PROLOGUE
Kasalukuyan kong binabagtas ang malawak na pasilyo ng aming paaralan at dala-dala ko ang makakapal na librong kakatapos ko lang basahin kagabi. Kahit hindi ko man tignan ay nararamdaman ko pa rin ang mapanuring tingin ng mga kamag-aral ko. Well, we can say that I'm famous, famous for being a nerd. Come on, I have no time to tie my hair and even brushing it is a waist of time because I'd rather review. Hindi ito dahil sa tamad ako kundi dahil sa may scholarship ako na iniingatan.
Dire-diretso lang ang lakad ko dahil kahit anong pang-iinis pa ang gawin ng iilan sa akin ay hindi sila nagtatagumpay kahit pa na banggain ako ng isang ito sa harap ng madla.
Kumawala ako ng mahinang daing nang may bumangga sa akin ng malakas kaya tumilapon ang aking mga libro. Hindi ko na binigyan ng atensyon ang bumangga sakin, sa halip ay mas inuna kong pinulot ang libro ko.
"Oh, You've got no manners Samson."
Sa dami ng mga inggitera sa mundo, hindi ko na matandaan kung sino 'tong sa harap ko.
"Said the one who don't have a common sense." sambit ko na sinadyang iparinig sa kanya. "Naglalakad yung tao, binangga ng sadya. Miss, I have this impression that you're not an elite student." I beamed bitchily and murmured the words I failed to hold back. "What a shame.'' then I strode in to my first class which made me regret for entertaining the bitch.
Dahil pagkapasok ko palang sa classroom ay bigla akong nilapitan ng aming class president.
"Bella, pinapasabi pala ng Dean na pumunta ka raw sa office niya after ng first class natin."
Right after my first class halted. Agad kong inayos ang aking mga gamit at mabilis na dumiretso sa kabilang building para pumunta sa Dean. And I already know what will happen, I'll get a detention for saying foul words to that filthy girl which I expected to spread the issue. I know that.
"Good morning, Dean." greeted by me, as formal as I could.
But a smile wasn't plastered on the dean's face. Sa halip ay tinuro niya ang silya sa harap ng kanyang lamesa. "Take your seat, Samson." anito sa malamig na boses.
At bago pa niya ako maunahan ay nagsalita na ako para magbigay ng paliwanag. "Alam kong may nakaaway na naman ako kanina at medyo naging masama ang tabas ng dila ko. Pasensya na po ma'am pero lumaban lang ako. Hin--"
"Nagkamali ka ng nilabanan, Bella Samson. How dare you say those words to my daughter?"
Nanlaki ang mata ko. Oh in Merlin's name, what have I done?
"A-ano? Naku maam, pasensya na. Hindi lang po talaga naging maganda ang araw ko ngayon.'' My system begun to panic dahil ngayon ko lang ito nakita na nagalit ng ganito. "K-kahit ano...kahit anong punnishment pa po yan maam, gagawin ko. Patawad..''
"It's too late. You've lost your scholarship and currently banned in St. Delacroix."
"Maam! Hindi po pwede...hindi." napaiyak na ako sa sinabi nito. Laking kawalan pag mawala ang scholarship ko. Ilang taon ko rin itong pinaghirapan at iningatan at hindi pwede na ngayong graduating na ako pa mawawala ang full scholarship ko. "Masyado naman po ata yung pagkawala ng scholarship ko Dean. P-please, I'll do detentions...any form of punishments---I'll do it! Nagmamakaawa po ako." nang hindi na ako makapagpigil ay lumuhod ako sa harapan niya. Yukong-yuko. "K-kung gusto niyo po luluhod ako sa harap ng anak niyo ngayon din sa barap ng maraming tao. Ibalik niyo lang po ang scholarship ko."
Pero nananatiling blangko ekspresyon nito sa akin. "My words are firm and clear, Samson. You may leave"
Hbang naghihintay ng masasakyan pauwi ay blangko lang ang isip ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa ito sasabihin kay mama. Sigurado na madi-disappoint ito sakin. Pero alam ko rin naman na maiintindihan niya ako, ang mahirap lang ay alam kong magdodoble-kayod pa lalo si mama para lang makapgtapos ako. At yun ang hindi ko gusto dahil medyo mahina na rin kasi ang katawan niya. But I've got no other option but to tell her. Kaya nang may dumaang taxi ay pumara ako para sumakay, walang jeep na masyadong nadaan sa school e.
Habang bumabyahe ay ramdam ko pa rin ang paghihinayang ko. Kung hindi lang sana ako ng tanga ngayong araw, scholar pa rin ako. At dahil siguro sa stress ay nakatulog ako.
....
Nagising ako na nakahiga sa napakalambot na kama—teka—teka. Malawak na silid. Madilim. Nag-aagaw ang kulay pula at itim sa buong silid. Hindi ito ang kwarto ko!
Nagising bigla ang ang inaantok kong sistema at nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"N-nasan ako?" tanong ko sa gitna ng dilim. Umaasa na biglang may sumagot pero wala.
Nakidnap ba ako? Umagos muli ang butil ng luha sa aking pisngi dahil sa takot. Gusto kong tumayo sa kamang kinauupuan ko ngayon, pero masyadong madilim kaya minabuti ko nalang ang manatili. At bigla nalang tumunog ang dahan-dahang pagbukas ng pinto tulad ng sa mga horror movies kaya napasiksik ako sa headboard ng kama dahil sa takot.
"Sino yan?" pero tulad kanina ay hindi ako sinagot ng kung sino. Gusto kong ipikit ang kaing mata para hindi makita ang katakot-takot na nilalang na maaring pumatay sa akin ngayon. Iba na talaga ang nararamadaman ko ngayon. Iba, na gusto kong tumili pero di ko magawa. "Kung sino ka man at bigla mo nalang ako kinidnap, maawa ka, nawalan na ako ng scholarship at wala kong pera dito. Wala ring panransom ang magulang ko kaya..k-kaya pakawalan niyo nalang ako, p..p-lease." sinubukan kong huwag mautal pero nanginginig ang bibig ko kaya hindi ko rin naiwasan lalo na't dinig na dinig ko ang papalapit nitong yabag na tumutunog bawat apak sa sahig. "Kahit patayin niyo pa ako masasayang lang ang effort niyo dahil dukha lang ako---"
"Silence." mas lalong nagsitayuan ang balahibo ko nang marinig ang malalim na boses na 'yun sa kadiliman. Nanginginig man ay dahan dahan kong sinundan kung saan nanggaling ang boses at, "Pleased to meet you, Ms. Bella Samson." nakita ko ang matangkad at itim na pigura ng lalake, isang metro ang layo sa akin. "or soon to be as Mrs. Bella Samson—Athamas."
Nanlamig ang katawan ko nang ang mga huling salitang iyon ay naibulong sa akin. P-paano nangyari? Malayo pa kanina ang boses na yun pero bigla ko nalang narinig sa tenga ko. At ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang mainit nitong hininga, dahilan para mas lalo akong mayelo. Para akong nakuryente, maramdaman lang ang mainit niyang hininga.
"Face me."muli ay bulong nito sakin. But this time, husky and alluring in ears. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang marahang pagdampi ng labi nito sa aking tenga."I said, face me." he sternly said, at nawala sa katinuan ang katawan ko bigla. Dahil naramdaman ko nalang dahan-dahan na akong gumagalaw para harapin ang nagmamay-ari ng baritonong bosesna ito sa likod na kadiliman.
Nanginginig ang labi ko sa takot at nang tuluyan ko nang masilayan ang buong mukha ng taong ito ay natulala ako, hindi dahil sa maputla nitong mukha. Kundi dahil sa mata nitong pulang-pula na nakatitig ng tagos hanggang kaluluwa. Kasabay ng pagsinghap ko ay biglang napunta ang aking paningin sa nakangisi nitong bibig at doon na ako tuluyang napasigaw nang aking makita ang magkapares na pangil.
"AAAAAHHH!"