KAPULUAN VISTA RESORT - PAGUDPUD, ILOCOS NORTE
At Groom's cottage..
"How do I look bro? Pogi ba ko? Ok ba 'tong Hawaiian polo ko? Bagay ba sa khaki shorts ko? Kung magsando kaya ako? Bro? Ano na?", natatarantang sambit ni Timothy, 28 years old, panganay na anak nila Elizabeth Tan, isang sikat na writer at Federicko Tan, may-ari ng FETG Hotel and Restaurant. Namimili kasi siya ng susuotin niya para sa kanyang beach wedding.
"Bro will you shut up?! Can't you see, I'm busy playing! Arrggh! See?! I'm dead! Tsk!", naiiritang sagot ni Gerald, bunsong kapatid ni Timothy, 26 years old.
"Bro naman, kasal ko ngayon, ba't ganyan ka? Pinapatingin ko sa'yo kung bagay ba 'tong suot ko. Ayoko naman magmukhang basahan sa tabi ng bride ko. Kaya tulungan mo na kong mamili ng susuotin ko. 'Tong red na hawaiian polo kaya? O yellow?, dire-diretsong litanya niya kay Gerald na nakatitig lang sa kanya.
"You want to know the truth? Ang pangit mo kuya. Mas pogi ako sa'yo. Kahit ano pang damitin, pangit ka pa din. Wag ka na lang magdamit, di rin bagay sa'yo", nayayamot na sagot ni Gerald at pinagpatuloy ang paglalaro.
"Wow Ge! Di ako nakaiwas ah. Kaya mamimiss kita pag kasal na ko eh. Wag magdamit? Pwede din, macho naman ako eh", sabay macho pose sa harap ng salamin.
"Yuck. Kaw macho? Nakakaumay katawan mo. Hahaha!", natatawang sabi na lang ni Gerald.
"Oh boys, nagkakasayahan na kayo diyan ah. Tawa ng tawa si Gerald oh", bungad ng kanilang Daddy na si Federicko.
"Dad si Gerald nang aasar na naman!", sumbong ni Timothy sa kanilang Daddy. Natawa na lang si Federicko.
"Ako? Wala kong ginagawa sa'yo ha. Makalayas na nga lang", sabay walk-out si Gerald. Napailing na lang si Federicko sa inasal nung dalawa.
"Kayo talaga, magkapatid nga kayo, maiba tayo, anak. Ikakasal ka na talaga, masaya ko para sa'yo, para sa inyo ni Bea. Mamimiss ka namin ng Mommy mo..", maluha-luha pa ang kanilang Daddy.
"Dad talaga. Wag ka nga ganyan. Nahawa ka na kay Mommy. Dapat happy tayo. Pumapangit kayo Dad pag umiiyak ka, promise", biro ni Timothy habang niyakap niya ang kanyang Daddy.
"Basta I am happy for you, maging matatag sana ang marriage niyo ni Bea, at bigyan mo ko ng madaming apo, oh sige na. Labas ka na maya ha, wag mo paghintayin si Bea, baka magbago isip nun, sige ka. Labas na ko, sunod ka na ha", at lumabas na nga ang kanyang Daddy.
At naiwan si Timothy mag-isa sa harap ng salamin. With one final glance at the mirror, he said, "This is it. I'm ready".