Kian
"Kian! Wake up, you're going to be late!"
Tinakpan ko yung mukha ko ng unan. Ang ingay ingay! Kita nang natutulog yung tao eh.
"Kian! If you won't wake up, I'll call your Dad."
"Ugh. Shoo!"
Tumayo na lang ako sa kama at tinulak siya palabas ng kwarto ko. Talagang pinam-blackmail pa talaga si Dad. Tss.
Naligo na lang ako at nagbihis bago bumaba. Nakita kong nakakunot ang noo ni Chloe habang nakatingin sa akin pababa ng hagdan. Tss. Ang panget niya kahit kelan.
"What do you think you're wearing?" Tanong niya sakin ng nakataas ang kilay at nakapamewang.
"Clothes." Sarcastic kong sagot.
She just rolled her eyes and went her way to the kitchen. Umupo na lang ako sa sofa at nakinig ng music with my earphones. Music really cools up my head, especially at times when I see this ugly brat. A super ugly brat.
Minsan, gusto ko na lang siyang ipasalvage para hindi ko na talaga makita ang pagmumukha niya. Hindi lang pala minsan, madalas pala.
Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko pero di ko na lang siya pinansin. I used the effect of my earphones, para kunwari di ko siya naririnig.
Pero tinggal niya ang mga earphones sa tenga ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"What is your problem?"
"Aren't you going to eat breakfast?"
"I'm not hungry." Sinalpak ko ulit ang earphones sa tenga ko pero tinggal niya ulit ang mga yon.
"Not hungry? Eh ni hindi ka nga kumain ng dinner eh. Sige ka, kapag hindi ka nag-eat isusumbong kita sa Dad mo." Binantaan niya pa ako na tatawagan nga si Dad habang hawak hawak ang cellphone niya.
"Tss." Tumayo na lang ako at tamad na naglakad papuntang dining table.
Umupo na lang ako at napangalumbaba sa lamesa. Umupo naman siya sa harap ko at ngiting ngiti habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
Tinatamad kong kinuha ang kutsara at kumuha ng pagkain. Isusubo ko na sana yon ng marinig ko siyang magsalita.
"Masarap yan! Ako nagluto eh."
Nilapag ko ang kutasara at tumayo. "Di na ako kakain. Baka malason pa ako eh."
"Grabe ka talaga Kian, ang bad bad mo! Isusumbong talaga kita kay Dad." Ha?! Dad niya na rin si Dad? Tss. Feelingera.
"Edi isumbong mo samahan pa kita eh. Tss." Naglakad na lang ako palabas ng apartment ko at dumiretso papuntang elevator. I need to leave this place. May feelingerang ugly brat kasi akong kasama.
"Kian! Don't leave me!"
Mas lalo kong binilisan ang paglakad at nakarating na agad ako ng elevator. Buti na lang at walang taong nakasakay kaya nakapasok agad ako sa loob.
Unti unting nagsasara ang elevator kaya hindi na siya nakapasok sa loob at nasundan ako.
"KIAN!"
Nagsara na ng tuluyan ang pintuan at natatawa ako sa loob habang ini-imagine ang expression ng mukha ni Chloe na naglulupasay at namumula na sa inis. One hundred for Kian, zero for Chloe.
Pumasok ako sa sasakyan ko at pinaharurot yon papunta sa favorite place ko. Ang lugar kung saan natatanaw ko ang buong syudad mula sa taas.
BINABASA MO ANG
Living With A Palengkera
Hài hướcSi Kian Mendrez, isang cold-hearted guy. Wala siyang puso, masama ugali. Kampon ni Satanas. Makikilala niya si Mikai Andreda, si Ms. Palengkera. Maingay, feeling close ngunit mabuting bata. Paano kung isang araw magkasama sila sa iisang bahay? Cool...