(7) BTS pag Humugot Part Two

63 6 5
                                    

(7) BTS pag Humugot Part Two

SA TINDAHAN NI MANONG JIMIN

Jungkook: Kuya, magkano sa kape?

Jimin: Kape?

Jungkook: Bingi po kayo?!

Jimin: Ay hindi po. Anong kape po ang gusto niyo?

Jungkook: Yung matapang po. Yung matapang na kaya akong ipaglaban.

Jimin: Ah eh kaagang hugot naman niyan. Oh eto, kopiko.

Jungkook: Ay wag na, nakakahiya naman.

Jimin: Ha?

Jungkook: Kape mo yan eh, tapos ibibigay mo pa sakin.

Jimin: Ayy hindi, KOPIKO po. Brand po ng kape iyon.

Jungkook: Ah ganun ba, sige salamat po. *sabay alis*

Jimin: Ang laki naman ng ilong nun, malaki din kaya ang ano niya.....
.
.
.
.
.
.
paa? hehehe

Taehyung: Pabili!

Jimin: Ano yun?

Taehyung: Sampung stick-o nga.

Jimin: Oh eto.

Taehyung: Eto po bayad. *sabay abot ng isang libo*

Jimin: Utang na loob, sampung stick-o lang ang binili mo tapos isang libo 'tong bayad mo? Wala akong panukli!

Taehyung: Wala kang panukli? Sobra na nga ang ibinigay ko! Sobrang sobra na! Tapos hindi mo man lang masuklian gaya ng puso kong hindi man lang masuklian ng pagmamahal niya!!! *sabay walkout*

Jimin: T-teka yung isang libo mo. Hay nako bakit ba puro hugot ang mga tao ngayon? Dibale na, dagdag din sa kita ko 'to hehehe.

Namjoon: Pabili nga

Jimin: Ano iyon?

Namjoon: Strawberry jam

Jimin: Ay wala po kami nun.

Namjoon: Sige, ube jam nalang

Jimin: Wala rin

Namjoon: Eh pineapple jam?

Jimin: WALA!

Namjoon: What the-- YOU GOT NO JAMS!!! *sabay alis*

Jimin: Lecheng yun ako pa sinigawan! Mukha bang nagtitinda ako ng jams?!!

Yoongi: Pabili boss

Jimin: Ano!!! (medyo badtrip na si chimchim)

Yoongi: easy bro, ngayon lang ako nakakita ng tinderong nagagalit pag may bumibili sa kanya.

Jimin: Ay sorry hehehe ikaw pala yan, ano sayo?

Yoongi: Isang sweg toothpaste nga, tsaka sweg shampoo, at tsaka sweg gluta.

Jimin: Putahamnidang buhay 'to. Kailan pa nagkaroon ng SWEG PRODUCT? Wala kami nun!!!

Yoongi: Wala? Tss, lagi namang wala. Lagi nalang walang chance!! Wala na nga akong pagasa sa kanya, pati ba naman dito, WALA?!!

Jimin: Bes kailan yung huling araw na nagtoothbrush ka?

Yoongi: Last month pa.

Jimin: Putahamnida kaya pala halos mamatay ako sa hininga mo!

Yoongi: EH WALA AKONG MABILING SWEG TOOTHPASTE EH!!! *nagwalkout si gilagid*

Jimin: Siya pa galit? Ako nga yung halos mamatay na dito sa baho.

Hoseok: Pabili (wala sa sariling sabi ni Hoseok)

Jimin: Ano?

Hoseok: Isang love, chance, loyalty, at trust.

Jimin: Ha?

Hoseok: Baka kasi sakaling dito ko matagpuan yung mga bagay na hindi niya kayang ibigay sakin.

Jimin: Kapit lang, kaya mo yan. Wag kang susuko!!!

Hoseok: Salamat po *sabay alis*

Jimin: PURO HUGOT AH, AKO NAIINIS NA HA. PAG MAY HUMUGOT PA TALAGA TUTUTUKAN KO NA NG ESPADA KO!!!

(otor: tara hugot tayo para makita natin ang espada ni chimchim >:D)

Jin: Pabili nga.

Jimin: ANO IYON?!!

Jin: Galit ka po?

Jimin: Hindi. Nagtatanong lang ako. Ano yung bibilhin mo?

Jin: Isa nga pong whisper with wings, yung tipong hindi ako--

Jimin: ANO HUHUGOT KA HA?!!!!!! *sabay labas ng espada*

Jin: Ay ay hindi ho, pabili lang ng whisper sabi ko yung tipong hindi ako matatagusan!!!!!

Jimin: -_-

————————————————

Annyeong guys!! Bangag ako ngayon so nakapag-update ako hehehe ^_^

Sino nakapunta ng EPILOGUE in Manila? ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon