Gina's POV
Nakakainis na si Hannah, hindi man lang tumawag or magtext umabsent pa sya. Di ko tuloy alam kung asan sya ngayon o kaya ano na nangyare sa kanya. Oh no! Baka baka na-gang rape na sya o kaya hinold-up saka pinatay. Waaaaah ayoko na mag-isip, kawawa naman si bestie ko!! Huhuhu
Isa pa itong si Bryan, ang kulit kulit sinabi ko na ngang di ko alam kung nasan si best eh pero wow si Bryan effort na effort sya sa paghahanap kay best. Inikot nya buong school to think na ang lawak lawak ng university and umabsent pa sya makita lang si best. Humingi pa ng favor sa akin na tulungan ko syang magprepare para ng surprise kay best. At infairness ang sweet din nya kanina paglabas ko ng room ng sa first subject namin, nagaabang sya with matching marigold, chocolates and sign board na may sulat na "I'm Sorry Babsy I love you!" Sayang nga lang wala si best at hindi nya nakita ang effort ng Boyfriend nya.
Actually ngayon ko lang nakita na ganyan yan kay Best, dati kasi simpleng sorry lang tapos okay na sila pero malay ko diba kung may secret moves din palang ginagawa si Bryan para mapatawad sya ni Hannah.
Naglalakad ako papunta sa next subject ko ng makita ko yung crush ni Hannah, mukhang nagmamadaling makaalis. Nilapitan ko kasi sya ang naghatid kay Hannah kagabi, nakita ko eh nung pabalik na ako sa table namin that night.
"Hello Dylin."
"Ahh hello?"
"I'm Gina, bestfriend ni Hannah Oliveros."
"Ohh okay. Sensya ka na ha di kasi kita nakilala noong acoustic night. Hehe"
"Okay lang, so ikaw naghatid kay Hannah diba? Asan na sya? Saan mo sya dinala? Di kasi umuwi kagabi sa dorm eh."
"Yeah, nasa kwan.. ahh nasa condo ko sya. I'm sorry pero nagmamadali na kasi ako ehh malelate na kasi ako sa last subject ko."
"Uy wait! Saan banda yung condo mo?" Sinigawan ko na sya nung nakalayo na sya, eh kaso waley di na ako sinagot at nagtatakbo na.
Tsk! Perwisyo ka talagang bruha ka! Hahanapin ko na lang mamaya si Hannah after class.
~ ~ ~
Bryan's POV
Effort. Yan ang mahirap ibigay lalo na't hindi ako ang tipo ng taong mageeffort ng sobra para lang sa girlfriend ko, pero iba si Hannah sa lahat ng naging girlfriend ko kaya labis akong nageeffort para sa kanya. Nasayang nga lang kanina sa labas ng classroom nila, buong akala ko pumasok sya. Tumambay ako sa labas ng room nila dala dala ang pabirito nya bulaklak at pagkain hanggang sa matapos ang first subject nila pero wala akong nakitang Hannah tanging si Gina lang. Pati ba naman sa school ayaw nya akong makita? Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko na hindi ko naman ginawa?
Nag-away kasi kami nung isang araw dahil inakala nya Na nakikipaghalikan ako kay Cindy na Vice president ng SC at lagi din nyang pinagseselosan dahil lagi kaming magkasama. Malamang ako ang President ng SC at talagang magkasama kami lalo na't foundation day ng University maraming activities na kailangang gawin at bantayan.
Siguro nga hanggang ngayon di pa rin nya ako mapatawad sa kasalanan ko noon limang taon na ang nakararaan na sisingsisi ako na ginawa ko yun. Pilit kong bumabawi sa kanya at pinapatunayang nagbago na ako, lagi ko ding pinapadama sa kanya na mahal na mahal ko sya pero feeling ko kulang pa rin sa kanya upang paghinalaan ako.
Sakit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon, ilang araw ko din syang di natext dahil sobrang busy ako pero I find time pa din para hanapin sya at ipaalam na nasnatch ang phone ko kaso sadlife ang hirap nyang hagilapin hanggang sa nakita ko sya kagabi. Nakainom na ako nun dahil sa pinaghalong iba't ibang emosyon, nasasaktan ako at nalulungkot sa kaalamang di pa rin nya ako kayang pagkatiwalaan na sya lang. Kaya nang makita ko sya kagabi pinuntahan ko agad para kausapin kaso putsa may ibang kausap na lalake kaya dali-dali ko syang nilapitan at hinawakan, ang sakit at lungkot na nararamdaman ko nadagdagan ng galit at selos sa lalakeng kausap ni Hannah kaya napahigpit ang hawak ko sa kanya.
Parang isang bombang sumabog sa mukha ko kagabi na ayaw man lang nya akong kausapin at hawakan sya maski ang ihatid sya, ang sakit sobra at sa lalake pang yun nya talaga gusto magpahatid para lang maiwasan ako.
Sumakay na ako sa kotse ko at itutuloy sana ang paghahanap ko nang may marinig kong dalawang taong naguusap na binabanggit ang pangalang Hannah.
"Pre, balita ko hinahanap yung Hannah ng boyfriend nya. Diba ikaw ang naghatid kagabi? Tapos narinig ko wala daw sya kagabi sa dorm nila."
Teka si Paul yun ah, magkakilala sila ng lalakeng yan? Nasabi ko pala sa kanya yung nangyari kagabi pero di ko inaasahan na magkakilala sila.
"Oo ako naghatid. Teka paano mo nalaman na ako naghatid? Wala ka naman sa acoustic night kagabi ah."
"Oo wala ako sa event kagabi pero nasa parking lot lang ako kaya nakita ko kayo may kahalikang chicks, alam mo na hahaha"
"Tsk! Ang dakilang playboy ng campus! Magbago ka na Dre wala naman paghahantungan yang ginagawa mo."
"Masaya kaya bakit di mo itry, hahaha! Nga pala night's out tayo mamaya sa condo mo magdadala ako ng maraming chicks."
"Gago! Haha wag sa condo, sayo na lang. Puntahan na lang kita sa condo mo tutal kapitbahay lang naman tayo."
"Sige sige, ilang chicks gusto m---"
Hindi ko na pinakinggan yung pinagusapan pa nila dahil pinaharurut ko na yung sasakyan ko, malamang nasa condo nung lalake na yun si Hannah, good thing alam ko kung saan ang condo ni Paul.
Susunduin ko sya at hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat mapatawad nya lang ako at makita nyang nagbago na ako para sa kanya.
Hindi kita susukuan mahal ko, patuloy ko ipaparamdam sayo na ikaw lang at wala nang iba. And I will be forever yours.
~ ~ ~
Bryan's pic :)
BINABASA MO ANG
Love Don't Die Easy
RomanceDoes love die easy? Love will die easily kung gugustuhin natin. Kontrolado natin ang buong pagkatao natin, ang isipan at ang puso. Kung desidido walang hndi kayang gawin kaya ang pagmamahal nawawala din yan agad kung desidido kang mawala at kung gug...