touced

1 0 0
                                    


life is short. kagaya ko.

LOL.

ako nga pala si Madarie Aeon Avilla. 18, incoming college student. height : 4'11. Oo. 4'11. ganyan ako katangkad. kasi nung umulan ng katangkaran sumisid ako sa swimming pool ng kagandahan.

OK lang rin. bawing bawi naman sa ganda eh. Hindi Ko rin ikinahihiya na 4'11 lang ang height ko kasi magkasingtangkad lang kami ni Dr. Jose Rizal. di ba bonga? at tsaka kung si Jose Rizal nga na lalaki tapos ganito kaliit eh maraming nabihag ako pa kaya ? sa ganda Kong ito?

Pero Hindi ko naman gusto na marami ang magkagusto sa akin. Ok lang naman yung isa. yung kahit gaano ako kaliit eh ako parin ang napapansin niya. yung kahit ganito lang ako kalaki eh mahahanap nya parin ako. yung maliit nga ako pero malaki ang parte ko sa kanya.

kung sa Linya nga ang sinasabi "find your heights". kung sino yung maliit sila yung inuuna. gusto ko makahanap ng lalaking ako lagi and inuuna kasi nakakasawa na maging palaging pangalawa.

nakakasawa na maging second choice.

touchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon