Ang pag aasawa
Ang pag aasawa ay di isang kaning mainit na pag napaso ay iluluwa at pag malamig na'y isusubo ulit
-
-
-Location: sa munting sala na gawa sa nipa
Yari ng bahay: gawa sa kahoy
Status: payak na pamumuhay-
-
-"Pero anak ang bata mo pa"
" e nay! sa panahon natin ngayon tangap na ang edad kong ito, tweenty- one na po ako Inay' mayroon nga pong nag aasawa ng 17 pa lang e, nasa tamang edad na po ako Inay"
Nakatingin ito sa kaniya wari ba'y inaarok ang kaniyang isip at damdamin
"Pero anak, paano mga pangarap mo? Kala ko ba gusto mo makapag college?
Oo nga pala, 2nd year college lang siya. Gusto niya makapag ipon para makapag aral ulit pero mukhang hangang 2nd year lang siya.
She gulped. Guilt- pangako niya sa nanay niya na aahon sila sa hirap pero iba na kasi noon at ngayon.."Nay, please? Nag puppy eyes pa siya alam niya kasing effective ito sa nanay niya. Pag ginamit na niya ang "magic puppy eyes" sure ng Oo ang kasunod.
"Nak, ni di ka nga marunong magluto, tapos mag aasawa ka pa"
Ouch medyo na hurt siya sa sinabi ni nanay
"Nay!napag-aaralan ang gawaing bahay, saka nangako naman si Darren na may kasama kami sa bahay pag mag asawa na kami"
"O e saan si Darren ngayon , bakit ikaw ang nagpapaalam sa akin ngayon "?
"Parating na po yun Inay na traffic lang po sa trabaho"
-
-
-
Di siya mapakali kaya tong rc na lang pinagtripan niya laklakin dyahi kasi di nagsasalita ang nanay.
" saka ayaw mo po ba yun? Kami ni Darren din pala ang magkakatuluyan,"
Kinikilig pa siya nito " ang advantage ay matagal mo na po siyang kilala, kaya nakakasiguro po akong walang magiging problema kasi matagal mo niyo na pong nakaliskisan si Darren""Anak, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"
"Opo Inay",
Nakita niyang may pag-aalin-langan sa mukha ng nanay pero binalewala niya ito mas nanaig sa kaniya ang kasiyahan na sa wakas ay makakasama na niya si Darren."Kong yun ang iyong ninanais hari nawa'y maging masaya ka sa iyong desisyon"
Sa labis na kagalakan ay napayakap siya sa kaniya Inay.
"Salamat ng marami Nanay, ko the best nanay in the world ka talaga""Hep!wag muna magpakasaya at ako'y may isang kondisyon"
"Ano po yun Inay"?
"ayaw ko magpakasal kayo,"
Natigilan siya, di ba lahat ng mga mothers gusto ikasal ang kanilang anak kasi karangalan ng pamilya ang maikasal lalo sa parte ng babae.
"Pero Nay"
Tinaas nito ang kamay tanda ng pagpapatahimik sa kaniya "Yun ang gusto ko, sinunod ko ang gusto mo ikaw naman ang sumunod sa gusto ko, balang araw maiintindihan mo din ako Hazel Jean"Okay quite na siya pag ganitong Hazel Jean na ang binabangit ng nanay niya.
Tenex naman niya kaagad si Darren na wag na lang mamanhikan ngayon since ayaw naman ng nanay niya na maikasal siya kay Darren.
-
-
-"Tao po! .. Jean"?
Kaagad siyang napatakbo sa pintuan para pagbuksan ang kasintahan.
"Lika tuloy ka" tiningnan niya ang kasintahan naka simpleng tshirt sa pang -taas at pantalong maong naman pangbaba at rubber shoes pang-paa
Tumuloy nga si Darren sa loob ng bahay
" ang nanay mo Jean"? pagkaupo nito" nasa kwarto, kakapasok lang "
" nakakapagtaka naman ang gusto ng nanay mo Jean, bakit ayaw ba ng nanay mo sa akin"?
Di siya makasagot tiningnan niya si Darren sa mata halos 2 taon na din sila magkasintahan at sa dalawang taon na yun wala naman siyang napansin na ayaw ng nanay niya kay Darren
"A,e baka nabigla lang Darren hayaan mo na muna yun, saka kulang pa pera natin pangkasal di ba "?" e magbibinta ako ng baboy, may tatlong baboy si tatay ibibinta natin"
"Darren, nakalimutan mo na ba bakit tayo magpapakasal"? Sabay himas niya sa kaniyang tyan
" oo nga pala! Malapit na pala ako maging tatay" bakas sa mukha nito ang kaligayahan
" nasabi mo na ba kay na-nanay "
" di pa nga e !"
"E bakit?"
" kasi baka mabigla siya, isa-isa lang naman pwedi"?
"Ganoon ba "? e paano?ano gagawin mo dyan sa magiging anak natin"?
"Doon kaya muna tayo sa Manila Darren, di pa naman kalakihan tong tyan ko for sure makakapagtrabaho pa ako ng ilang buwan e di may ipon tayo"" o sige kong yan ang gusto mo"
"basta walang iwanan, tulongan okay"?
" oo dalawa tayo sa laban na to kasama ang baby natin"He felt his lips kiss on her forehead
Tunay ngang mahal siya ni Darren di siya pinabayaan lalo ngayong buntis pa siya kong sa iba ito malamang naglaho na ang lalaki pero iba si Darren mahal siya nito at kasama ng kaniyang anak bubuo sila ng kanilang pamilya..
At sisikapin niya di matutulad ang pamilya niya sa pamilyang kanalakhan.
-
-
-Ako nga pala si Hazel Jean Cuevas 21 years old siya naman ang aking Inay si nanay Carla, kong tatanungin niyo ako tungkol sa tatay ko ang maisasagot ko 'malay ko" kasi mula pagkabata di ko na nakita ang aking ama.
May 2 akong kapatid na lalaki pero lahat sila may kaniya-kaniya ng pamilya so technically kami lang ni nanay dalawa dito sa bahay, ay mali!magiging tatlo pala kasi magsasama na kami ni Darren ang aking lovey dovey.This is my life, my story
BINABASA MO ANG
The Mistress
ContoA story about an inocent girl travels abroad Bumps a man They click and get along decide to leave one roof And then one day there's this someone claim that the man she leaving with is the strangers husband . What she should do ? Fight? Or S...