buntot mo hila mo

22 6 2
                                    

Last chance" bulong ni Jean sa sarili .
"Oi ano binubulong-bulong mo dyan Jean"?
" may nasabi ba ako maria "?
"Opo may nasabi ka po"
"Ah! Wala to Maria, sige trabaho na tayo"

Si Maria ang bagong selbedora sa canteen lumaki na kasi ang pwesto kaya nagdagdag na ng tao ang may-ari. Kabago bago feeling close agad ?
Sinundan niya ito ng tingin lumapit ito sa dalawang lalaki nakikipaghuntuhan na naman sa mga lalaking ka-trabaho palibahasa maaga pa wala pa ang mga parokyano.
Sa unang tingin iispin mo mabait si Maria kasi un ang pinapapakita niya mapagkakatiwalaan, masipag, mabait kahit siya yun ang unang inakala pero nagkamali siya buti na lang bago pa siya magtiwala pinaalalahanan na siya kaagad ni Aling Nena pangalawang araw magmula ng pumasok si Maria.

"Jean ikaw ay mag iingat dyan kay Maria at naamoy ko ang lansa sa katawan niya"
"Ate naman ano pong pinagsasabi niyong malansa kay Maria?
"Ay! Basta ! ikaw ay mag ingat kong maari wag kang makwento sa kaniya "
"Sige po kong yan gusto mo"

Kaya ayan tuloy ilap siya kay Maria walang masamang sumunod sa nakakatanda lalo pa't sa mga paala-ala.

" Maria may customer oh'? Tama na muna yan " paano kasi nagkukwentuhan pa ang tatlo.
Lumingon si Maria sa kaniya at nakabunsangot ang mukha.. naglalakad ito papunta sa customer na bumulong bulong dangan at di niya marinig ang sinasabi nasa may pinto ng kusina ang tatlo at siya naman ay malayo sa tatlo.
Ang style kasi ng canteen ay semi-resto may sa labas na kumakain magkahanay meron naman sa loob. Pagpumasok galing labas makikita ang pasilyo ung pasilyo ay kwarto unang kwarto ay kaniya "cashier room
Pangalawa ang stock room andito nakalagay ang mga dry materials
Pang tatlo na kwarto ang pinakamalaki ay kusina nakapaloob din sa kusina ang maliit na kwarto ni Aling Nena. May dalawang tagapag luto si Aling Nena pero kadalasan ay si Aling Nena pa din ang personal na nag-aasikaso sa mga kumakain.
"Drew"?
Kaagad namang lumapit ang tinawag
"Ano binubulong- bulong ni Maria "?
"Ah wala naman po ate Jean"
"Sure"?
"Yes po".
"Okay sabi mo yan ha, sige Drew pwedi ka nang bumalik sa work mo".
-
-
-
Mag aalas dose na ng gabi ilang oras na lang uwian na... may mangilan ngilan pang kumakain "Drew wag ka na tumanggap ng parokyano ha! mag-ka-cash-out na ako" tumango naman ito
"Jean ikaw na bahala dito mauuna na ako"
"Sige po Aling Nena, ingat sa pag uwi"

Nauunang umuwi si Aling Nena, nasa tapat lang ang bahay nito siya naman ay tatlong bahay ang layo kay Aling Nena. Pero umiikot silang dalawa ni Aling Nena para iligaw ang mga tao. Yun ang turo sa kaniya ni Aling Nena. Siya naman pag matapos magbilang iiwanan niya ang pera sa secret vault na silang dalawa ni Aling Nena ang nakakaalam sa sekretong numero tapos ay uuwi na din siya. Si Mike, Drew, at Maria na ang bahala sa paglilinis at pagsasara ng canteen.

"Ay natapos din' sabay masahe sa batok niya. Tumayo siya bitbit ang kahon ng pera liliko na sana siya pero napatigil siya
" alam mo Drew yang si Jean feeling may ari ng canteen na to"
boses ni Maria
"Pinagkakatiwalaan siya ni Aling Nena,saka magaling si Jean sa pera dati maliit lang tong canteen isang buwan lang ng umupo si Jean sa kaha lumaki na ang canteen kaya ganon ang tiwala ni Aling Nena sa kaniya".
boses naman ni Andrew

Ang mga loko habang si Mike busy sa paglilinis tong 2 nagchechesmisan lang patungkol sa kaniya
Sa lahat ba naman kasi ng pagchechesmisan dito pa sa pasilyo alam naman nilang papasok ako ng ganitong oras.
Haist..

Kipkip ang kahon ng pera ay taas noo siyang naglakad malapit sa dalawa
Namutla naman ang dalawa pagkakita sa kaniya
"Sa susunod wag kayo dito mag chesmisan ng di naririnig, Drew si Mike tulongan mo doon" kaagad niyang tinulak ang pinto papasok.

Mukha yatang nagpasok ng isang ANAY si Aling Nena sa canteen.
Matapos mag inventory sa kinitang pera ay nilagay niya kaagad sa vault ang pera. Pinatay niya ang ilaw at nilock ang pribadong silid.

"Mike mauna na ako sa inyo. "
"Ingat Jean" wika ni Mike pero si Drew nakayuko lang pahiya siguro

-
-
-

mabilis lumipas ang mga araw trabaho sa umaga hangang gabi.
Tulog- pasok trabaho yun ang life cycle habang nag aantay ng sahod
Kong sasahod naman naka abang si bill
Bill tubig
Bill kuryente
Bill bahay
Bill utang tindahan
Di pa siya nakakapag abot ng pera sa nanay at kapatid.
Sakit sa ulo
Naitanong niya tuloy sa sarili kong makakapag ipon pa siya para sa anak niya ne di pa nga siya nakakapunta sa doktor.
Di niya alam kong kilan makakapagtrabaho si Darren panay to call you after ng interview.
Yong gamit nila noon ganoon pa din di nadagdagan mag ta-tatlong buwan na sila dito sa Manila.

Hay Dyosko kong pagsubok man ito sana makayanan ko
-
-
-

"Darren kumusta ang apply "?
Himala naabutan niya pa itong gising
"Natanggap na ako Jean at magsisimula na ako bukas' kitang kita niyang natutuwa si Darren maging siya labis na natuwa
"talaga ?
"Oo Jean matutulongan na kita sa gastosin"
Napaiyak na talaga siya malaking kagaanan iyon para sa kaniya.
"Magsisipag ako para sa anak natin," niyakap siya nito..
"Pabaon muna"
"Ang harot mo baka maging kambal anak natin"
"Isa lang yan, ang liit mo nga mag buntis e"
"Oo sabi nila ganoon talaga pag first time magbuntis"
"Ganoon ba ?
"Ay nako saan na naman yang kamay mo "
"Sabi kasi pabaon saglit lang miss ko na ito e"

Tanong may choice pa ba siya? Hay Darren pagdating talaga sayo para akong de susi sunod-sunuran sayo.

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon