Prologue

21 2 1
                                    


"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa harap, wala sa likod, pagbilang kong tatlo nakatago na kayo!" Tinanggal ko na ang panyo sa mukha ko at sinimulang hanapin sila.

Nakita ko si Mari na nagtatago sa likod ng puno.

"Boom Mari!" Halatang nagulat siya. Ang dali naman kasi niya makita eh.

Isa pa 'tong si Alexander eh, kitang-kita naman na nasa likod ng mga halaman.

"Boom Alex!" Hahaha, ang galing talaga ng mata ko.

"Ano ba yan, Cass!" Pagrereklamo ni Alex.

"Eh kasi naman yang buhok mo eh, hahaha" Nakasimangot pa rin mukha niya.

"Oh, tama na yan! Hanapin na natin sila!" Okay, bale si Denver at si Lorie nalang.

"Bilisan mo naman Cass, bagal bagal eh!" Hmph, bahala siya 'di kami bati.

"Wahh, Mari away ako!" Sa barkada namin si Mari lang naman ang close ko eh.

Kalilipat lang namin dito noong isang araw, si Mari ang kapitbahay namin kaya close kami. Inintroduce niya sakin yung barkada niya at naging magkaibigan na kami, except kay Alex kasi ang sama niya.

"Haha, okay lang yan Cassandra tinutukso ka lang nun." Nagsimula na kaming hanapin sila.

"Boom Lorie!"

"Hmm.." Ang tahimik talaga ni Lorie kahit kailan. 'Di ko nga masyadong nilalapitan kasi natatakot ako, hehe.

"Si Denver nalang!" Hehe, dapat ako unang makahanap doon. Para medyo kaibiganin ko naman siya. Medyo snob eh.

"Hmm, asan naman ng nagtago yun?" Bulong ko sa sarili ko. Malapit na ring gumabi, baka umuwi na yun. Siya kasi yung taong tahimik at gusto laging mapag-isa, kaya gusto ko kaming maging friends para hindi na siya mapag-isa.

Grabe naman di pa namin siya mahanap, gabi na oh.

"Hala baka nakidnap si Denver!" Binatukan ni Mari si Alex nang pagkasabi ni Alex.

"Ano ka ba! Baka umuwi na yun sa bahay!" At nagsimula na ang away ng dalawa, haha ang cute nila.

Hmm, saglit nga lang...

"Uy, may gumagalaw dun oh!" Tumigil sila sa pagbabangayan tapos tumingin kung saan ako tumuro.

"AAAHHHH! Multo!" Sabay takbo naman ni Mari, WAIT!

"UY UY UY! Hindi, parang... Si Denver!!" Sabi na nga ba eh, nakita ko kasi yung glasses niya.

"HANUBAYAN, Denver nanakot pa eh. Asan ka naman nanggaling? Hinahanap hanap ka namin eh! Ano bang nangyari sayo? Nang-iiwan, andaya!" Sunod-sunod na ang mga tanong ni Mari, kawawa naman.

"Uwi na tayo. Gabi na oh!" Sabi ko sa kanila. Mamaya kung ano mangyari eh.

~*~

"I'm home!" Nakita ko si Mama na nagluluto sa kusina.

"Ba't ngayon ka lang? Ano oras na oh!" Ay patay!

"Nagtagu-taguan pa po kasi kami Ma, tapos di namin  mahanap si Denver. Kaya matagal po kaming nakauwi." Pinat ni Mama ulo ko sabay sabing,

"Hay sige na nga, Buti naman may mga kaibigan ka na."

"Kaibigan po kasi ni Mari sila."

"Ahh ganun ba? Oh magbihis ka na."

"Okay po!"

Hay, sana gumaan naman buhay namin. Lumipat kami dito dahil kay Papa, lagi niyang inaabuso kami ni Mama kaya nagpasya na umalis nalang kami. Desisyon na ni Mama kaya pumayag na rin ako.

"Kakain na!" Bumaba na ako.

Masaya na ang buhay namin dito, may naging kaibigan pa ako, hindi lang isa. Apat pa! Sana panghabang-buhay na yung pagkakaibigan namin.

-•-

Hola!

Maganda po ba yung Prologue?
Try ko pong i-update pag may time.

May all have pizza in your hands,
Mallows.

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon