sayo?" ngayon.

Lahat nga talaga nagbabago. Pati feelings.

Lumingon ako sa kanya nagbabakasakaling sa paglingon ko nakatingin sya ngunit hindi... Ayun sya diretsong nakatingin sa phone nya at nakangiti... Noon ako yung nagpapangiti sa kanya ngunit ngayon iba na... Iba na yung gumawa ng bagay na nagpapasaya sa kanya.

Tumalikod ako at dumeretso patungo sa library. Ano ba nicole gumising ka na nga... Hinding hindi na sya babalik sayo...

Naghanap ako ng libro na pede kong basahin pampalipas oras kumbaga... Pumunta ako sa shelf kung saan andoon ang mga paborito kong libro nung nakapili na ako naghanap ako ng mauupuan pinili ko yung pwestong hindi masyadong nakikita...

Umupo ako at nagsimulang magbasa... Kahit pilitin kong ituon ang atensyon ko sa librong binabasa ko hindi ko magawang mag focus dahil sa kanya.. Lahat na ata ng bagay na gawin ko ay nagpapaalala sakin kung gaano kami kasaya noon...

"Bwesit lumabas ka na nga sa isip ko arvin" napasigaw ako... Naging dahilan ito sa paglabas ko ng library... Eh ikaw ba magstastay ka parin ba sa isang lugar kung saan hiyang hiya ka na...

Nag pa disisyonan kung pumunta nalang sa sunod kung klase kahit may 30 minutes pa akong break... Pagkadating ko doon dalawang tao yung naka agaw ng atensyon ko... Oo nga pala magkaklase kami sa subject na ito... Dumeretso ako sa upuan ko ng nakasimangot... Pag kaupo ko kinuha ko yung phone ko at nag earphones....

I sighed. "Hays Everything is going to be fine, Nic" sabi ko sa sarili ko.

Habang chinicheer-up ko yung self ko bigla namang may kumalabit sakin sabay,"Hey" . Si Grace lang pala. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon