first chapter

1 0 0
                                    

Nakakabingi ang hiyawang bumabalot sa buong gymnasium. summer ngayon at nanonod kami ng basketball, championship na kasi ng summer league at ang sabi nila ay maganda daw ang premyo, ten thousand pesos. as if Naman talagang malaking halaga iyon, if I know ipang-ji-jersey lang yang pera at ipang-ba-bar ng mga players.

"go legends!!! woohhh !!" sigaw ko.

"grabe ka naman makasigaw mada! hinay-hinay lang huy!" sabi ni Amery. half-sister ko siya. mas matanda lang sya sakin ng 3 months. anak sya sa labas sa girlfriend ni daddy bago siya nagpakasal kay mommy. iniwan sya ng mama nya nung 4 pa sya kasi daw may bago na daw itong asawa at hindi daw tanggap ang kapatid ko kaya binigay kay daddy.

"ano ka ba Amery! kita mong ang ingay na dito! syempre dapat mangibabaw talaga ang boses ko kahit maliit ako!" pasigaw kong sabi sabay talon. nakashoot kasi si Cris, best friend namin sya ni Amery Simula pagkabata.

hinila naman ako paupo ni Amery.

"mada ano ka ba! ikaw lang ang natayo! napaghahalataan ka ! hahaha"

ramdam ko and pagpula ng mukha ko. " anong napaghahalataan? masama na bang magcheer ng todo sa best friend ko!?"

"best friend natin! OK lang naman magcheer, wag ka lang tumayo. wala rin namang diperensya! hahaha"

"ang sama mo!" sabi ko sabay pout. tinawanan nya lang ako.

pagkatapos ng game ay pumunta na kami sa court ni Amery. sinalubong ko ng yakap si Cris.

"congratulations baby! and galing-galing mo! nka 36 points ka!" sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.

"syempre baby ako pa!" natatawa nyang sabi.

"ayan na naman kayo sa baby baby nyo! konti nalang talaga iisipin ko ng mag-on kayo!" sabi ni Amery.

baby kasi ang tawag ko kay Cris at ganun rin siya sakin. kaya walang nangliligaw sakin kasi akala nila kami. OK lang rin na walang nangliligaw sakin kasi isang tao lang naman ang gusto ko.

"imposobleng mangyari yan Amery! hahaha"

aray. nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko . kahit pala sa biro nalang imposible parin Cris? tumawa nalang rin ako.

"naku. Hindi natin alam" sabi Kong pabiro. ngumiti lang siya.

bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya kasi si Amery Naman na ang kausap niya. nag-uusap sila tungkol sa pag cecelebrate daw sa isang bar mamaya.

" sige na Amery... pumunta ka na mamaya.. isama mo si mada" kinukumbinsi niya si Amery na sumama sa isang exclusive na bar mamaya.

"ayoko. di naman kami pinapayagan mag bar ni daddy eh"

"eh bakit si mada nakakapagbar naman sya ah!" sabay tingin ni Cris sa akin.

"maliit kasi ako baby kaya madali ako nakakalusot" sabi ko.

"sabagay..." pagsang-ayon ni Cris. nagtawanan kami.

isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko sa pagiging maliit. madaling makatakas. madali kang nakakapagtago. maraming bagay ang pwede sayo. long live shorties! haha

pagkatapos ng ilang kulitan at hinatid na kami ni Cris sa aming sasakyan.

"basta mamaya ah?" sabi ni Cris sabay kaway at umalis na.

napapailing nalang si Amery sa kakulitan ni Cris. sinabi ng Hindi kami sasama...

pagdating namin sa bahay ay sinalubong kaagad kami ni daddy.

"where have you been? kanina ko pa kayo hinahanap! ni Hindi man lang kayo nagpaalam!"

"dad, nanood lang po kami ng basketball kasi championship po ngayon at team pa nila Cris and naglaro kaya po nanood kami" sabi ni Amery habang nakayuko.

tiningnan naman ako ni daddy

"ikaw na naman pasimuno nito no? ikaw na naman nagyaya sa kapatid mo?"

and here we go again! I just rolled my eyes.

"no dad! ako po yung--"

pinutol ko yung sasabihin ni Amery

"yes dad. pinilit ko si Amery because I just want to. now will you excuse me cause I'm tired" then I walk out.

naririnig ko pa yung sermon ni daddy habang paakyat ako pero hindi ko nalang pinansin. sanayan lang yan.

habang nakahiga ako ay biglang bumukas ang pinto. Hindi ko na nilingon kasi kilala ko na naman kung sino ang pumasok.

"pinagalitan ka ba? tsk. why do I even ask? its a no for sure." sabi ko sabay tawa.

"paano ako papagalitan eh inako mo na naman lahat. lahat nalang talaga ng akin gusto mo! pati ba naman kasalanan ko?!" madrama niyang sabi sabay tawa.

humiga siya katabi ko.

ganito kami palagi. lahat ng kasalanan niya inaako ko. ganun rin Naman kasi kung sya ang may Mali sa akin parin sinisisi. Siya naman, lahat ng gusto ko ginagawa niya. Ewan ko kung kailan to nag-umpisa at sino nagsimula pero ganito kaming magkapatid. ganito kami magpahalaga sa isa't-isa.

"baliw"

touchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon