[ MARLON’s POV ]
“Haaaay Marlon! Ang torpe mo talaga! Ilang buwan na lang kayong magkakasama!” Eto ang mga katagang aking binitawan habang nakaupo,
Nakatulala, Nakatanga, Kinakausap ko nanaman ang sarili ko “-_- Baliw? Hindi a! Nagmamahal lang ako! HAHA! Eh di ako na ang corny. :P
Bigla ko lang naramdaman na may paparating kaya napalingon ako at natulala sa’king nakita (O.o) (o.O) (O.O)
Ang mala-anghel na mukha ng aking Girlfriend.
Maputi, Maganda, Magaling, Sexy, Lahat na nasa kanya. Ang swerte ko talaga.. Nang biglang…
“Aray naman! Ang sakit nun ah!” Nasabi ko lang habang nakatingin pa sa kanya.
Binatukan pala ako ng loko. Ang galing naman talaga niya noh?
“Alam mo ikaw best, baliw ka talaga! Natutulala sa tuwing kaharap mu ‘ko. Multo ba ‘ko? Nakakaasar kana e! Di ka naman ganyan dati ha!” Sabi niya na nakasimangot pa.
Bigla naman akong bumalik sa realidad. Best? Oo. Bestfriend ko pala siya. At hanggang doon na lang kami. :(
“Diba dapat alam mo na sagot dun?” Seryoso kong tanong at naglakad palayo sa kanya.
“H-hey! Wait. Ano? Di ko gets. Ang labo mo huh!” –Bulyaw niya at sumunod na sa’kin.
[ YANNA’s POV ]
Yun si Bestfriend. Nakaupo. Malalim ang iniisip.
“Hindi naman niya sinasabi kung anong problema niya. Ang weird huh.” Sabi ko habang lumalapit sa kanya.
Bigla siyang napalingon at ako naman nagulat sa naging reaksyon niya. Napatulala. Anong meron? Binatukan ko nga! Haha. Nasaktan siguro, nag-aray eh. HAHA! Ang BAD ko talaga.
“Alam mo ikaw best, baliw ka talaga! Natutulala sa tuwing kaharap mu ‘ko. Multo ba ‘ko? Nakakaasar kana e! Di ka naman ganyan dati ha!” Nasabi ko lang sa kanya.
“Diba dapat alam mo na sagot dun?” Eto yung tanong niya sa tanong ko. Aaah. Anggulo :/ Pinag-isip pa ako ng loko. Hay naku! Seriously, anong alam ko? Kadarating ko lang kaya. At wow ha! Nagwalk out pa ang mega bestfriend ko. HAHA! Wala akong nagawa kundi sundan siya.
“H-hey! Wait. Ano? Di ko gets. Ang labo mo huh!” Pero derecho lang talaga siya.
“Hmn. Best? Pahiram pala nung Notes mo ng 1st Subject.. Remember? Di ako nakaattend..” Sabi ko na hingal na hingal pa. Nagpahabol ang loko -_-
“Kaya nga po uuwi na, para maibigay na sayo Best.” -Marlon
“H m m n n. Yanna?” Mahina niyang tawag..
“Bakit Best?” Tanong ko.
“Yung kanina, kalimutan mo na yun.” Ang sabi lang niya.
“Ano yun?” Kunyare nakalimutan ko. HAHA.
“Nakalimutan mo na agad-agad!” Sabay gulo sa buhok at kurot sa pisngi ko.
“Oo na best. May paemote emote ka pang nalalaman. Naistorbo pa kita.” At nagtawanan na lang kami.
BINABASA MO ANG
I Fall for the First Time ;'>
Teen FictionA Story of a Girl Who Fall for the First Time.. What happened? #Take Time To Read :)