Chapter 2 ( Her memories)

21 1 0
                                    


        Chapter 2 ( Her memories)

      Yxhien's POV

         Nang maimulat ko ang aking mga mata doon ko namalayan ang ibang klase ng aking mga nararamdaman. Parang may mga malakas na uri ng inerhiya na nasa loob mismo ng aking katawan.

      Bumagon ako at pumunta sa banyo naligo at nagbihis nalang ako para bisitahin ang mga kaibigan ko. Napaupo ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Unting unting bumabalik ang mga ala alang itinakwil ko na dati. Ang unang nagflashback sa akin ay ang mga batang masayang naglalaro sa play ground ng isang school at ito iyon Imortal and Powerful Academy. Kasama ko rito ang limang batang babae at anim na batang lalaki. They called me Infinity Wings dahil ito ang binanggit ng magulang ko para iwas daw sa mga kalaban. Minsan naitanong ko noon,bakit hindi Hitome ang dala kong family name noon? It was the boy birthday ng bumisita kami sa isang palasyo. Hindi ko maalala ang pangalan dahil isa lang akong hamak na bata. And the party started ng biglang nagkagulo ang buong tao. Doon ko nakita ang mga tauhan ng mga magulang ko na nakapalibot sa amin. Itinakas nila ako habang umiiyak sa mga nakikita. Hinabol kami ng mga Dark Warriors at nilabanan sila ni dad at mom.

     "Give me your Child!" Sigaw ng isang nakaitim na lalaki. Mas lalo akong hinawakan ni mommy at itinago sa likod niya.

     "Kahit kailan hinding hindi namin isusuko ang anak namin dahil amin siya at wala kang karapatan para kunin mo siya sa amin!" Sigaw ni mom habang napapapikit nalang ako. Anong kailangan nila sa akin?

    "Hahahaha! ( sabay labas nito ng itim na usok,napaubo nalang kami at nakita kong naglaban sila ni dad) Dahil siya lang ang susi para maging buo na uli ang namayapa kong mahal sa buhay. Ang dugo niya ang kailangan ko" napayakap ako kay mommy ng marinig ko ang sinabi niya. Buhay ko ang kapalit para sa buhay ng mahal niya? Nakita ko kung paano niya sinaksan si dad at biglang  uminit ang buong katawan ko, nakita kong napabitaw si mommy sa akin at isang iglap nakalapit na ako sa taong iyon at isinaksak ko rin ang patalim na nakuha ko sa likod ni mom kanina.

     "Akkkk! (Daing nito habang hawak ang kanyang tiyan) paanong nagawa mo ang pag-ataking iyon? (Habang pilit na tinatanggal ang patalim,) B-babalik ako para kunin ka " sabay nawala siya sa harapan namin.

    "Dad?" Sabay yakap ko sa kanya habang tumutulo na ang dugo nito. Lumapit narin si mommy at ginamot si dad dahil isa si mommy na biniyayaan ng healing power. Nang araw din iyon ay pumunta kami sa mundo ng mga Mortal at pinaniwala namin ang lahat na namatay ako sa isang accedent at nawawala ang mga magulang ko. Dahil narin sa kapangyarihan ni dad gumawa siya ng isang kagaya kong bata at walang buhay itong nasa harap ng palasyo namin.

      Kaya ng tumira kami dito ay buong pangalan kona ang ginamit. Bilang si Yxhien Infinity Hitome. Bilang isang normal na tao. It was my birthday ng sinabi ko kay dad na itatago ko ang ibang memories ko. Pero hindi ko namalayan na buong pagkatao pala ang naitakwil ko.

   Ang sinabi lang nila mommy sa akin dati kung bakit Infinity Wings ang dala dala kong pangalan sa Mundo namin ay para ingatan ang sarili ko. Hindi alam ng mga taong nakapalibot sa amin na Hitome ang family name ko at ang alam nila sa dad ko ay bilang si Dylan H. Walang karugtong kundi H lang. Pero mas pinakilala nila akong si Infinity Wings dahil barang araw daw mamumuhay akong kabaligtaran ng dati kong pagkatao. Dito sa Mortal kilala akong Yxhien Infinity Hitome at hindi ko lubos  akalaing iiwan ko rin ito balang araw.

     Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip ang posibling mangyari sa susunod na araw. Bumaba na ako at pumuntang kusina. Nakita ko si Mira ang alaga kong pusa, kulay puti ito at may tatlong buntot. Minsan iniisip ko kong normal lang ba talaga sa isang pusa ang may ganoong buntot. 

Immortal and Powerful Academy (The school of an extraordinary human)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon