Chapter 4

4 0 0
                                    

-10 years later-

"Ring. Ring. Ring." Pinatay ko na ang alarm clock na tumutunog sa buong apartment ko. First day ko pala ngayon, third year na pala ako. Last year ko na 'to ng High School, kaunting tyaga nalang!

Naligo muna ako sa banyo at nagbihis, nagluto ako ng agahan ko. Habang nagluluto ako naalala ko si Mama na pagbangon ko sa umaga, naaamoy ko na ang bagong luto ni Mama. Tapos siya ang mag-aasikaso sa damit ko at gigisingin pa ako.

Wala na kasi si Mama, namatay siya nung 14 years old lang ako, at ngayong 16 na ako nakasanayan kong mag-isa na lang palagi.

Ipinatong ko yung niluto kong pagkain at nagsimulang kumain, nang nakita
ko ang isang picture na nahulog sa ibabaw ng aparador, kinuha ko ito ng napansin ko na kami pala 'tong mga dating magkakaibigan, nakakamiss din. Napansin ko ang orasan at...

"JUSME! Malelate na ako!" Di ko na tinapos kainin ang agahan ko at nilagay ko nalang sa Ref.

"Aalis na ako!" Sigaw ko sa sarili ko, at tumakbo na. 7:45 na, 8:15 kasi ang start ng klase ayoko maging late, huhu.

Nakaabot ako sa University nang 8:00, pumunta  ako sa gym dahil nandoon nakapaskil ang room ng bawat estudyante,

"Orayt, Room 216! Magkakasama ulit tayo ahaha!" Narinig ko ang sabi ng isang estudyante kasama ang mga kaibigan niya. Nakakamiss naman, naalala ko dati kaming magbabarkada eh.

"Woy, Cass same pa rin tayo ng section oh!" Sabi ni Mari sakin, habang si Lorie tuwang-tuwa na tinitingnan yung nakapskil sa bulletin board. Second year na kami sa High School!

"Nagsawa na ako sa pagmumukha niyo eh!" Sigaw naman ni Alex, at napatawa naman ako.

"Eh yang pagmumukha mo, di ka ba nagsasawa?" Ahaha, nagsimula nanaman ang dalawa. Nakita ko si Denver na nasa likuran ni Lorie at nag-uusap silang dalawa. Ang cute naman nila, at ngayon ko lang napansin na ang opposite nila Mari at Alex kila Denver at Lorie.

"Ding, Ding, Ding!" Tumunog na ang bell na nagsisignal na pagpasok na sa klase. Tumakbo kami sa gym hanggang sa kabilang building at umakyat pa sa 3rd floor, ang layo!

"Ding, Ding, Ding!" Hala, hindi ko pa nakikita pangalan ko. Hinanap ko muna at ayun, room 223. Sabay takbo ulit sa kabilang building at umakyat sa 4th floor. Just like old times nga lang, haha.

"Ah, buti hindi pa ako late." Pagtawa ko sa sarili ng nakapasok ako sa room nang may napansin ako dito sa klase.

Lahat na pala sila may barkada. Ay sige dito nalang ako sa unahan tutal kailangan ko panatiliin yung top one ko. Kaiyak.

Bumukas ang pinto at nakita ko yung teacher namin, adviser siguro.

"Good morning students." Ay kabog, nosebleed ako kay Ma'am! Nagsitayuan na kami at sabay sabay bumati.

"Good morning Ma'am" At pinaupo na kami.

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon