PROLOGUE
"Minahal kita! Binigay ko lahat para sa'yo! Ano bang ginawa ko para gawin mo sa'kin 'to?! Ang sakit-sakit eh! May pagkukulang ba ako?! May naging kasalanan ba ko sa'yo?! Bakit?! - Sandy
"Nakakatawa ka, nakakaawa ka pa. May idadagdag pa ko, tanga ka pa. Isa kang malaking tanga, pinaniwala lang kita sa mga kasinungalingan ko. Nagpapanggap lang ako na mahal kita. Alam mo kung ano yung totoo? Sukang suka ako sa mga paglalambing mo, di ko masikmura mo yung mga ginagawa mong kasweetan. Nabubuwisit ako sa pagmumukha mo. Pero tiniis ko lahat yun, para makaganti. At ngayon, nagtagumpay ako. Kaya paalam na, aking bride." - Gerald