Chapter 1

295 6 6
                                    

Sharlene's Pov

"GOOD MORNING!"

Nalaglag ako sa kama at halos mahalikan ko yung sahig namin noong binatukan ako ni Heart. Ang sakit nun ah!

"Grabe Heart ha, ang gandang pambungad sa umaga niyan. Ang sakit kaya!" Saka ko hinimas yung likod ng ulo ko.

"Eh paano ang aga-aga, may pa-good mo-good morning ka pang nalalaman! Kung makasigaw ka diyan akala mo wala tayong kapitbahay." Sinimangutan ko na lang siya at saka ako pumunta sa banyo para maligo. Actually nag-unahan talaga kami papuntang banyo. Malas nga lang ni Heart at maliit ang hakbang niya kaya ako ang nauna.

"Napakaduga mo talaga, Jane!"

"Correction! It's Sharlene!"

"Tse! Dami mong alam!

"Syempre, may utak!"

'Yan ang senaryo lagi sa apartment namin ni Heart. Kami nga yata ang pinakamaingay dito eh. Maski umaga o gabi, hindi namin pinapatawad ang mga bunganga namin.

Oh. Ako nga pala si Sharlene Jane Dela Rosa. Pero mas prefer ko ang tawagin ako na Sharlene. Naaasiwa kasi ako sa Jane. Parang pang bata eh. Ay, basta! Ayoko sa Jane. Kaya nga kapag nag-aasaran kami ni Heart ay Jane ang tawag niya sa akin. Alam niya kasing ayaw ko ng pangalan kong 'yon.

"Hoy, Sharlene Dela Rosa! Ang tagal mo naman! Baka may ginagawa ka nang kakaiba dyan ha!" Narinig ko siya sa kabilang ibayo ng pinto ng banyo namin.

"Baliw! Ni hindi pa nga lumilipas ang isang minuto, matagal na? Anong akala mo sa akin, mala-Flash kung maligo?"

Yung kausap ko na isa pang abnormal ay si Heart Fortaleza Gimotea. Bestfriends kami since bata pa kami. Hanggang ngayon magbestfriends pa rin kami. Nagtataka ba kayo kung bakit magksama kame sa iisang bahay? Kase pinayagan na kami ng mga magulang namin. Gusto kase nila na maging independent kame sa sarili namen.

"Ilang balde ba yung iniihi mo ha? Nakaka-two minutes and thirty seconds ka na!" Oo, ganyan talaga siya. Lagi niyang inoorasan kung ilang minuto ako sa loob ng banyo. Para namang may magagawa siya kung oorasan niya ako. Pero imbes na sagutin ko siya, kumanta na lang ako.

"Yeah yeah yeah! Damn! Damn! Damn! What I do to have you here here here, I wish you were here!" At oo nga pala, hobby ko na ang kumanta habang naliligo. Siyempre naman, isa ata ako professional bathroom singer. In short, hanggang banyo lang ako. Pagkatapos kong makipagbakbakan sa tubig at sabon, pinatay ko na yung shower at saka lumabas ng banyo.

"Hallelujah! Natapos na rin! Ten minutes and thirty two seconds!" Sabi ni Heart at saka siya dumiretso sa banyo. Ako naman, nagsimula nang magbihis dahil baka ma-late na naman kami sa school. Syempre kelangan rin ng kaunting arte kaya nagpulbos ako tsaka yung lip gloss. And there! Ready na ako! Si Heart na lang ang di pa ready. Hindi naman kase ako ganon kaarte sa katawan. Simpleng polbo lang at lip gloss ayos na.

A Ride To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon