Hannah's POV
Sigh! Wala na naman syang text, di man lang mageffort at humingi ng sorry. Festival pa man din ng school wala tuloy akong kasamang magiko't-ikot. Yung bestfriend ko naman kasama yung boyfriend nya and speaking of the devil. Natatanaw ko na sya papalapit sa pwesto ko.
"Hannah! Bestfriend! Punta tayo mamaya sa acoutic night. Andun si my loves at tutugtug sya mamaya para sa akin! Oww! So sweet talaga nya diba bestfriend?!"
Problemado na nga ako ang ingay-ingay pa nya, BTW sya pala si Regina Colein Dimaguiba ang Bestfriend ko since elementary. Naku! Kung di ko lang bestfriend ito nilayasan ko na para pagkamalan syang baliw. Hahaha!
Acoustic night pala ngayong gabi, every year kasi namin sinusubaybayan ni Gina at every year din kaming magkasama ni Bryan para pumunta together with Gina. Kaso ngayon wala ako sa mood pumunta kasi naman di man lang magparamdam si Bryan sa akin.
"Ayoko, kayo na lang ng " my loves" mo, tinatamad ako pumunta"
"Wow! Since when? Eh halos iwan mo na nga ako last year dahil ayaw mo malate kahit 1 hour before magstart pa lang ng event. Ahhh! Porket nag-away lang kayo ng pinakamamahal mong boyfriend eh ayaw mo na akong samahan? Sige ganyan ka naman ehh BESTFRIEND."
"Hindi naman sa ganun Gina. Naiinis kasi ako kaya wala ako sa mood. Hindi man lang kasi magtext kahit " h" lang sana."
"Hayaan mo nga sya kung ayaw nyang lumapit. Tanga ka talaga! Niloloko ka na nga oh harap harapan, pero ayan ka at naghihintay pa rin ng sorry at tatanggapin ULIT sya! Magising ka babae!"
Natahimik na lang ako sa sinabi nya kasi totoo naman. Ilang beses na nangyari ang ganitong scene pero lagi ko din naman sya pinapatawad at bumabalik sa kanya. Haaay! Kasi naman si Bryan di pa tumino para di ako nasasabon ehh.
"Eh alam mo naman ang reason diba at wala dapat makaalam nun. Naintindihan mo naman ako diba?"
"Naintindihan naman kita pero hahayaan mo na lang ang iisipin sayo ng ibang tao? Grabe bestfriend ikaw na! Ikaw na MARTYR! Hay naku, sasamahan mo ako mamaya wether you like it or not at kalimutan mo muna sya for this night please bestfriend para sa akin."
Pumayag na lang din ako sa gusto ni Gina, wala din naman akong choice at kukulitin lang nya ako. Ako nga pala si Hannah Mariena Oliveros, isang 3rd year Social Work student. Perfect girl ang description sa akin ng karamihan pero sayang daw ako dahil nagpapaloko ako sa isang playboy, hindi naman kasi nila alam ang dahilan. Si Bryan Lopez ang Boyfriend ko since 1st year college, same department kami pero magkaibang block lagi. Madalas may naririnig akong may kaharutan sya sa lahat ng naging block nya pero binabalewala ko lang yun, minsan nga nahuli ko syang may kayakap at ngayon nakita kong may hinalikan sya sa pisngi malapit sa bibig. Marami din naman akong kaibigan kaso isa lang tinuturing kong tunay sa kanila, si Gina lang.
~ ~ ~ ~
Andito na kami ni Gina sa quadrangle naghihintay sa pagkanta ni Jerry, nakapwesto kami sa bar booth at medyo nakainom na ako, actually kaming dalawa ni Gina kaya clingy na naman ang bestfriend ko sa boyfriend nya. Hanggang ngayon wala pa din text si Bry, naiinis na talaga ako sa kanya bahala na sya at magpapakasaya na lang ako ngayon gabi.
Ang ganda ng tugtug, Lego house by Ed Sheeran yung favorite ko. Medyo tipsy na ako at nakaupo na lang habang hinihintay ko si Gina, umalis kasi pinuntahan yung boylet nya sa backstage. I-enjoy ko muna yung music.
BINABASA MO ANG
Love Don't Die Easy
Roman d'amourDoes love die easy? Love will die easily kung gugustuhin natin. Kontrolado natin ang buong pagkatao natin, ang isipan at ang puso. Kung desidido walang hndi kayang gawin kaya ang pagmamahal nawawala din yan agad kung desidido kang mawala at kung gug...