(6) BTS pag Humugot
Nagpapahinga ang bangtan dahil kakatapos lang nilang magpractice.
Taehyung: Grabe! Nakakapagod.
Jungkook: Hindi kaya.
Hoseok: Woah, ibang klase ka naman kung di ka napagod.
Jungkook: Hindi naman, sadyang sanay na akong mapagod.
Hoseok: -_-
Jin: Guys nakita niyo ba yung towel ko? Dito ko lang iniwan yun eh.
Jimin: Ayan. Iniwan mo eh, tapos ngayon hahanap hanapin mo? Iniwan mo tapos babalik balikan mo?
Jin: Punyemas pandak! Towel lang hinahanap ko, towel!
Yoongi: Gusto mo? (inaalok ni yoongi ng tubig si taehyung)
Taehyung: Gusto ko? Oo gusto ko!!! Gusto ko! Gusto ko siya pero ano? Gusto niya ba ko? Hinde!!
Yoongi: Wag kang sumigaw!!!
Namjoon: Ilong, pahiram nga ng phone.
Jungkook: Oh eto.
Jin: Jungkook, pahiram ng phone.
Hoseok: Taghirap ba kayo sa phone?
Jungkook: Ay hyung, nakay Namjoon eh.
Jin: Ay ganun ba? Sige wag nalang.
Bigla namang dumating si Namjoon galing ng banyo. Kaya niya kasi hiniram ang phone ni Jungkook ay dahil maglalaro siya ng games habang naglalabas ng sama ng loob sa c.r.
Namjoon: Jungkook, I have something to say.
Jungkook: Ano hyung? Success?
Namjoon: Yeah. Pero sorry, nasira ko phone mo. Nahulog sa toilet bowl.
Jungkook: WHAAAAAAT???!!!!
Namjoon: I'm sorry. I didn't--
Jungkook: Nahulog pero hindi mo man lang sinalo? Ganyan naman kayo eh!!! Nung ako nahulog sa kanya, hindi din ako sinalo!! Ganyan kayo!
Yoongi: Tsk tsk, sayang naman phone ni ilong.
Jimin: Sayang? Lahat talaga nasasayang pag hindi iningatan.
Yoongi: Punyatera makapaglaba na nga lang ng bandana ko.
Hoseok: Bakit parang naiiyak ako? Ang sakit ng mata ko.
Jin: Naghihiwa ako ng sibuyas. Magluluto na ako ng dinner.
Taehyung: Masakit? Yung mata mo masakit? At least nga ikaw mata lang, eh ako--
Jin: PAG HINDI KA TUMIGIL SA KAKAHUGOT MO ISASAKSAK KO 'TONG KUTSILYO SA PUSO MO PARA MAS DAMA MO YUNG SAKIT NA SINASABI MO!!!
Taehyung: Grabe ka naman sakin hyung. Sabi ko nga tatahimik na ko eh.
——————————————
Ayan hugot pa alien!! Hahaha lagot ka kay eomma Jin! Hehehe
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios
HumorAng susunod na eksena ay RATED SPG. May maaaring maseselang Tema, Lengwahe, Karahasan, Sexual, Horror o Droga na hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng Bangtan ang kailangan.